“Para naman kayong tanga n’yan e. pinagsawaan na ng lahat yang si Jennica pinag iintirisan n’yo pa!”

 

A-anong sabi n’ya tama ba narinig ko Jennica? Si MM ko yun ah.

“Alam naman namin yun pare, pero tignan mo sino ba kasing hindi maakit sa ganda at sex-.” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin n’ya at binato ko s’ya cellphone ko.

“Aray!! Sino ba yon?” tanong nito.

“Ako bakit?” sabi ko naman. Kitang kita kong nanlaki ang mga mata nila.

J-Jessie?!” sabay sabay na sigaw nila. Lalakad sana ako palapit pero nagtakbuhan sila. Mga bwiset na yan. Ang babastos ng bibig. Bumalik naman ako sa pwesto ko.

0_0 tsss nakatingin sila saking lahat.

0_0v

Ano ba yan sabi nga pala wag mag-ingay. Mananahimik na nga ako baka mapalabas pa e. habang nanonood ako biglang may lalaking naupo sa tabi ko.

“Tol, kanina pa yan?” tanong n’yang hindi ata alam kung sino ang kinakausap.

“Medyo.” Sagot ko.

Umupo naman s’ya sa tabi ko. at inalok ako ng dala n’yang pag-kain. Syempre hindi ako tumanggi.

“Sinong pinapanood mo?” tanong ko.

“Si Rose, girlfriend ko.” sagot n’ya.

“Bantay ka rin?”

“Ha? Hindi naman nandiro ako para suyuin s’ya.”

 

“Bakit? Nag-away kayo?”

 

“Oo.”

“Maayos n’yo rin yan.”

 

“Parang hindi na nga e.”

 

“Bakit naman? Ano ba pinag awayan n’yo babae ba?”

 

“Nalaman n’ya kasi na may nangyari samin nung ka-team mate n’ya.”

 

“E loko ka pala e.”

 

Hindi naman na ito nakasagot dahil biglang may babaeng lumapit samin.

“Diba sabi ko sayo wag kang pumunta dito!”  sigaw nung babae. Nakakatakot naman itong babaeng ito.

“Rose, wag ka namang ganyan sakin mag-usap tayo.”

 

“Wala na tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na!” sigaw nito. Tapos umalis na yung babae humabol naman yung lalaki.

Tsktsk.. gagawa gawa ng kasalanan tapos ngayon mag so-sorry. Pag tingin ko kay MM bigla itong nilapitan nung babae tapos nagpunta sila sa may likod. Anong gagawin nila? Ano ba itong si MM sama ng sama mamaya mapahamak pa s’ya. Sumunod naman ako.

“Jennica, please sabihin mo naman sa kanya na kaya lang naman nangyari ang dapat hindi nangyari ay dahil inakit mo lang ako.”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now