CHAPTER 28

16.9K 313 5
                                    

 " Choose." 

 “You will be appointed as Vice President for Salvador’s Enterprise.” Hindi ako nakapagsalita ng ilatag ni daddy ang mga papeles na pipirmahan ko confirming the position that he gave to me. Simula ng malaman nito ang tungkol sa pinaggagawa ni kuya ay tinanggal na ito sa trabaho. Lahat ng karapatan ni kuya bilang anak ni Miguel Salvador ay pinutol na nito dahil sa sobrang galit.

Binalik lahat ni kuya ang mga pag-aari na bigay ni daddy, mga kotse, Condo, mga mamahaling relos at iba pang bagay na pwedeng isumbat sa kanya ni daddy.

“ Dad, sigurado ka na ba dito? Si kuya, baka pwede niyo pa ho siyang bigyan ng pagkakataon total...”

“Wala akong anak na suwail at walang utang na loob.” Tinitigan niya ako ng matalim at napalunok ako ng laway.

“Wala na akong ibang anak at pwedeng pagkatiwalaan maliban sayo Jocel. Umaasa ako na hindi mo ako bibiguin at hindi ka tutulad sa walang kwenta mong kapatid.” Sunod sunod ang aking pagtango sa kanyang sinabi. Ang totoo’y natatakot ako sa kung ano ang reaksyon pwedeng ibigay ni daddy sakaling may mali akong gawin.

Inatake ito sa puso ng araw na nagtatalo sila nila mommy at nasugod ito sa ospital ng wala sa oras.

Walang ibang pwedeng magbantay maliban sakin. Ni ayaw nitong lumapit sa kanya sila mommy o kahit na sinong tao maliban sakin.

“ One more thing, pupunta nga pala tayo sa bahay nila lake at don tayo magdidinner mamaya. I will ask one of my body guards na iuwi nalang ang sasakyan mo sa bahay.” Natigilan muli ako sa kanyang sinabi. Ngayon araw ang monthsarry namin ni Rafael at nakapangako na ako sa kanya na lalabas kami.

“Dad may lakad po ako mamaya.”

“Cancel it. Mas mahalaga ang dinner mamaya para sa arrangement ng kasal niyo.” Umubo ito pagkatapos at nahihirapan kinuha ang tubig sa kabilang mesa.

Hindi ko na nagawa pang magsalita sa walang tigil na pag-ubo ni daddy dahilan para ipatawag ang doctor na tumitingin sa kanya.

“Maayos naman ho ang kalagayan niyo MR. Salvador. Huwag lang ho kayo masyadong magpagod at mastress sa trabaho. Iwasan niyo rin hong mag-isip ng kung ano ano.” Pinagmasdan ko lamang ang doctor sa pagliligpit ng sariling mga gamit. Si daddy ay natigil na sa pag-ubo at nagpapahinga.

Maya maya lang ay pumasok ang step brother ni daddy na si Tito Allan. Nakangisi ito na parang gustong gusto ang nakikitang kalagayan ng aking ama.

“Brother, kamusta ang lagay mo.” Labas sa ilong ang pagsabi nito ng brother kay daddy. Umupo ito sa mesa ng aking ama habang kumakagat ng mansanas.

“What are you doing here?” niluwagan ni daddy ang pagkabutones ng kanyang suot at inayos ang mga papel na nakakalat.

“Binibisita ka, dapat nga maflatter ka dahil binibisita ka ng pinakamamahal mong kapatid.” Nagpakawala ito ng nakakalokong tawa.

Pareho kaming napailing ng aking ama. Tinulungan ko ito sa pagliligpit ng gamit.

“Jocel, nandito ka pala. Akala ko ay sumama kana sa kuya mo.”

Hindi ko alam kung panu nalaman ng mga ito ang nangyari samin pamilya. Kung sino man ang nagleaked ng impormasyon nayun ay makakatikim sakin.

“ Tito hindi ba nasa planta kayo ngayon, ano hong ginagawa niyo rito?” hangga’t maari ay kailangan kong galangin ito. Although mas mataas na ang posisyon ko ngayon sa kanya pero kinikilala pa rin ng ibang tao ang kanyang kapangyarihan. Gamit ni tito allan ang pagiging Salvador kahit hindi sila tunay na magkapatid ni daddy.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon