Chapter 67

56 3 0
                                    

Chapter 67

Jimin's POV

Lahat kami nandirito sa labas ng emergency room, si Tito kanina pa pabalik balik at si Tita naman ay pinatatahan ni Taehyung sa pag-iyak, si Yoonie kanina pa umiiyak dahil kung hindi daw nawala sa paningin niya si Iya kanina, hindi aabot sa ganito.

Pero ako? Sinisisi ko sarili ko kasi di ko man lang nagawang iligtas siya sa mga oras na yon. Dapat tinulak ko na lang silang dalawa ni Pink papalayo sa pwesto nila, pero, di ko nagawa.

Biglang bumukas ang pinto ng ER at ngayon ay lahat kaming sabay-sabay na napatayo.

"Who are the patient's family?" tanong nito at biglang umakyat ang kaba sa dibdib ko. Lumapit naman sila Tito at Tita.

"She's okay now, it's just that..." sambit nito at napatigil, kinuha niya ang papeles at ipinakita iyon kina Tita.

"20% of her memory can be gone, but still, she can be cured, since she's not on a critical condition, it's just that she need to take her medicines." sambit ng doctor at ngayon ay kinabahan ako.

20% ng memory niya mawawala? Dahil ba yun sa pagkabagsak niya kanina?

Alin pala ang mauunang mawala? Yung mga bago o yung pinakanauna sa lahat?

Umiiyak ngayon si Tita at yakap yakap siya ni Taehyung.

"20% lang po ba talaga?" tanong ni Taehyung at tumingin sa amin ang doktor.

"Since it's just mild, 10 - 30% of her memories, don't worry, hindi siya ganoon kalala kaya wag kayong mag-alala, monthly check ups are needed and also, the medicines are a must para di na lumala pa ito." sagot niya.

"You can visit her now, but we also need to run on some tests to make sure she's okay." sambit nito at tumango naman si Tito. "Also, I need to talk to you, Mr. Kim." dagdag pa ng doctor kay Tito.

"Bakit ba kasi nangyari pa ito?" tanong ni Yoonie at ngayon ay luhaan din ito. Di ko alam ang sasabihin ko, di ko alam kung sa pagpasok ko ba ng room niya ay makikilala niya pa ako.

"Bisitahin na natin siya." sambit ni Tita sa amin kahit na luhaan pa siya.

.

.

.

Pagkapasok na pagkapasok ko naramdaman kong nangingilid ang mga luha sa mata ko. Sobrang sinisisi ko sarili ko sa nangyari sa kanya kanina, ang sakit.

"Iya, anak." sambit ni Tita at ngayon ay nakangiti sa kanya si Iya. "May masakit ba sayo?" tanong nito at umiling naman siya. Lahat kami nakatayo sa gilid.

Nung nakita ko ang mga ngiti niya, mas nakaramdam ako ng sakit. Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan ang nararamdaman kong ito.

Tinapik-tapik na lang ni Yoongi-hyung ang balikat ko. "Nandito lang kami, Jimin." sambit niya pa. Si Taehyung, kanina pa tulala at sobrang lalim ng iniisip.

"Oh? Bakit kayo nag-iiyak? Hello, buhay pa ako." sambit nito at ngayon ay nanatiling nakatungo pa rin ang lahat, si Tita ngayon ay umiiyak na naman.

"Ma, bat ka umiiyak? Bat ang lulungkot niyo? Okay lang ako." sambit niya at nagtataka sa aming lahat. "Di ko kayo nalilimutan, wag kayong OA." dagdag niya pa at inisa-isa kami. Ngayon natawa ang lahat.

"Wala naman kaming sinabi na isa-isahin mo kami." sambit ko at inirapan naman ako. "Ang OA niyo kasi, para kayong tanga." sambit niya na muling ikinatawa ng lahat.

"Wala kang nalimutan? Anong tinatake mong-" di na natuloy ni Taehyung ang sasabihin niya ng biglang dire-diretso sa pagsagot si Iya.

"Unnie, basta magtatake ka ng medicines mo ha, alam kong magiging future doktora ka pa." sambit ni Yoonie at halatang nainis naman si Iya sa sinabi nito.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon