CHAPTER 3

30.2K 517 16
                                    

"LAKE HAVEL TIZON.."

"Dali na Anna..." hinila ko si Anna papunta ng OVAL. ngayon araw ang inductions ng mga bagong officer sa CAT. glad to know, isa ako sa mga batallion commander ng aming batch. 

"Sandali lang naman," reklamo pa nito. halos kaladkarin ko na siya papunta ng oval. late na ako samin formation and I'm sure isang daan push up and sit up naman ang gagawin ko nito.

"Jocel.." tawag ng isang singkit na lalaki sakin. nakatuck in ang puting T-shirt nito na may nakaimprintang CAT batch 2007. nakacamouflage. itim na boots, pati sumbrero nito ay camouflage din.

nagdahan dahan ako sa paglakad ng nasilayan ko ang pantay pantay nitong mga ngipin. ang dimple nito sa kaliwang pisngi. ang mapulang labi nito, ang pagpasada ng mga kamay nito sa buhok. ang sandaling pagkawala ng mapupungay nitong mga mata dahil sa magiliw nitong pagngiti.

shemay.. napahawak ako bahagya sakin dibdib. pakiramdam ko nagwawala ang aking puso ng di oras..

"Lake.." tipid akong ngumiti ng lumapit ako sa kanya.. kyeme kong nilagay sakin tenga ang ilang strands ng aking buhok.

"Hi Anna.." bumagsak agad ang aking balikat nang hindi pala ito nakatingin sakin.

nakatuon ang singkit nitong mga mata sa babaeng hingal na hingal dahil sa ginawa kong paghila.

"Okay kalang Anna." inabutan nito ng tubig ang aking kaibigan at linampasan lamang ako nito na parang hangin. samantalang kanina tinawag tawag pa ako nito.

napanguso ako bigla.

'Ayos lang ako lake. Thank you sa tubig." hindi naman ako pwedeng magalit kay Anna dahil alam ko, wala siyang alam sa tunay na nararamdaman ni lake sa kanya.

Lake is my crush. kung si Anna ay hayagan ang pagpaparamdam kay Cyrus, ako nama'y lihim na nagkakagusto sa isa sa mga varsity ng basketball team ng school.

and that is lake.

hindi siya chinese o korean dahil sa kanyang singkit na mga mata. yung ibang kapatid nito ay normal naman, siya lang itong may ganun mga mata.

"Jocel you're late again." aniya ng leader namin.

Hindi na ako sumagot at hinanda ko nalang ang aking sarili. nakakainis.. nakakabadtrip..

at hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

" Wala munang parusa ngayon jocel, but next time na mahuli ka uli, dodoblehin mo ang bilang.. understood." tumango ako. 

kung kelan handa na akong ibuhos ang sama ng loob ko sa mundo ay tsaka pa ako pinigilan ng kumag na'to.

bumalik ako sa pwesto pero hindi nakatuon ang aking mga mata sa aming leader na may kung anong sinasabi sa harapan.

nakafocus ang dalawang kong mulat na mata, nakaHD pa kay Lake na seryusong nakikinig naman sa harapan.

Ang swerte ng babaeng magiging girlfriend nito. I've heared isa palang ang nagiging syota niya at umabot ang kanilang relasyon ng dalawang taon.

wala nang sumunod hanggang maging 4th year kami.

iyon ang tipo kung lalaki.

Oo normal naman akong babae, hindi lang halata dahil ayaw kong ipakita sa mga babae na katulad ako nila..

gusto kong maging matapang. yung hindi ako sasaktan ng iba..

ayokong matulad sa mommy ko na muntik nang mabaliw dahil sa pambabae ni Daddy.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon