CHAPTER 13

21.2K 382 12
                                    

"Dana Liit.." 

laking pasasalamat ko talaga sa Internet ngayon dahil dali dali kong nalaman ang Address ng Gym na pinupuntahan ni Rafael. Nag-iisang branch lang iyon at hindi mahirap mahanap ang address.

" Sculptris Body." hindi ito nalalayo sa Unit na tinutuluyan ni Rafael. pinarada ko ang aking sasakyan at nakita ko agad ang auto ng lalaking yun di kalayuan sa pinarkan ng aking kotse.

Alam kong hindi maganda itong ginagawa ko pero hindi ako pinapapermi ng mga kulisap sakin tyan,.

May mga bagay na gusto kong alamin at kumprimahin na hindi niya nalalaman.

Gusto kong kilalanin ang lalaking kinahuhumalingan ko. 

Kung ano ang mga bagay na pinagkakaabalahan at kinahihiligan niya.

Hindi sapat yung mga salita na nanggagaling sa kanya, at gusto kong ejustify ng mga taong nakapaligid at nakakasalamuha niya ang lahat ng ito.

Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang aking bag. medyo malaki laki iyon at naglalaman ng mga gamit sa Gym. mag-eenrol na rin ako dahil ilang buwan na rin tingga ang aking katawan sa paggygym. although may mga equipment sa bahay na ginagamit ni kuya jayson noon, pero mas gusto ko sa labas.Isa pa, gusto ko rin bantayan ang pag-aari ko.

Shit..

Normal ba itong nararamdaman ko. parang hindi eh. nagiging possessive ako nang wala sa lugar.

ayy basta.

Sinipat ko ang labas ng Gym. naglalakihan ang mga poster sa pader at nakunot ang aking noo ng mapamilyaran ang isa sa mga mukha sa poster.

hayag na hayag ang malaking katawan at mga muscles ng lalaking nasa poster. nakangiti ito at ang mata niya'y kasing kulay ng bughaw na langit. nakasuot lang ito ng itim na trunks at nakaposition ito ng tagilid.

it's rafael.

Sino ba naman ang hindi mapapalingon at mapapatingin sa poster na ito.nakakapang-akit ang ngiti at tingin niya sa picture,. at parang nakatingin din ito sayo kung pagmamasdan mo.

He really is an Adonis. 

binasa ko ang pangalan nakalagay sa baba ng kanyang picture.

Rafael Kyle Monteverde. Mr. Body Builder.

nanlaki ang aking mga mata. hindi ko maimagine na hilig niya rin pala sumali sa mga pageant pageant.

eh ang alam ko eh medyo may pagkaingot ang isang to. 

Naagaw ang aking atensyon ng lumabas ng pinto ang isang balingkinitang babae. petite lang ito at straight na straight ang Velvet rose na kulay nang buhok.

Hinahaplos iyon ng isang kamay niya at may kausap sa cellphone.

lalapit na sana ako sa pinto pero napaatras ako ng makita kong papalabas si rafael.

with his genuine and flirty smile.

haay.. nakaakadik talaga ang ngiting iyon,. parang gusto ko nalang tuloy na umuwi nalang kami at pagmasdan nalang ito habang nakahiga.

tila namatanda ako ng mga sandaling iyon dahil sa pagkamesmerize ko sa mukha ni rafael.

agad agad akong napaatras at nagtago sa malapit na sasakyan.

"Dana halika na." yaya ni rafael. so iyon si Dana liit. maganda siya ha,. yun nga lang, mukhang pinaglihi sa nuno sa punso.

Nag-igting ang aking panga ng hawakan ni rafael ang beywang ni Dana at napatili naman ang dwendeng iyon.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon