“Wala mauna na ako sa kwarto. Gusto ko ng magpahinga.” Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang pag-uusap nila. Tinulak ko ang larawan ng Mommy ni Jessie at bumukas yun papuntang terrace.

Habang nakaupo hindi ko maiwasang maiyak. Bakit ang lupit ng mundo sakin. kung kailan hawak kamay ko na ang kalayaan ko saka ako nagising sa katotohanan na hindi pa ako Malaya. Nakakulong pa rin ako. Anong mangyayari sakin kapag nalaman na ni Jessie ang totoo? Matatanggap pa ba ako ng Daddy ni Jessie kapag nalaman n’ya na ako ang asawa ng kumpare n’ya? Kapag sinabi ko ba na hindi ko sila ginamit na mahal ko talaga si Jessie maniniwala ba sila sakin? bakit ang lupet ng mundo sakin. sana noon pa binalikan na ako ni Christoff para hindi na kami nagkakilala ni Jessie. hindi na sana ako nahihirapan ngayon. Dahil mas mahirap na itong nangyayari sakin. hindi lang ako natatakot na bumalik si Edmond. Natatakot ako na mawala sakin si Jessie. Si Christoff isa s’yang mabuting tao. Natatandaan ko pa nung gabing pinasok n’ya ako sa kwarto at pilit na pinaghahalikan at hinubaran.

*Flashback..

 

“Christoff wag please nagmamakaawa ako sayo.” sabi ko habang pilit na lumalaban sa kanya

 

“Bakit sakin ayaw mo? bakit kay daddy payag ka? masmagaling ako sa kanya.” hanggang sa tuluyan ng nahubad ang lahat ng suot ko. hindi na ako lumaban para na akong bato wala na akong pakiramdam tumutulo ang luha ko. bakit nangyayari sakin to? Bakit ginagawa nila saking mag-ama to. Bakit? Bakit ganito ang buhay ko? ni minsan hindi man lang ako naging masaya.

 

Ang akala ko makukuha na ni Christoff ang pagkababae ko nang gabing yun pero bigla n’ya ako binitawan at kinumutan.

 

“Patawarin mo ko Jennica, sobra kong nasaktan bakit hindi pwedeng ako na lang? bakit ang daddy pa?”

 

“Christoff, mahal kita. Lahat ng sinabi ng Daddy mo hindi yun totoo.”

 

“Hindi na ako naniniwala sayo!” Pagkasabi ko nya non lumabas na sya. Nanginginig sa takot na nagbihis ako at mabilis na nag-impake. Desidido na ako. Tatakas ako ngayong gabi.

Dahan-Dahan akong bumaba at nakahinga lang ako ng maayos ng makalabas ako ng bahay. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng matanaw ko ang sasakyan ng Daddy ni Christoff agad akong nagtago sa puno para hindi n’ya ako makita. Nang makalagpas ang sasakyan mabilis akong kumilos lakad-takbo ang ginagawa ko.

 

*Piiiit….piitt…

 

Dahan-dahan akong lumingon sa bumusina at nakita kong bumaba mula sa kotse si Christoff.

 

“Saan ka pupunta?”

 

“Christoff please, nagmamakaawa ako sayo! Pabayaan mo na akong tumakas.”

 

“Sumakay ka sa kostse.”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Where stories live. Discover now