Chapter 8

52 6 1
                                    

Chapter 8

Alliah's POV

Tutor Session ngayon kasama si Jungkook and di ko alam kung anong mangyayari kasi for the very first time, nagkaroon ako ng bahid ng detention.

Thanks a lot to Park Jimin.

"Noona?" sabi nito sa pinto at agad ko namang pinagbuksan, buti na lang sabay sila kung hindi baka di ko pinagbuksan ang isa.

Tahimik siyang pumasok, mukhang nakikiramdan din si Jungkook kasi, di talaga kami okay nung isang yan eh. Tsaka ano nga name nun? Ang tanda ko lang kasing name niya, epal. Hmp.

Kukuha na sana ako ng makakain namin ng biglang...

"Saan ba kasi yun nakalagay sa kusina? Ako na lang kukuha." sambit nito pero di ko pinansin at nagdire-diretso lang ako sa kusina. Naramdaman ko na naman uli yung sakit ng balikat ko nung aabutin ko yung cookie jar, dahil sa pagkabagsak ko kaya masakit yun. Oo, yung binagsak ako mismo.

"Akin na, ako na kukuha." sabi nito at inunahan na ako at dire-diretsong binuksan yung cabinet sa baba.

"Park Jimin, kukuha ka na lang ng pagkain hindi pa sa tao." sambit ko. Napagtanto niya na ang hawak hawak niya ay dog food, oo, pagkain ni Yeontan.

"Ay, sorry." sabi nito at binalik sa tamang pinagkakalagyan ang dog food. Naghugas muna siya ng kamay at inabot ang cookie jar. Kumuha na lang rin siya ng dalawang baso ng tubig.

"Noona, may masakit sayo?"  Siguro napansin nito na hirap akong kumibo lalo na yung kaliwang balikat ko.

"Hindi, okay lang ako." sabi nito.

"Ikaw naman kasi hyung eh. Bakit mo ba binagsak si noona? Nahihibang ka na ba?" sabi nito sa hyung niya. Ginagalitan na niya as of now si Jimin at ang lolo niyo naman na pinakaepal sa balat ng lupa, tawa lang ng tawa. Hmp.

"Bat mo ba kasi nagawa yun hyung?" tanong ni Jungkook. Oo nga? Bakit ba?

"Bibiruin ko sana lang na kunwari ibabagsak ko siya pero di naman pero, di ko sinasadyang mabagsak siya ng tuluyan." sagot nito.

"Alam mo kung anong tawag sayo hyung?" sabi ni Jungkook. "Ano?" ani ni Jimin. "Tanga, bat mo man kasi yun gagawin. Ewan ko sayo, Jimin-hyung!" sigaw nito at nagsagot ng mga problems naman sa Science.

Napakamot na lang sa ulo si Jimin at ngayon ay kinakain na kami ng katahimikan.

Umakyat ako sa kwarto ko upang kumuha ng pain relief patches kasi di ko na talaga kaya yung sakit. Pagkababa ko, wala na si Jimin.

"Aalis na daw siya muna noona, may aasikasuhin pa daw siya sa kanila." sabi ni Jungkook at tanging tango lang ang isinagot ko.

.

.

.

"Sige noona, mauna na ako. Salamat, babye." sabi ni Jungkook ngayon habang inaayos ang gamit niya.

"Ingat sa pag-uwi ha?" sabi ko.

Habang kumakain ng gabihan.

"Kamusta ang araw niyo, Iya, Taehyung?" sambit ni Mama.

"Ayos lang naman, Ma. Alam niyo ba nagkabiglaang meeting ang mga teachers kanina kaya ayun, bukas na lang matutuloy ang quizzes namin." sambit ni Taehyung.

Hmm, let me summarize mine, nadetention po ako, buti nagkabiglaang meeting kasi kung hindi, paktay ako sa mga quizzes.

"Ikaw Iya? May problema ba sa school?" sabi ni Mama.

"Hindi po, wala po. Okay lang naman po, may quiz po dapat kami kaso nagkabiglaang meeting po sila kaya, okay lang." sagot ko. You are lying once again, Alliah.

Matapos akong kumain umakyat naman ako sa taas para buksan at magbasa ng mga libro. Tutal, may quiz naman kami bukas eh.

Habang nagbabasa ako biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Paglingon ko doon, si Taehyung lang pala.

"Oh? Kambal bakit?"

"Nabalitaan ko nadetention ka daw." bungad niya. Wala ka talagang takas Alliah sa kakambal mo.

Tumango na lang ako.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Ikwinento ko sa kanya ang mga pangyayari mula sa pagkuha ko ng libro sa locker hanggang sa hinaharangan ako lagi ng bestfriend niya sa daan hanggang sa abutan ng bell at naglinis, pero, disregard natin yung na-out balance ako at binagsak ako. Tumawa lang siya sa ikwinento ko. Oh di ba? Ganyan kasi yan eh.

"Hay nako, pagpasensyahan mo na talaga si Jimin ha? Sadyang inaabot talaga yun minsan." sabi nito at tumawa tawa.

"Kung wala ka rin namang magandang maidudulot, bukas ang pinto ng kwarto ko at pwede ka na ring umalis." sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Sungit sungit naman nitong kapatid ko." sabi nito at biglang nag echo sa isip ko yung mahiwagang Miss Sungit na tawag ng bestfriend niya sakin. Aaah! Nakakainis.

"Sige na, mag-aral ka na diyan. Pag nag 9:00 or 9:30 na ha, matulog na. Goodnight." sabi niya at tumayo papunta sa pinto, tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya at ngayo'y binaling ko muli ang atensyon ko sa pagbabasa. Napatingin ako sa orasan at 8:45 pa lang.

Binuksan ko ang cellphone ko at ngayon ang daming bumungad sakin. Naghihingi ng mga reviewers para sa quiz.

.

.

.

Kinabukasan

Math Class

"And the square of the two..." lahat ng mga tao dito sa paligid ko, mga tinatamlay makinig, isama mo na rin kasi yung init kaya nakakatamlay. Halatado din na ang lahat ay nag-iintay na lang na magbell kasi recess na ang sunod.

"Any questions?" tanong ni Sir.

"None."

"Goodbye Class."

"Goodbye Sir."

ring: (breaktime)

Lahat ng tao sa room nagsilabasan na at ako lumabas na din para salubungin si Yoonie sa cafeteria.

"Masakit pa man balikat mo?" tanong niya sakin.

"Hindi na ganon kasakit tulad kahapon, buti nga di ganon kabigat mga dala kong libro eh." sabi ko sa kanya. Mabuti na talaga at di mabigat ang librong dala ko, kasi kung hindi mawawalan na rin ako ng kanang balikat nito.

"Ano, okay na kayo?" biglang sambit niya.

"Ano? Okay na kayo? Ako okay, siya, ewan ko." sagot ko at uminom ng tubig.

"Sure ka diyan ha." sabi niya. Maya maya'y napansin kong papalapit sa amin si Jungkook, di niya kasama yung usual na kasama niya pero si Seokjin-oppa ang kasama niya.

"Noona, wala pala muna tayong tutor mamaya ha." sambit niya. "Ano? Bakit?" tanong ko. "Basta noona may pupuntahan kami nila hyung." sambit nito at tumango lang ako. "Hello Seokjin-oppa." bati ko at ngumiti naman siya pabalik. "Hello rin Iya, sino nga palang kasama mo?" tanong niya. Ha? Di nila kilala si Yoonie?

"Ah eto si–" Nasaan na si Yoonie?

"Noona, may nakikita ka ata na di namin nakikita." biro ni Jungkook. "Hindi nandito lang yun, baka may gagawin pa, sige una na ako." sambit ko. Nasaan na kaya yun si Yoonie?

.

.

.

Dismissal

Kalalabas ko lang ng aming classroom at ang bumungad sa akin ay ang kakambal ko.

"Tara, Iya!"

__________

Author's Note:

I am currently watching my crush's live in vlive hehe char.

Another update! Ily

~mochilex4🌙

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon