“Christoff parang awa mo na.”

 

“Sakay!”

 

Pagkasigaw ni Christoff wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse n’ya. Pero hindi n’ya ako binalik sa bahay dinala n’ya ako sa isang hotel.

 

“Christoff, salamat.”

 

“Hindi ko maintindihan sumama ka kay Daddy. Nagpakasal ka tapos tatakasan mo s’ya? Bakit?”

 

“Christoff, pinakulong ng Daddy mo ang Daddy ko. At sinabi n’yang pakakawalan ang Daddy ko kung papayag akong magpakasal sa kanya. Hindi ako pumayag pero wala akong nagawa ng pilit n’ya akong isakay sa kotse at pilit na dinala sa bahay n’yo.” Pagkasabi ko non hindi ko na napigil pa ang sarili ko at nag-iiyak na ako. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni CHristoff.

 

“Patawarin mo ko Jennica, hindi ako naniwala agad. Patawarin mo ako dahil pinagdudahan kita. Mahal na mahal kita Jennica.”

 

Matapos ang gabing yun naging malinaw na ang relasyon naming dalawa pero wala kaming magawa hindi pwedeng kalabanin ni Christoff ang Daddy n’ya dahil masyado itong makapangyarihan.

 

Nabalitaan ko na lang na pinapahanap ako ni Edmond. At maslalo kaming naghigpit ni Christoff ni hindi ako bumababa ng hotel.

 

Nakalabas lang ako ng mabalitaan ko mula kay Christoff na lilipad sila papuntang Amerika para ayusin ang negosyo nilang palugi na doon. Para may matuluyan ako plinano namin ni Christoff na magpahuli sa mga inutusan ni Edmond dahil wala naman na s’ya dito. At mas pinalad pa ng mabalitaan ko na naaksidente si Edmond at hindi pa makakauwi dahil kailangan pang magpagamot. Ganon pa man sandamakmak naman ang pinadala n’ya para siguraduhing hindi ako makakatakas. Mabuting tao si Christoff pero duwag s’ya. Duwag s’yang kalabanin ang ama n’ya. Kaya mas ginusto n’ya pang planuhin namin na maghanap ng lalaking mayaman yung kayang pantayan ang kayamanan ng daddy n’ya para may panlaban kami. Halos ibilad ko na ang sarili kong katawan sa lahat ng lalaki. Pero para sa kaalaman ng lahat wala pa ni isang lalaking nakagalaw sakin. kahit si Patrick hindi totoo ang sinasabi n’ya. buong akala n’ya may nangyari samin dahil sa sobrang kalasingan n’ya ng gabing yun ang natatandaan n’ya na lang may nangyari samin pero ang totoo isang bayarang babae ang ginalaw n’ya. At sa mga sumunod na date namin palagi ko lang s’yang binibitin. Hanggang sa iniwan ko s’ya dahil narinig ko mula sa ama n’ya na may babae na palang ipapakasal sa kanya. Malinaw na wala akong mapapala kaya tinigilan ko.

*End of flashback

“Sabi ko na nga ba nandito ka lang.” boses ni Jessie. natigil naman ako sa pagiisip ko at nagpunas ng luha.

“S-Si Christoff umalis na ba?”

 

“Oo umalis na s’ya. Umiiyak ka. Mahal mo pa rin s’ya? Nagbago na ba ang isip mo? Ayaw mo na bang magpakasal sakin?”

 

“Hindi nagbago ang isip ko. Magpapakasal pa rin ako sayo.” Sabi ko. Umupo s’ya sa tabi ko at niyakap ako.

“Hindi kita tatanungin  kung anong iniisip mo pero yayakapin kita kasi umiiyak ka nanaman.”

At nangyakapin ako ni Jessie mas lalo pa akong naiyak. Nagpapasalamat pa rin ako dahil may Jessie akong nasasandalan. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko s’ya pwedeng sandalan?

-=JESSIE=-

Maaga ko nagising kaya naman nakapaghanda pa ako ng almusal. Nakita ko namang nakabihis na si MM at nagmamadaling kumilos.

“MM, kumain ka muna nagluto ako.”

“Eh, late na kasi ako. Pasensya na kakain na lang ako sa school.”

 

“Teka hindi pa ako nakakaligo. Sumubo ka lang habang naliligo pa ako.”

 

“Mamamasahe na lang ako.”

 

“Wag ka ng mamasahe ako na ang maghahatid sayo.”

Napatingin naman kami pareho sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko si Chris.

“Chris? Ang aga mo naman yata?”

 

“Ihahatid ko si Jennica.”

 

“Salamat pare, pero sana wag ka ng mag abala ako ang maghahatid sa kanya kasi ako mapapangasawa n’ya kaya sana wag ka na lang makisawsaw samin.” Mahabang sabi ko badtrip e.

“Sige.”

 

“Okay, salamat.” Sabi ko mabilis naman pala s’yang kausap.

“Gagawin ko yan kapag kasal na kayo! Sa ngayon hindi pa naman kayo kasal kaya ako na muna ang maghahatid kay Jennica mukhang nagmamadali s’ya e hindi kapa nakakaligo.”

 

Wala akong nasabi don. Medyo pahiya ako.

“Jennica, tara na?” yaya n’ya kay Jennica. Agad namang sumunod si Jennica.

Ako ito naiwang nakatanga. Mahirap atang kalaban ang first love.

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now