Chapter 59

82 4 1
                                    

Chapter 59

Alliah's POV

At sa wakas, natapos na ang stage play na kung san nagtake part kami ni Jimin.

Flashback

Sa unahan kami ni Jimin nakaupo dahil nga ina-acknowledge yung pagbibigay daw namin  g advide sa naging lead role ngayong taon. Naalala ko na naman yung time na pangalan ko mismo binanggit niya.

Ngayon nagsisimula pa lang ang play at damang dama mo na ang emosyon sa mga pangyayari, sobrang naging proud ako sa mga actors and actresses kasi tinake talaga nila yung advice kaya sobrang galing nila.

"Grabe, ang gagaling ng mga to." mahinang sambit ko habang napanood ang mga unang pangyayari.

"Ngayon, tayo na yung nanonood tas nagbibigay advice samantalang noon, tayo yung umaarte sa entabladong iyan." sambit niya kaya napalingon ako. "Alam mo rin ba na kaya naging ganyan ang outcome nina Se Ri at Hae In?" dagdag niya pa. So, Hae In ang name nung kapartner niya!

"Sinabi niya sa akin lahat ng mga nagiging balakid sa tuwing magrerehearse daw sila ni Se Ri, ang cute nga nila, nagkakahiyaan daw sila eh." sambit niya. Eh ano naman?

"Share?"

"Sungit talaga. Eh ikaw, ayy wag na. Ang professional nga daw natin eh." sambit nito, ano ba Park Jimin.

.

.

.

"And we would like to extend our gratitude to our dear co-mentors Ms. Alliah Kim and Mr. Jimin Park, please give them a round of applause." sambit nung emcee at umakyat kami ng stage, akala ko simpleng regalo lang matatanggap namin pero may plaque rin pala tas gift.

Pagkababa namin, bigla niya akong hinatak at tumingin sakin.

Ano ba tong nararamdamam kong ito?

"Picture tayo." sambit niya. "Ha?"

"Picture tayo, uulitin pa, uulitin pa?"

"Aish, sadista ka eh noh?"

"Sige, sabi mo."

...

"Oh ayan, may pambati na ako sa birthday mo."

"Yah! Ang kapal."

"Thank you ha?"

"Saan na naman?"

"Sa lahat. Sa tuwing napapasaya mo ako."

*ring!*

"Alliah halika na nga!!" sambit sakin ni Violet at tila excited pa ito habang hinihila ako.

"Teka, ano bang meron-"

"Basta!! Halikaaa!" tuluyan na akong nahila nito papalabas ng building ng department namin, nagtratrain kami na magperform ng surgery as a last performance bago pa mag winter break.

Pasalamat talaga to si Violet tapos na ako dun sa ginagawa ko eh!

Pagkalabas ko ng building ay may biglang kumakanta sa harap ng nga bata. Nakilala ko ang ilan sa kanila.

Si Sunny at Ken

"Ayuu, naiinlove na naman tong kaibigan natin!" sambit nila. Eh kasi naman, inaasar nila ako ngayon sa kumakantang iyon, sino pa ba kasi?

Lumingon ang mga ito sa akin at ngayon ay hinila ako.

"Ate Iya, sama ka samin!"

"Oo nga po ate Iya, sige na." pamimilit pa ng isa at tuluyan na akong nahila, napatingin naman ako kina Violet na ngayon ay parang pinagtatabuyan na ako.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now