Chapter 25

67 5 0
                                    

Chapter 25

Taehyung's POV

Nagulat ako sa mga pangyayari.

How come na di alam ni Jungkook na kapatid ni Yoongi-hyung si Yoonie?!

Busy ngayon sina Namjoon-hyung sa pagsearch kung sino ang babae na gusto ni Jungkook.

Yung Min Yoonie na tinutukoy nila, kapatid yun ni Yoongi-hyung. Bakit di nila alam?

Napansin ko ring tahimik si Jimin, tsaka bakit di rin siya nakikisama sa kanila. Alam niya kaya iyon?

Maya maya'y napansin ko ng tumayo si hyung at ibinaling na ang atensyon sa kanila na mga nag-uusap usap.

"Ang Min Yoon Hie ba na tinutukoy niyo ay yung nasa Architecture Department?!" tanong nito.

Hala, nahalata na ata ni hyung.

"Opo hyung, kaklase ko po siya." mahinahong sagot ni Jungkook. Nagkatinginan kami bigla ni Jimin. Kinuha ni Yoongi-hyung ang cellphone ni Namjoon-hyung at ngayon ay titig ito sa cellphone ni hyung.

"Ang tinutukoy niyong babae ay kapatid ko!"

"Akala ko pinsan mo lang?" sambit ni Seokjin-hyung.

"Kapatid ko yun, kaya kahit sino hindi na makakalapit doon." may diing sambit ni hyung.

"Hyung, kalma." Agad na nilapitan ko siya, baka mamaya kasi humantong pa to sa masama.

"Paano ako kakalma eh, kapatid ko yun!" sambit nito sa akin. Pumiglas siya sa pagkakahawak ko at umalis na rin siya

"Yoongi!" sigaw ni Seokjin-hyung pero di siya pinansin ni Yoongi-hyung.

"Hyung!!" sigaw ni Jimin.

"Jungkook, bakit parang galit na galit si Yoongi sayo?" tanong ni Hoseok-hyung.

"Malamang Hobi kasi kapatid nya yung gusto ni Jungkook.. alam nyo naman yun si Hyung overprotective yun" sagot naman ni Namjoon-hyung.

"Hindi lang yun.. alam ko ang kasalanan ko kay Yoongi-hyung" sambit ni Jungkook.

"May kasalanan ka kay Yoongi-hyung?" lahat sila sabay sabay na nagtanong.

"Isang malaki at mabigat na kasalanan" kinabahan ako habang iniisip ko.

Ibig sabihin, si Jungkook ang dahilan kung bakit nabanggaan si Yoongi-hyung? Bakit? Anong nangyari. Sa pagkakaalam ko, naabutan ko noon si hyung ay saktong nabanggaan na ito ng kotse.

"Hindi ko naman sinasadya.. na.. muntikan nang mapahamak si Yoonie noon.. dahil sa akin.." sabi nito at tumulo na ngayon ang mga luha sa kanyang mata.

"Nung nasa bahay kami nila Yoongi-hyung.. tinuturuan ni Yoongi-hyung magbike si Yoonie.. pero nabanggaan ko si Yoonie kaya nalaglag siya sa kalsada.."

"Dahil lang dun?!" di makapaniwalang tanong ni Seokjin-hyung.

"Nung malaglag si Yoonie sa bike niya sa gitna ng kalsada.. muntikan siyang mabanggaan.. ng isa sa mga investors ni Tito na padalaw nung araw na iyon.." nanginginig na sambit nito.

"Si Yoongi-hyung ang nabanggaan ng sasakyan para sagipin si Yoonie." sambit nito.

Alam ko na ganon ang nangyari pero, hindi ko alam na si Jungkook pala ang nakabangga kay Yoonie para maging dahilan upang sagipin ni Yoongi-hyung si Yoonie.

Flashback

Nasa kotse kami ni Jimin, ihinatid kami ni Mama para sunduin sina Yoonie at Yoongi-hyung, ipinagpaalam naman na namin sila kina Tito at Tita, agad din namang pumayag sina Tito at Tita lalo na't may mga investors silang tatagpuin. Isa pa, tuwing Sabado ay naglalaro kami sa bahay.

"Jimin–"

Napansin kong tulog na ito. Naaninag ko mula sa bahay nila hyung na may nalaglag sa gitna ng kalsada agad namang sinagip ni hyung ang babaeng iyon at ngayon si hyung ang nabanggaan.

"Ma, pakitigil nga po. Bababa lang po ako." sambit ko at agad na binuksan ang pinto, nagising naman si Jimin at ngayon ay sinamahan ako. Nauuna ako kay Jimin ng mga dalawampung hakbang, kitang kita ng dalawa kong mata kung ano ang nangyari.

"Taehyung, anong nangyari?" tanong ni Jimin sa akin, saktong nakatayo na si hyung kaya di niya alam ang buong pangyayari.

"Nabanggaan ba si hyung?" tanong nito at napailing naman ako. Ngayon, tinawag na ni Tito si Yoongi-hyung at Yoonie.

Hindi na namin sila aakitin.

"Tara na Jimin, balik na tayo. May bisita ata sina Yoongi-hyung sa bahay nila." sambit ko. Alam kong clueless si Jimin sa mga pangyayari at isa pa kagigising lang niya.

"Oh? Taehyung at Jimin, akala ko sinalubong niyo na ang hyung niyo?"

"Di na po muna namin aakitin maglaro si hyung, may bisita po sila eh." sabi ko at sumakay na sa kotse.

...

"Jungkook, ikaw ang dahilan kung bakit muntik ng mabanggaan si Yoonie?" tanong ni Jimin. "Ikaw rin yung naandon nung mga araw na aakitin namin ni Taehyung si Yoongi-hyung maglaro?"

"Oo hyung, bakit?"

"Nakita ko ang buong pangyayari." sambit ko. Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Sorry hyungs, ayaw kasi ni Yoongi-hyung malaman niyo ang nangyari sa kanya.

"Jungkook, patawad, pero matagal ko ng alam na kapatid ni Yoongi-hyung si Yoonie." nakayukong sambit ni Jimin. Napatingin naman si Jungkook sa hyung niya at nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata nito.

"Hyung! Bakit di mo sinabi agad?!" sambit nito, lahat kami natahimik. "Hyung! Sana sinabi mo agad ng hindi na ako nagmukhang tanga." nagsimulang tumulo muli ang mga luha mula sa mata ni Jungkook. Tahimik lang ang lahat.

"Hindi Jungkook, buong akala ko alam mong kapatid ni hyung si Yoonie–"

"Buong akala mo lang iyon hyung! Ni hindi mo man lang ako tinanong kung alam ko ba talaga o hindi. Dahil buong akala ko hyung pinsan niya lang si Yoonie." sambit ni Jungkook at ngayon ay umalis na.

"Jungkookie!"

"Guk!"

"Jungkook-ah!"

"Ang problemang ito ay kailangan nating mapag-usapan sa lalong madaling panahon." sambit sa amin ni Namjoon-hyung.

"Bigyan na muna natin ng space sila. Hindi pwedeng pangaralan natin agad sila, lalo na't hindi natin alam ang buong nangyari." sambit ni Hoseok-hyung. Tumango-tango naman kami.

"Jimin, hayaan mo na muna si Jungkook–"

"Opo hyung, alam ko naman po. Pero akala ko kasi talaga alam niya eh."

"Taehyung, bakit ang tahimik mo?" tanong sakin nila.

"Matagal ko ng alam ang lahat hyung, bago pa ikwento sa akin ni Yoongi-hyung, nakita na mismo ng mga mata ko ang buong pangyayari. Hindi ko na sinabi sa inyo dahil ayaw kong pangunahan si Yoongi-hyung." sambit ko.

"Kailangan talaga nating mapag-usapan ito." sabi ni Seokjin-hyung.

Si Yoongi-hyung nagalit kay Jungkook, si Jungkook nagtatampo sa Jimin-hyung niya. Ano na ang sunod na mangyayari?

Ano pa ba ang mga sekretong kailangang isiwalat?

___________

~mochilex4🌙

Opposites AttractOnde histórias criam vida. Descubra agora