Chapter 43

15.6K 350 17
                                    

" Take care of your self Jocel." naramdaman ko ang halik ni lake sakin noo at napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Heto na naman ako, nagbibigay na naman ako ng motibo sa kanya para magstay.

"I will be okay." bulong niya sakin at pinunasan nito ang aking mga luha. Pilit akong napatango sa kanya at hindi ko kayang magpatuloy na makita siyang aalis.

I don't know. but this is the first time na natakot ako na umalis siya. Yung pakiramdam na hindi na siya babalik at matagal kaming magkikita.

"Travis is on his way papunta rito. I should be going bago pa kami magkita ng loko loko na yun." he tried to smile pero ako, malungkot lang akong nakamasid sa kanya.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa braso.

" Jocel nag-usap na tayo diba, ako na maghahandle ng Kidman's account. at ikaw, ikaw ang magmamanage ng mga naiwan ko dito. Don't worry with my younger brother, In case umandar na naman ang pagiging matigas ng kanyang ulo sabihin mo lang sakin, I will ask Lakelyn to handle it." He is reffering to his elder sister.

Hindi naman yun ang inaalala ko eh. Ang totoo'y natatakot din ako sa naging desisyon namin na mafranchise ng Kidman's Brother ang STComm. Si kuya na ang nagdesisyon samin para dito. Hindi naman sila Rafael ang makakausap namin kundi si Mr. arcega which is siya naman ang may interesado sa Stcomm.

Yinakap ko muli si lake at gusto kong maiyak dahil iiwan akong mag-isa ng mabuting taong ito. 

" Palagi kang tumawag sakin ha." bilin ko pa rito at naglakad kami papasok sa waiting area.

" I will. basta lagi mong sasagutin ang tawag ko ha." inakbayan niya ako at mahaba pang paalamanan ang naganap bago siya nawala sakin mga mata.

Huminga ako ng malalim. Minsan talaga, kailangan nang ating puso nang oras para tanggapin ang ayaw tanggapin nang ating utak.

May mga bagay na mahirap ipaubaya nalang dahil natatakot tayong kapag bumitaw ka sa isang sitwasyon, malamang may ibang tao ang sasalo nito at magpapatuloy para sayo, hanggang sa maging outcast ka nalang at maging bahagi ng isang character sa kwento na namatay at namayapa na.

Naglakad ako patungo sa labas ng airpot at agad din akong natigil nang makita ko ang pamilyar na lalaking nakasandal sa mamahaling Bugatti at may suot na shades. 

His looks is so intimadating. Talo pa niya ang init na dala ng sikat ng araw because of his looks.

Seriously? How can he managed the heat under his looks. kung ako siguro ang taong ito, malamang ay masusunog na ako.

nakakapreasure na nakakabwesit.

Napailing ako. For all the people, siya pa itong makikita ko. namayani ang galit na nararamdaman ko nang maalala ko ang nangyari sa SE building. kung gano niya ako binastos at binaboy sa harap ni lake.

" Seems, everything is under my control now Jocel. Wanna have some coffee?" Ayaw kong isipin pero parang plinano nito na mapaalis si Lake. Simula sa pamimilit nito sakin hanggang sa magkabanggaan silang dalawa. 

I know may galit din siya rito, pero hindi naman mangyayari yun kung hindi rin naman sakin eh.

Lahat ng ito, sakin ang simula. Sakin dapat ang bunton ng lahat ng galit. pero ang nangyari, nagsanga sanga na ang lahat.

" Ang kapal din pala ng mukha mong magpakita pa sakin Monteverde." tinaasan ko siya ng kilay. Bigla itong napangiti.

"Monteverde? I miss you calling me with my old surname huh." lumapit ito at hindi naman ako gumalaw.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon