Nakita kong gumalaw ang ballpen dahil nagsusulat ito kaya huminto muna ako sa pagsasalita ko.

Napairap ako dahil emoji lang ito na nakangiti

"Ano ba! Umayos ka kaya sa pagsagot." Muli siya sumulat sa papel at ang nakalagay lang doon ay 'Oo' kaya napabuntong hininga ako.

"Oh, sige na. Lumayas ka na sa kwarto ko. Bukas tayo magsisimula." Pagkatapos ko 'yong sabihin ay naramdaman ko na parang nawala ang lamig sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako.

--

Ilang araw ng nambubulabog sa akin 'tong mumu na ito. Nakilang notebook na rin siya, dahil 'yon lang yung way para magkaroon kami ng communication.

"Familiar 'tong lugar sayo?" tanong ko nang makita ko ang nakasulat sa notebook na hawak ko na.

'Familiar ang lugar na ito sa akin.'

Nasa school ko, kami ngayon. Ngayon lang si Arcus sumama sa akin dahil sa tuwing pumapasok ako ay iniiwan ko siya sa apartment ko.

Pero imbis na sagutin ni Arcus ang tanong ko ay iba ang nabasa ko sa sinulat niya sa notebook 'You're so cute.'

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na pinamulahan ng pisngi, kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman kong pinapakilig niya ako-- at hindi siya nabigo.

"Halika na nga," sabi ko at kinuha ang ballpalen na hawak niya na nakaangat at sinara ang notebook na pinagsusulatan niya. Kung ano na naman masulat niya.

"Huy!" nagulat ako nang may marinig akong boses. Saan galing 'yon? Ako lang naman ang mag-isa dito sa madilim na sulok at si-- don't tell me?

"Arcus? Ikaw ba yung nagsalita?" tanong ko sa hangin

"Oo! Naririnig mo na ako?" boses na naman ang narinig ko, pero wala naman akong makita kung sino ang nagsasalita. Pero si Arcus nga!

"Naririnig na kita!" magalak kong sabi.

"Oo nga! Hindi na natin kailangan ng notebook at ballpen para makapag communicate tayo," sang-ayon niya rin.

Masaya at nakangiti akong naglakad sa hallway dahil sa nalaman. Pero napansin ko na sa tuwing nalalaman niya ang totoo, kung sino siya-- ay mas lalo ko na siyang nararamdaman.

Katulad nito, pamilyar daw sa kanya ang eskwelahang ito.

--

Hindi ko namalayan at nahuhulog na pala ako kay Arcus. Kahit hindi ko siya nakikita, pero ramdam ko yung pagmamahal sa kanya. Agad na titibok ng malakas ang puso ko, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya.

Alam kong mali ang mahalin ang tulad niya. Hindi ko talaga siya kilala, kung sino siya at kung ano ang pagkatao niya. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.

"Pamilyar ang lugar na ito. Parang napuntahan ko na ito." May narinig akong boses na alam na alam ko kung sino ang may-ari. Si Arcus.

Nasa sementeryo kami kung saan nakalibing ang mama at papa ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya dinala rito.

Siya ang pangalawang tao, I mean multo kasi siya-- basta! Siya yung pangalawang nilalang na dinala ko rito.

Agad akong napalingon na parang may liwanag akong nakita.

Alam ko kung ano ang dahilan, dahil nagkaroon na naman siya ng ala-ala.

Pero hindi ko matanggap nang tuluyan na nagpakita ang imahe sa akin ni Arcus. Wala pa ring kupas, napakagwapo niya pa rin, lalo na sa suot niyang puting damit.

Pero bakit siya pa?

Kaya pala pamilyar siya sa school ko, dahil parehas lang kami ng pinapasukan.

Kaya pala pamilyar siya sa lugar na ito, dahil siya ang unang pinunta ko rito, ang lalaking una't huling minahal ko... at hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now