Chapter 82

26 3 0
                                    

Chapter 82

Yoonie's POV

Bumisita ngayon si Jungkook, sabay na kasi kaming gagawa ng final project namin. Si Yoongi-oppa ang mag-guguide.

"Yoonie, Yoongi, hinabilin ng pinsan nyo etong pamangkin nyo" tawag ni Mama at nakuha naman niya ang atensyon namin.

"Tita Yoooonnns!" takbo ni Yoonjung sakin. Napatingin naman siya kay Jungkook.

"Sino ka?" tanong niya at tumingin siya sa akin.

"Yoonjung.." sambit ko at tumingin siya kay Jungkook. "Sino ka po?" tanong niya muli.

"Hello, future husband ako ng Tita Yoons mo" sambit niya at nahampas ko siya kaagad.

"Hoy, walang kasalan baka masakal kita jan" sambit ni Yoongi-oppa at natawa naman kami.

"Yoonjung, mamaya-maya na tayo nila Tita Yoons mo maglaro, may tatapusin muna kami ng sandali ha?" sambit ni oppa at tumango naman si Yoonjung ng nakangiti.

Hinayaan muna namin si Yoonjung maglaro ng mag-isa sa likod ng bahay, nandon kasi yung basketball hoop ni Yoongi-oppa. Minsan ay bumabalik rin sa loob si Yoonjung para kulitin si Jungkook na magkipaglaro sa kanya kung kaya't minsa'y may mga short breaks kami sa paggawa ng project.

Nang matapos na kami ay agad naman kaming pumunta sa backyard pero wala roon si Yoonjung.

"Yoonjung? Asan ka na?" agad naman kaming naghanap sa loob ng backyard.

Napadpad kami sa frontyard at bukas naman ang gate.

"Mauna na kayo ni Jungkook maghanap, magsasara lang ako dito sa bahay" sambit ni Yoongi-oppa at agad naman kaming tumango.

Tumakbo kami at napadpad kina Iya na ilang bahay lang ang layo mula sa amin.

"Manong guard, may nakita po ba kayong batang lalaki, medjo matangkad sa usual na edad niya, maputing maigi, tapos parang coconut styled ang buhok?" tanong ni Jungkook at napatingin naman ako sa kanya.

"Ang descriptive mo naman kay Yoonjung" sambit ko at ngumiti siya. "Syempre, ang kyut kaya, kamukha nyo ni Yoongi-hyung"

Tumango naman si Manong Guard at binuksan ang gate. "Ipinasok kanina ni sir Taehyung, may dala kasing basketball" sambit niya at agad naman kaming pumasok.

"Sabi ko kasi sayo, kung pumayag ka nang bukas nalang tapusin yung project ay di sana mapapadpad kung san-saan si Yoonjung" sambit ni Jungkook at nakaltokan ko naman siya.

"Hindi na natin yon matatapos dahil bukas ang pasahan" pagpapaalala ko sa kanya.

Kumatok kami sa pinto at bumungad naman si Taehyung.

"Hyung, nakakita ka ba ng isang maliit na bata na medjo hawig kay Yoongi-hyung?" tanong ni Jungkook at napatingin ako sa kanya muli.

"Nagdowngrade bigla yung description?" tanong ko at natawa siya.

Nakita naming may batang bagong gising sa sofa na binabantayan ni Iya at Jimin. Kinusot kusot nito ang mga mata nito. "Yoonjung!" agad akong lumagpas kay Taehyung at tumakbo naman ang bata papunta sa akin.

"Yoonjung naman eh, kinabahan kami.. bigla ka nalang nawala sa backyard" sambit ni Jungkook at lumapit sa amin.

"Sorry po, nakita ko po kasi si Kuya Taehyung sa backyard nila, naglalaro rin po ng basketball.. kaya pumunta po ako dito" paliwanag niya at ngumiti naman ako.

"Si Yoongi-hyung, nagtext papunta na daw siya" sambit ni Jungkook at tumango naman ako.

Tumingin ako kay Jimin at Iya at nagpasalamat sa pag-alaga kay Yoonjung.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now