"Jessie." Tawag ko sa pangalan n'ya.

"O bakit?"

"Mahal kita."

"A-ano?"

"Mahal kita." Diretsong sabi ko habang nakatitig sa mga mata n'ya.

"A-ano bang pinagsasabi mo."

"Basta mahal kita."

"Wala akong pakialam. Tinatanong ko ba?"

"E basta mahal kita. Gusto ko lang sabihin."

"Ewan ko sayo!" sagot n'ya tapos umalis na.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganon lang talaga s'ya walang kalambing lambing sa katawan."

"Okay lang po yun. S'ya naman yung palaging nagpapasaya sakin. Pero minsan hindi ko maiwasang matakot."

"Bakit ka naman natatakot?"

"Wala po kasi akong pinanghahawakan. Natatakot ako na baka may biglang dumating na mahalin n'ya tapos ako wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako mahal." Sabi ko ng hindi napigilang pumatak ang luha ko.

"Hija, ikakasal na kayo sigurado akong pag kinasal kayo e ni hindi na titingin sa ibang babae yang si Jessie at matututunan ka n'yang mahalin."

"Pero hindi pa naman po kami kasal. Malabo pa nga po wala pang date. Basta sabi lang ikakasal kami pero hindi pa naman malinaw. Paano kung ngayon magbago ang isip n'ya? Natatakot po ako."

"Aba e di gumawa ka ng paraan para hindi na makatakas pa." bigla naman akong napatingin na gulat na gulat sa sinabi ng daddy n'ya.

"Ano pong ibig n'yong sabihin?"

"Unahin n'yo na ang baby para hindi na makatakas."

"Daddy, talaga oh. Diring diri nga sakin yang anak n'yo paano naman mangyayari ang sinasabi n'yo."

"Aba e di akitin mo."

"Daddy!"

"Wala ka naman dapat ikahiya. Mapapangasawa mo naman ang aakitin mo e."

"Daddy hindi naman ako nahihiya. Halos maghubad na nga ako sa harap ng anak n'yo wala pa ring epekto."

I love you even when I hate you (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें