Chapter 15

48 6 0
                                    

Chapter 15

Alliah's POV

Another School Day...

Paakyat ako papunta sa classroom namin habang binabasa ang libro sa Anatomy. May ginawa naman na akong reviewer pero mas napipicture ko kasi sa utak ko yung mga terms pag sa libro ako nagbabasa.

Maya maya'y may nagmamadaling bumababa at buti na lang nakailag agad ako. Kasi kung hindi, madadagdagan na naman po ang sakit ng aking balikat.

Bakit ba laging target niyo balikat ko? Tsaka, makisama naman po kasi kayo sakin, kababagsak ko lang nung Sabado eh.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin lahat ng mga kaklase ko mga nakikipagtitigan/nakikipag-one on one sa libro nila kasi for sure, another quiz ang magpapasabog ng mga utak namin.

...

ring (Anatomy Class)

Biglang pumasok si Madame.

"Good Morning Class." bati nito sa amin. Lahat ng mga kaklase ko ay kinakabahan na ngayon, syempre pati rin naman ako.

"Good Morning, Madame."

"Take your seats, put away all of those unnecessary things on your table." sabi niya at handa na siya ngayong mamimgay ng test papers namin.

Quiz pa lang to pero parang midterms na namin ah?

"This is a 1-70 item quiz. It was supposed to be 1-85, but since midterms is coming too, I decided not to make it 1-85. This will serve also as a reviewer for your midterms so, Goodluck!" sabi nito. So binawasan niya ng 15 points? Nice one!! Thank you, Madame!

Finally, nakaquiz din kami ng hindi 1-85 ang items non.

.

.

.

Math Class

Pumasok si Sir sa amin at ngayon dalawang libro ang hawak hawak niya. Yung isa, sa mga nasa accountancy at business, at ang isa naman ay yung sa amin talaga.

"Good Morning, Class."

"Good Morning, Sir."

"Take your seats." sabi niya at nakangiti pa sa amin.

"Anong meron?" tanong ni Pink. "After 3 days nagpakita rin satin si Sir." sambit ni Raine na nasa likuran ko.

"I told you that I have a conflict schedule with this department and the Business and Accountancy." sambit niya at ngayon ang mga kaklase ko ay nag uusap na. "So, starting this day, during Math hours, the Accountancy and Business department will be joint together with the Medical department." sabi ni Sir.

Ang dami ngayong nagtataka.

"Hyun Joong, please open that." at itinuro ni Sir ang direksyon ng nagsisilbing taga-hati sa dalawang rooms.

Binuksan na iyon ni Hyun Joong, maging ang mga nasa department na iyon ay nagulat.

"Business and Accountancy students, can you hear me?" sambit ni Sir. Tumango naman sila. "You can now answer the test papers I lend you, I will discuss a new lesson for the Medical department." sambit nito at ngayon nagsasagot na ang mga nasa department na yon.

"Ang gwapo ni Jimin!" bulong ni Pink. "Ang ingay naman Pink, pero totoo nga. Ang gwapo niya."pagsesecond the motion ni Raine.

Nagdidiscuss ngayon si Sir ng bago naming lesson. Maya maya'y lumapit si Jimin kay Sir at may itatanong ata, ito namang mga nakapaligid sakin, mga kinikilig. Hay nako.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now