Chapter 39

53 4 13
                                    

Chapter 39

Today is the last day ng finals exam namin and starting bukas, hopefully, semestrial break na namin and ito pa, di ganum kabigat yung iniwan samin ng mga teachers namin na gawain.

Ngayong hapon ang schedule ng aming exam, at hanggang 6 o'clock kami plus medyo nag-sstart na rin yung long nights and short days period.

Chemistry na ang exam namin at ito pa, hindi na nagpaadvance exams si Madame dahil sa insidente kaya sunod dito ang exam namin sa subject niya.

"Last 10 minutes." sambit ni Madame Yook. Lahat ay focus na focus magsagot. Ako naman iisang number na lang ang di masagutan ng ayos.

Baka sabihin niyo nagmamagaling na naman ako, edi wag na nga. Mamaya sa test kay Madame Lee di na ako masabi kung ilan na lang ang di nasasagutan.

.

.

.

"Pass your papers." lahat ay nagsilapitan na kay Madame Yook at nagsipasa ng papel. After sembreak namin makikita ang results, or pwede rin daw na i-post nila yun online.

"For sure, lahat na naman ng numbers dun nasagutan ni Alliah." sambit ni Violet.

"Ayy true ka diyan sis, always naman. Alam naman ng lahat na ang talino naman nito ni Alliah." sabi ni Raine.

"Kaya naman kinaiinggitan ng iba." sambit ni Hera.

"Uyy foul!" sigaw ni Hyung Joong at ang lahat ay tumawa. Si Pink naman na nasa gilid ay nananahimik. Wala siyang makausap, wala ding malapitan, yung mga alipores niya kasi aligaga kung saan saan.

"Ano ba kayo, parang wala dito yung pinariringgan ah?" sambit ulit ni Hera at nagsigawan na ang lahat. Umalis ng room namin si Pink. "Oh tingnan niyo, natamaan di ba?" dagdag niya pa at hinawakan ko na siya sa balikat bilang hudyat na tumigil na siya. "Alliah, hello! Wag ka ng magpakabait dun, ang sama nga sayo, di pa nagsosorry tapos–"

"Hayaan niyo na, sigurado ako nagsisisi na rin yun." sambit ko sa kanila, natahimik silang lahat.

"Paano ka naman nakasisigurado na, nagsisisi na yun, eh, di pa nga nagsosorry." sabi ni Raine.

"Action speaks louder than words?" sambit ni Hyun Joong at napalingon sa kanya ang lahat.

"Hyun Joong, nagkakamali ka diyan." sabi ni Hera. "Action speaks louder than words? Eh lahat nga ng inakto ni Pink sa harap ni Alliah ay puro kaplastikan." sambit nito. Natahimik ang lahat at tila interesadong makinig sa sinasabi ni Hera. "In short, wag magpapalinlang sa mga nanloloko ng tao. Sige ka, sa dulo talo ka." sabi nito, nagsigawan naman ang lahat.

"Kung sa tingin man ng iba ay talo ka, panalo ka pa rin, kasi despite na ang daming ginawang masama sayo nung tao, nagawa mo pa ring magpakumbaba at mapatawad iyon di ba?" singit ko naman. Tunay na panalo ka kapag mas pinili mong magpakumbaba at magpatawad, kasi malinis ang intensyon mo eh.

"E–"

"The sweetest revenge that you can give to a person is to be kind and to forgive them on what they did to you." sambit ko.

"May point siya, can't argue with that." sambit ni Hyun Joong at ngayon ay umiinom ng tubig.

"Hayaan niyo na lang, lilipas na lang to." sabi ko. "At ngayon, mag-aral na tayo kasi si Madame Lee na ang sunod, mahirap yung magpaexam di ba?" sabi ko sa kanila at ngayon ang lahat ay aligaga magreview. Bawat sulok ng classroom kitang kita na may nagrereview dito at nagrereview doon.

.

.

.

"Sige, mauna na akong umuwi ha, sure kang di ka sasabay sa amin, Iya?" sambit ni Violet at umiling ako kaya naman tuluyan na siyang umalis. "Ako rin pauwi na, ingat kayo ha. Lalo ka na Iya." sambit ni Hera. "Huy enjoy natin sembreak ha! Ingat sa pag-uwi." sambit ni Raine at sabay sila ni Hyun Joong.

Itong si Raine at Hyun Joong may napapansin kami nila Violet last week pa eh.

6:00 na sakto at medyo madilim na agad sa labas, di daw ako masusundo ng kapatid ko dahil may kailangang asikasuhin siya sa related organization na kinabibilangan niya. So, mag-isa akong uuwi. At mukhang wala ang nangako na sabay daw kami umuwi.

Naglalakad ako sa hallway and biglang pumatay ang mga ilaw, ha? Akala ko tuwing 6:30 pinapatay ang ilaw dito sa school? Pero sa classrooms di hallways.

Napakapkap ako sa bulsa ko para kunin ang cellphone ko pero di ko nadama.

"Looking for this?" sambit nito at naka-on pa ang flashlight. Cellphone ko yun ah? "Well, you thought, I won't seek revenge?" dagdag niya pa. Takte, inaano ko ba to ha? Di talaga tumitigil.

"Well, no." Tinatanong ko ba siya? Tila umaapoy ang mga tingin nito sa akin nang bigla niya akong itinulak sa isang room at ngayon ay nilock niya iyon. "Oh by the way, you are in the Physics Lab and if I'm not mistaken there is a mystery here right? Hahahaha." sabi nito at inapakan pa ang cellphone ko hanggang sa masira iyon.

Potek, takot ako sa ilaw, Ma!

"Goodbye, Alliah." tuluyan na itong umalis. Ano bang ginawa kong mali? Bakit laging ako? Ano ba kasing kasalanan ko sa kanya?

Nagsimulang tumulo na ang mga luha sa mata ko. "TULONG!! TULUNGAN NIYO PO AKO!!" sumisigaw ako at kinakalabog ang pinto. Kinuha ko rin ang hairpin sa buhok ko at umaasang mabuksan ang doorknob pero wala. Matagal ng di ginagamit ang Physics Lab na to dahil sa misteryong meron dito.

"TULOOONG!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!" sumisigaw ako at umiiyak, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawawalan na ako ng pag-asa na baka sakali ay magbago pa si Pink. Pinatawad ko na siya at ngayon ay pinapatawad ko pa rin siya. Ang bait ko di ba?

Asan rin ba kasi yung janitor or guard?!!

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" sigaw ko muli, napapagod na ako. Ayaw ko na. Gusto ko ng makaalis. AYAW KO NA TALAGA.

"TULONG!" sigaw kong muli at umaasa na baka may makarinig pero wala. "Tulong." at wala akong nagawa kundi umiyak lang habang nasa tabi ng pinto. Nakapatong ang ulo ko sa tuhod ko at umiiyak.

.

.

.

Biglang bumukas ang pinto, dahil sa dilim di ko maaninag kung sino ang taong iyon. Napaangat ako ng tingin at nakilala ko iyon.

Ang mga mata nito. Hindi ako nagkakamali, iyon ang nakita ko noong may nagligtas sa akin sa bahay.

"Alliah okay ka lang?" sambit nito sa akin. "Narinig ko kasi na may sumisigaw." dagdag niya pa habang abala sa katatanong kung ano nga ba nangyari sa akin. "Buti na lang di pa ako umaalis sa classroom namin para sa ledger na ginagawa ko, tsaka hinanap ko agad yung guard para mabuksan ang pinto."

"Sorry talaga, di ko nasabi na na-busy ako sa ledger, sorry din dahil nahuli ako." sambit nito at niyakap ako. "Nangako naman ako at panghahawakan ko iyon, pero sorry pa—"

"Ikaw ba yung nagligtas sa akin noon sa bahay?" diretsong tanong ko sa kanya. Lumuwang ang pagkakayakap niya at humarap sakin. Tiningnan ko muli siya mula sa mga mata niya, hindi ako nagkakamali, ang mga mata na sabi kong kilala ko kung kanino ay sa kanya pala.

"O-Okay ka lang ba?"

"Park Jimin, sagutin mo ang tanong ko."

"Tara na, Alliah, gabi na. Baka hinahanap ka na nila Tita." sabi nito at inalalayan ako sa pagtayo.  Palabas na kami pero hindi pa rin ako titigil hangga't hindi siya sumasagot.

"Jimin, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." sabi ko sa kanya. "Ikaw ba ang nagligtas sa akin noon sa bahay namin? Ikaw ba yun?" tanong ko muli at umaasa na sumagot siya pero ni-isang imik ay wala akong narinig mula sa kanya, ngunit umaasa pa rin ako na sasagutin niya ang tanong na iyon.

"Hindi pa sa ngayon siguro para malaman mo ang sagot kung sino iyon sa aming pito, Alliah." iyon ang nasabi niya, pero dama ko, damang-dama ko na hindi ako mali at siya iyon.

__________

Author's Note:

Hi :))

~mochilex4🌙

Opposites AttractKde žijí příběhy. Začni objevovat