Chapter 51

64 4 50
                                    

Chapter 51

Yoonie's POV

Pagkababa namin ng sasakyan ay agad na kinuha ni Jungkook ang mga bagahe ko. Pinilit ko namang agawin sa kanya pero ayaw niya.

"Ako na, kaya kong dalhin yan" sambit ko ngunit mas lalong tinaasan niya ang pagkahawak sa mga ito.

"Hindi, kasama sa kontrata namin ni Yoongi-hyung ang hindi ka pabayaan, sabi ni Mochi-hyung diba" pagdepensa niya.

"May kontrata din kayo ni Oppa, restraint order, remember?" tinitigan ko siya ng masama pero nginitian lang niya ako.

"Wala pa naman si Yoongi-hyung diba? Kaya hayaan mo na muna yang restraining order na yan" agad niya akong hinila.

"Mauna na kami hyung!" sigaw niya pa at ihinatid na niya ako sa kwarto namin ni Iya.

Binaba niya ang mga gamit ko sa loob at sandali kaming tumigil sa balcony.

"Wala pa naman si Yoongi-hyung, baka sakaling ano.. ahm, lakad lakad tayo? Plus may campfire mamaya so.. ano yun lang hehe" sambit niya habang nakahungko at hinihimas ang batok niya.

"Kung payag ka, baba ka na lang mamaya, ibababa ko muna yung gamit namin ni Jiminie-hyung.. mauna na ako" nahihiya niyang sambit at bumaba na ng hagdan sabay takbo papunta sa sasakyan.

Tumaas na si Iya at napansin na titig lang ako kay Jungkook na tinutulungan ang hyung niya na magbitbit ng mga gamit sa kwarto nila.

"Huy, ayos ka lang? Inano ka nun?" tinapik niya ako.

"AY ANAK NG- YA WALANG GULATAN"

"Sorna, tulala ka nanaman kasi.. inano ka baga nun?"

Nakita ko namang pabalik na dito si Jungkook kaya agad akong bumaba sa hagdan.

Yoongi's POV

"Pwedeng bilisan na natin, parang may hindi ako magandang pakiramdam"

"Ano nanaman yang panghuhula mong yan hyung?" tumatawang tanong ni Hobi.

"Basta, sinabi ko na talaga kay Jimin sakin na isabay si Yoonie pero napadala talaga ako sa acting niya kanina hay nako!" sambit ko habang hinilot ang aking noo.

"Kalma lang hyung, andun naman si Iya, kasabay naman nila" pagtatapik sakin ni Taehyung.

"Kahit pa, basta't nanjan si Jungkook hindi ako makakampante"

"Hyung, pagkatiwalaan mo naman si Jungkook, mukhang seryoso naman sa kapatid mo e"

"Ayoko, hindi pwede.. ayaw kong magkaroon ng koneksyon sila ni Yoonie"

Lahat sila nanahimik sa sinabi ko. Bakit mali ba ako? I'm just protecting my sister. Wala sila sa posisyon ko kaya hindi nila maiintindihan. Iba kapag ikaw na, ibang iba kaya kung ito yung nararamdaman kong tama, ito yun.

"Nandito na tayoooooo!!!" sigaw ni Seokjin, agad naman akong lumabas para hanapin si Yoonie.

Nadatnan ko yung dalawa na naglalakad.. oo magkatabi sila, pero may distance pa rin naman. Tatakbo at sisigaw na sana ako ng pigilan ako ni Taehyung.

"Wag muna hyung" pagharang niya.

"Bakit? I have the rights, may restraining order akong isinampa sa kanila"

"Yoongs, isipin mo naman yung kapatid mo, si Jungkook din.. gusto mo ba talagang hadlangan yung dalawa?" seryosong tanong niya sa akin.

Napatitig naman ako sa dalawa, masaya ngayon si Yoonie.. nakangiti siya at tumatawa..

"Gusto mo ba talagang protektahan siya pero hayaan siyang malungkot?" pagtanong nanaman sakin ni Taehyung.

Natigilan ako sa sinabi ni Taehyung. Tama siya.. mas gugustuhin ko bang safe si Yoonie kesa sa masaya siya??

"Hyung, may karapatan din si Yoonie.. karapatan niyang maging masaya, maging malaya.. alam mo naman yon"

"Wala man ako sa posisyon mo,kaya hindi ko masasabi kung ganyan din ang gagawin ko.. oo, may kapatid ako, pero mas matino naman siya sa akin kaya hayaan ko na sila ni Jiminie"

Agad ko namang binatukan sa ulo si Taehyung at napakamot siya ng ulo niya.

"Sorna, pero hyung.. kahit naman ganon protective naman ako kay Iya, kaso ikaw kasi.. overprotective ka nang masyado.. di mo napapansin na nagiging hadlang ka sa ikasisiya niya" pagseseryoso uli ni Taehyung at pareho kaming napatingin kay Yoonie at Jungkook.

"Alam mo naman na Taehyung.. kung hindi lang kasi sana si Jungkook.. pero bakit kasi siya pa? Bakit kelangan siya pa talaga?"

"Kung hindi lang sana niya ipinahamak si Yoonie noon, pero ganun na nga.. kaya ayaw ko.. hindi pwede" pagmamatigas ko.

"Yoongs, a piece of advice, na at this point pinakamatino kong maiibibigay.."

Let her decide for herself, it's not always your choice. She needs to take control of her own life. You can't judge everything by just one mistake.

Tinapik ako ni Taehyung at naglakad papalayo. Nanatili naman akong tulala.

Pero pano kasi kung maulit lang lahat? I don't want to take any chances. Pero.. pano kung handa si Yoonie magtake ng risks?

Huminga ako ng malalim at naglakad papalayo. Itutulog ko nalang muna to.. ngayon lang.. ngayon lang muna kita pagbibigyan.. kelangan ko pang ayusin lahat ng nasa utak ko.

At sayo Jungkook.. umayos ka, lintikan ka sakin kapag may naisip kang kung ano. Huwag na huwag sa kapatid ko, International Playboy.

Para sayo Yoons, gagawa ako ng paraan.. gagawin ko ang lahat para maging safe at masaya ka.. gagawan ni kuya ng paraan.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now