CHAPTER 83

19.6K 405 65
                                    

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

"Mom.." Nakahinga ako ng maluwag ng magising ang aking anak mula sa mahabang pagkatulog. katatapos ng operation kay hope at masaya ako dahil matagumpay na naisagawa ang operasyon sa anak ni rafael. 

pero walang paglagyan ang tuwa sakin puso ng marinig at makita ko ang aking anak na buhay matapos ang sinagawa sa kanya ng mga doktor. pinahid ko ang aking luha at agad akong tumabi sa kanya.

" I'm hungry mom." sabi nito. Tumango ako at inabot ko muna ang tubig para painumin ito. tinawag ko ang doktor mula sa intercom at maya maya lang ay nagbukas ang pinto. akala ko ay ang mga nurses ang mga dumating para eaccomodate si joss pero si rafael pala.

" How are you feeling joss?" umupo ito sa kama sa tabi ni joss at hinaplos nito ang pisngi ng anak. Katulad ko, hindi kami pareho mapakali dahil sa mga nangyari kagabi. lalo na siya lalo pa't dalawang anak niya ang ginagamot.

kitang kita ko ang laki ng eyebag nito sa mga mata at pagod na pagod ang anyo nito.

" My back is hurt." ininda nito ang parte kung san siya kinuhanan ng bone marrow. mariing pumikit si rafael.

" I'm sorry Anak. Thank you." tumulo ang butil ng luha nito sa balikat ni joss. I know, this has been a very tough situation for him. Si hope ay hindi pa rin nagigising pero sabi samin ng doktor ay matagumpay naman na nagawa ang operation dito. normal lang daw na hindi ito magising agad dahil sa mga gamot ni tinurok sa anak.

" Where's hope daddy? is she okay? are we going home na?" sunod sunod ang tanong ni joss sa kanya.

"Yes anak, we will going home. Tulog pa si hope eh, pero paggising niya, uuwi agad tayo." nakangiting sabi nito habang lumuluha. niyakap niyang muli ang aking anak at nagkwentuhan na naman ang mga ito ng mga bagay na gagawin nila paglabas ng ospital.

nanatili akong nakikinig sa kanilang dalawa. Sa mga oras na'to. nalaman ko na mahal na mahal nga ni rafael ang aking anak. Nagkamali ako sa pagjudge sa kanya base sa pagmamahal na kaya niyang ibigay sakin anak. Akala ko ay may kahati si joss sa kanya, pero hindi pala. kung ano ang pagmamahal na binibigay nito kay Hope ay ganun din kay joss. 

magkapantay lang ang trato niya sakin anak at anak nito kay hillary. 

Lumipas pa ang ilang araw, pagkatapos ng nakakastress na isang linggo ay naiuwi na rin namin ang mga bata. Dinala ni rafael si hope sa kanilang bahay sa alabang. pinipilit nga niya kaming dalawa ni joss na sumama pero hindi na ako pumayag. 

Iba na ang sitwasyon namin ngayon, hindi dahil nagkaayos kami at natanggap siya ni joss ay sasama na kami sa kanya.

I have to set boundaries para wala nang masaktan pa. 

I know his trying hard to win me back pero hindi ko na siya mapagbibigyan. Sapat nang naging maayos ang mga bata at normal na silang mabubuhay.

" Mom you are beautiful." napangiti ako sa compliment ng aking anak nang matapos akong mag-ayos. Rafael invited me for a dinner tonight. sabi niya hindi naman daw iyon date, kakain lang kami sa labas. Matagal na rin niya kasi ako niyayaya at dahil sa mapailit siya ay pagbibigyan ko siya ngayon gabi.

"Naku, binobola na naman ako ng anak ko." hinalikan ko siya sa pisngi at nakunot ang aking noo ng nag-iwas ito.

"Mom I'm a big guy na,wag niyo na po akong halikan." I frowned knowing na ayaw na niyang magpahalik sakin. gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya.

"Sabi po kasi ni kuya carlo, nakakaturn off daw yun sa mga girls." lumapit ito sakin tenga at bumulong. "Tsaka baka makita po yun ni Trina, she might says Momma's boy to me. di po ba nakakahiya yun."

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon