CHAPTER 71

16.3K 394 53
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..

" Hi." tipid akong ngumiti sa lalaking sumalubong sakin sa SE building. 

"Hi." sagot din nito at hindi rin nagtagal ay nalipat ang mga mata nito sa mga kinatawan ng dubai investors. Ngayon araw ang pormal na pakikipagmeet ni rafael sa mga investors na arabo. kanya rin ipapaliwanag rito ang kanilang mga ginawang kasunduan.

"ready for this day?" tumango ako at hindi ko maiwaglit ang aking mga mata sa kanya. 

Maya maya lang ay pumasok kami sa isang board room. Naging maugong ang mga bulungan ng ibang mga executive na kasama sa meeting pero binalewala ko ang mga iyon.

Ang totoo'y napakahirap sakin na harapin si rafael sa ganitong sitwasyon. The day after tomorrow will be there wedding day. Hindi ko alam kong nanadyang manukso ang tadhana, unfortunately, I received an invitation from them.

"Can we start now." paninimula ko sa kanilang lahat. nag-umpisang gumulong ang oras at nagbigay nang kani kanilang speech ang bawat investors.

Naging mabilis lang naman ang oras. ni hindi ko nga namalayan na matatapos ang meeting ng ganun kabilis.

Maya maya lang ay nagkayayaan nang magcelebrate ang mga tao. napansin kong nawala si rafael sa dagat ng mga tao. marahil ay nagmamadali na rin itong umalis dahil busy ito sa pagprepare ng kanilang kasal ni hillary.

Ngumiti ako ng mapait. Kaya ko to.. makakalimutan din kita. iyon lagi ang mga salitang lumalabas sakin bibig kapag naiisip ko siya. at paulit ulit lang din ang level ng sakit na aking nararamdaman.

I am feeling the side effect of love.

huminga ako ng malalim. 

There comes a time when you have to stop crossing oceans for people who wouldn't even jump in puddles for you..

Kailangan kong pumunta sa deriksyon kung saan bibitawan ko na ang pagmamahal ko sa kanya.

Una sa lahat, wala nang dahilan para magpatuloy pa ang lahat. Na kung sana, para lang itong simpleng paraan pero hindi dahil hindi na talaga pwede..

Sabi nga ni Bess Myerson, to fall in love is awfully simple, but to fall out is simply awful. lalo na kung ikaw itong lumalaban para sa isang relasyon wala nang pag-asa.Nagmamahal ka nga sa taong patuloy kang nirereject, pinapatay ang yung damdamin, iniiwan ka hanggang sa magkapira piraso ang iyong puso. 

Nalaman ko na ang sakit na gawa ng purong pagmamahal ay nagbubunga ng hindi maganda ganun din ng maling paniniwala.

at isang paraan para tuluyan kang makamove on ay ang yakapin at harapin ang sakit. ang pagnilayan ito hanggang sa masanay kana sa sakit at mawala nalang ito ng hindi mo namamalayan.

dumiritso ako sa isang kwarto kung saan konektado ito sa board room. Kailangan kong huminga, at hindi ko yun magagawa sa harap ng maraming tao.

pero natigilan din ako ng makita ko si rafael. ang kulay bughaw nitong mga mata ay nakatitig sakin. napalunok ako dahil binabawasan niya ang pagkakabutones ng kanyang polo.

"Sorry, I just.." tatalikod na sana ako ng maramdaman ko ang kanyang mga kamay sakin braso.

" Are you okay?" nagulat ako sa klase ng kanyang tanong. nag-iwas ako ng mga mata pero hindi pa rin siya bumibitaw sakin.

"I'm sorry." at dahan dahan din siyang bumitaw sakin. Umiling ako sakin sarili para pigilan ang pagluha.

I feel like claustrophobic. malaki ang lugar pero parang kulang ang bawat espasyong namamagitan samin dalawa.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon