Chapter 38

76 5 43
                                    

Chapter 38

Alliah's POV

Maraming araw na ang nakalipas at ngayon ay wala ngayong pasok pero nasa library ako nagbabasa ng libro dahil bukas, matapos ang araw na to ay start na ulit ng final examination namin sa grading na to.

"Unnie!" nagulat ako sa sumigaw. Di ba to informed na di dapat sumisigaw dito sa library?

"Shh!" napatingin ako sa librarian na ngayon ay sinisita siya. Hays.

"Sorry po. Di na po mauulit." agad na lumapit ito sa akin, isinara ko ang libro.

"Di ka ba informed unnie?" tanong nito sa akin. Na?

"Semi-finals baga ngayon nila Kuya. Wag mong sabihin na di ka informed." sabi niya. Alam ko, pero hello, mas gusto ko na nandito sa library, you know, peace?

"At ikaw, di ka rin ba informed na di dapat sumisigaw sa library?" sambit ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Unnie, nakakahiya ha." sabi niya. "Di ka naman kilala ng mga tao dito, except sa librarian." sabi ko at binuksan muli ang libro at nagbasa.

"So ano unnie? Pupunta ka?" Nagbubulungan kaming dalawa, and para na kaming tanga dito. Pupunta? No. Ayaw ko.

Pero, pag di ako pumayag, pipilitin ako nito at pag nagtigil na to, sasamahan na ako nito pero magneneglect to na bat di na lang siya pumunta doon. Hays.

"Ano na?"

Isa lang naman ang sagot sa tanong niya eh. Oo, o hindi!

"Unnie? Hello, nag-eexist pa naman ako siguro?"  sabi nito. Ano nga ba sagot mo, Alliah? "Huy! Unnie!"

""Shhh! Last warning na to at kung hindi niyo matiis na mag ingay, paaalisin ko kayong dalawa dito!" sigaw ng Librarian.

"Sorry po ulit." sabi nito. "Nag sungit sungit naman ng librarian na yan." sabi niya at ngayon ay nakatitig sa akin. "Ang ingay mo, mamaya baka marinig ka pa eh." sabi sa kanya.

"Ano na?!" pabulong na tanong niya.

"Oo na." Ang kulit kulit eh!

"Yeeeeeey!! Thank you!" sigaw niya sa sobrang ka-excitan.

"That's it! The two of you, Get out!" sigaw ng Librarian samin. Yan, yan kase Ms. Min Yoonie. Napahamak tuloy ako.

"Hay nako." sambit ko ng papalabas kami ng Library.

"Sorry ah? Dahil sakin napalabas ka pa." sabi niya. Ang kulit kasi!

"Okay lang yun. Bakit nga pala walang mga tao dito?" tanong ko.

"Ms. Kim Alliah. Alliah. Iya... Hay nako, ang lutang mo eh noh? May basketball game nga at dito gaganapin kaya lahat ng estudyante ay manonood in order to support the players of the game!" sigaw sakin ni Yoonie.

Oh? Naaano to at sumisigaw. May nagawa ba ako?

"Bakit ka sumisigaw?" tanong ko sa kanya. "Eh kase... Ano..." sabi niya.

"Anong ipinaglalaban mo?"

"Aish! Tara na nga! Baka malate pa tayo sa game. Gusto ko sa may upuan ng mga players." pagchachange topic ni Yoonie.

Magsolo ka dzai.

Naglakad na kami papunta ng gymnasium ng school namin.

"Di ba? I told ya. Dun tayo oh!" sabi niya at hinila ako papunta dun.

Maglalaro nga pala sina Yoongi-oppa tsaka Jungkook. Tutal sila naman kasi talaga yung laging nasa varsity.

Umupo na kaming dalawa ngunit tinawag kami nila Taehyung para umupo sa tabi nila, lumapit naman kami at parang may napansin ako sa seating arrangement.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now