CHAPTER 4

29.5K 509 24
                                    

"IKALAWANG PAGHAHARAP.."

Nilagay ko ang aking mga gamit sa locker at kinuha mula roon ang uniform ko sa taekwando.

Araw ng sabado at nakalaan to para sakin training.

Ginantihan ko ng ngiti ang ibang mga tao sa Gym habang binabati nila ako.

This is actually a normal day for me. same routine.. same work..

Ewan ko ba sa coach ko. gusto ko ngang makipagcompete pero hindi ako pinapayagan,

"Jocel!!" bungad sakin ni coach tan-tan at nakangising kinaway ang kamay sakin.

napailing ako.

Ano na naman kayang gagawin nito sakin, eh kung siya nalang kaya ang kasparring ko.

tumango ako ng makalapit sa kanya.

"May kasparring ka mamaya." aniya habang pinupunasan ang pawis sa pagbubuhat ng mga barbel.

napataas ang aking kilay. himala.. may kasparring ako ngayon samantalang lahat ng tenetrain nito ay ayaw sakin.

"Magaling yun, kakapanalo lang nun sa national competition." 

Nagsmirked ako sa harap niya.. nakaramdam ako ng pangangati ng mga kamay at talampakan. hindi na ako makakahintay pa na maharap ang sinasabi nitong kasparring ko.

"Bring it on coach.." sabi ko pa..

Nagwarm up ako para paghandaan ang sparring ko mamaya.

Kailangan kong ikondisyon ang aking katawan bago sumabak sa laban. alam kong hindi pipitsyogin ito kaya kailangan kong maghanda.

lumipas ang dalawang oras, masyado na akong naiinip at halos wala nang tao sa gym dahil umuulan.

"Wala pa ba coach.." padabog kong nilapag ang aking bag. mukhang gonogoodtime lang ako nito ah.

"Nandito na. nagbibihis lang."

napatsk ako.. hindi ko gawain maghintay nang mga bagay na hindi naman importante.

"Hindi na, uuwi nalang ako." tumalikod ako at binuhat muli ang aking bag.

badtrip..

kung kelan nangangati ang aking kamay, tsaka pa di natuloy..

ang hirap talaga umasa sa mga salita.

haist..

"Coach tan.." napakunot ang aking noo ng mabosesan ko ang lalaking nagsalita sakin likuran. 

"Raf, kamusta? "

"Ayos lang , pasensya na rumaket pa ako eh." aniya. 

"sino ba kasparring ko?" naramdaman ko ang kanilang mga mata sakin likuran.

"Ah ito.. jocel.." 

dahan dahan akong tumingin sa kanila..

gusto kong ipikit ang aking mga mata pero di ko magawa.. 

nagtama ang aming mga paningin at salubong ang kilay nito sakin.

Napalunok ako..

ito na naman ang paghabol sakin ng mga kabayo..

hindi ba sila napapagod kakahabol?

I saw him smirked..

" Jocel.." nakakaloko ang ngiti nito habang umiiling..

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon