CHAPTER 60

15.2K 340 20
                                    

"You okay?" Tumango ako kay lake assuring na ayos lang ako. pareho kaming naglalakad patungo sa conference room. sa harap namin ay dalawang guard gayundin sa likod. gumegeywang ang aking kamay dahil sa kahawak ko si Joss.

" Momma, Momma, Papa Papa!!" kanina pa siya paulit ulit sa kantang yan na wala naman maisunod na lyrics. Sinalubong kami ng abot tengang ngiti ni shatea at agad itong nagbaba ng mga mata ng makita ang aking anak.

"Baby Joss, wow you're so big." lumapit ito samin at pinisil ang pisngi ng aking anak. bigla naman nagsungit ang isa.

"Ayy, suplado.." kinurot pa ito sa isang bahagi ng pisngi.

"Momma!!' sigaw nito at tumatawang dumistansya si Shatea. napailing naman kami pareho ni lake sa kanya.

"Naku, kung anak lang kita,malamang namamaga na yan pisngi mo." ani pa nito. tsaka lang kami nito pinansin ng makita kami.

" Glad you were here jocel. tagal mo nang hindi kami binibisita dito ah.' ngumiti ako.

"It's so nice to see you. God, nawalan ng Dyosa ang SE ng umalis ka." she rolled her eyes at dumako naman ito kay Lake.

" Buti pa'to si Mr. Tizon, palaging pumupunta dito. teka, kelan niyo ba susundan yan." ngumuso ito kay joss na nakatingin lang samin.

Nagkatingin kami ni lake. hindi ko alam kung ako ba dapat ang sumagot nun oh siya.

" Nandyan na ba ang mga investors?" pag-iiba nito sa usapan.

" Yes, nasa conference na sila." akma sana nitong kukunin si joss pero biglang humigpit ang kapit nito sakin.

" Joss dito ka muna kay Tita shatea, momma will do something first."

" No Momma please don't leave." natigil ako ng makita ko na naman muli ang pamilyar na paglamlam ng mga mata ng aking anak.

I cupped his face.

at dahan dahan akong napatango. bigla akong nakaramdam ng kung anong takot sakin puso. seeing those eyes that always break my heart. I don't think na tamang edeya na iwan ko siya rito.

" Isama nalang natin siya sa loob. hindi naman maglilikot yan eh." sabi ko sa kanila. Hindi naman na nagtanong pa si lake sakin at naunawaan nalang ako.

Tumango si shatea at nagkibit balikat. sinanamahan niya kami hanggang conference room.

Pagbukas palang ng pintuan ay sinalubong na kami ng mga tingin ng mga tao. Ang iba'y nakangiti at ang iba nama'y tahimik lang na nakamasid samin.

Lumapit samin si kuya at hinalikan ako sa pisngi.

"Good thing you were able to come here." tumingin ito kay Joss at agad itong napangiti. kinarga nito ang aking anak.

" How are you batman?"

" Good.. Kuya JD?" naglikot ang mga mata ng aking anak sa dagat na mga tao. may mga ibang staff  na nagtatangkang lumapit samin pero agad na humaharang ang mga guard na kasama namin.

"Come, I'll show them to you." Hinayaan ko silang umalis. mas mabuti na rin yun dahil ayaw kong maexpose ang aking anak sa ibang tao.

Humarap ako sa mga arabong investors at malugod akong nakipagkamay sa kanilang lahat.

Hanggang sa magsimula ang meeting at nilahad nila ang kondisyon na kanilang hinihingi sa SE. pero may isa lang akong hindi nagustuhan, iyon ang pag-uwi ng Pilipinas para kausapin ang ama ng aking anak.

//~//

"Momma please don't go.." Hindi maalis alis sakin leeg ang mga kamay ni Joss habang namamaalam ako sa kanya.

Panu ba'to? hindi ko naman pwedeng isama ang anak ko sa Pilipinas dahil alam ko na magkikita ang kanilang landas ni rafael. Higit sa lahat ay ayaw kong bigyan siya ng dahilan na manghimasok muli sa buhay namin mag-ina.

"I will be back anak, please don't cry." hindi ko siya kayang ibigay kala kuya. 

This is the first time na magkakahiwalay kaming dalawa. at iisipin ko palang na hindi ko siya makakatabi sa pagtulog ay parang hindi ko na kaya.

Niyakap ko si joss at mariing ko siyang hinalikan sa noo.

" Babalik si momma, promise bibilhin kita ng maraming mga toys."

" No Please momma, I don't need them. please don't leave me." mas lalong piniga ang  aking puso ng sabihin iyon ni joss. naiiyak ako at ayaw ko nang bitawan siya. gusto ko nalang umuwi ng bahay at don nalang kami.

Pero hindi, nakaoo na ako sa malaking deal na'to at kapag napapayag ko ang ama niya ay babalik agad ako.

Isang buwan.. Isang buwan lang shit.. ang tagal nun. napahawak ako sakin ulo dahil pakiramdam ko, parang milyon milyon ang bibilangin kong panahon para lang magkita kami ng aking anak.

" Joss let go.. Papa will be here." pero hindi pa rin siya bumibitaw sakin.

" Lake sandali lang naman." niyakap ko pa ng mahigpit si joss at hindi na siya kailan man bumitaw sakin.

Ang hirap mawalay sa anak mo lalo na't marami kang naiisip na hindi maganda. Sino ang magpapakain sa kanya? ang magpapatulog? sino ang sasama sa kanya sa pamamasyal at paglalaro? panu nalang kung magkasakit siya? diyos ko wala ako...

Sinapo kong muli ang aking ulo at naiiling kay lake na iabot si joss.

" Momma!!!" humalahaw ang kanyang iyak at nagtuloy tuloy ako sa paglalakad, I'm sorry joss. I'm sorry. alam ko sa umpisa lang ito mahirap pero kakayanin natin dalawa. kakayanin natin to.

Dumiretso ako ng sakay ng kotse pero namataan ko pa rin si joss na umiiyak habang nakatingin sa pag-alis ko.

Humagulhol ako ng iyak. Kung sana, normal lang ang buhay namin na mag-ina ay ayos lang. Pero hindi.. may ari ako ng isang malaking korporasyon na unti unti nang nakilala sa buong mundo, at ang anak ko.. anak siya ng isa sa mga pinakamayaman tao sa kanilang bansa, at hindi ko pwedeng isugal ang kalayaan meron kami ng aking anak para lang sa kanyang ama.

I know, kahit hindi niya alam at sa oras na malaman niya na tinatago ko si joss sa kanya ay gagawa ito ng paraan para maglayo kami.

At hinding hindi ko hahayaan na mangyari yun.

at pagkatapos ng deal na'to, mamumuhay na kami ng tahimik. aalis ako ng miami at lalayo kami ni joss. bibigyan ko siya ng buhay na normal. nang hindi nagtatago, nang hindi tumatakbo,nang walang takot.

Kung sumama samin si lake ay ayos lang pero hindi ko siya pipilitin na bitawan ang kung ano ang kanyang pag-aari. 

Buhay na niya ang pagpapatakbo ng kanilang kompanya at hindi namin pwedeng hilingin na bitawan niya ito para samin ni joss. 

Alam kong mahal niya kami pareho pero gusto ko rin naman na maging maayos ang kanyang buhay.

Parte siya ng pamilyang binuo ko. kaagapay siya sa lahat ng problemang kinaharap ko higit kay joss na simula ng isilang ko siya ay hindi na niya ako iniwanan.

And I will always be forever thankful for him dahil hindi niya kami sinukuan.

Tiningnan ko ang buong paligid. malayo na kami samin bahay pero naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni joss sakin isipan.

Patawarin mo si momma anak. pero kailangan kong harapin ang multong tinatakbuhan ko ng mahabang panahon. kailangan kong harapin si rafael kung gusto kong maging maayos ang aming mga buhay.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon