CHAPTER 5

26.7K 503 6
                                    

 "CONFUSE..."

" Hi Anna.." Tumigil kami sa paglalakad ni Anna nang batiin ito ni lake. hayun na naman ang malapad nitong ngiti na hanggang tenga. lumabas ang malalim na dimple at nawala ang mga mata.

ang gwapo gwapo niya talaga tingnan kapag ginagawa yun.

"Lake, kamusta? balita ko nanalo kayo sa laban niyo sa Snt' Francis Academy ah." tinutukoy nito ang nakaraang games sa kabilang school.

bigla itong pinamulahanan ng tenga at bahagyang kinamot ang ulo. para itong nahihiya sa nalaman ng kanyang crush.

Grrrr...

"Ah Oo, inspired eh." aniya at natatawang umiwas ng tingin kay Anna.

sumulyap sakin si Anna at umismid ang nguso.

hindi ko alam, pero parang may alam ito sakin hidden agenda kay lake. which is hindi ko naman sinasabi sa kanya.

"Congrats kong ganun." bumalik si Anna sa kaharap.

"Sige Lake magrereview pa kami ni Jocel eh." lalagpasan na sana ito namin ng magsalita uli si lake.

"Ah Anna." tumingin ito sakin, sunod kay Anna muli.

"Merun ka na bang partner sa Senior Night?" at muli, para itong elementary student na nahihiyang harapin ang kanyang crush.

Biglang tumango si Anna sa kanya at siya naman pagbagsak ng balikat ni lake sa ginawa niya.

" Nagpromise na ako sa isa kong friend eh. Kung gusto mo kayo nalang ni Jocel." 

Deri deristo ang aking pag-iling. Ayokong ipagkanulo ako sa isang lalaki na wala naman gusto sakin.

Oo hanggang ngayon hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari nung nakaraang buwan at masasabi kong nandito pa rin ang pagkagusto ko sa kanya.

But meged, mas nakakahiya naman ipipilit ko ang sarili ko sa taong may iba naman gusto.

Bumaling ito sakin nang may malungkot na mukha.

yan, iyan ang ayaw na ayaw ko..

ang sasalo ng kalungkutan nito at magpasaya rito which is napakarediculos na idea.

" Pwede ka ba jocel?" malumanay ang pagkasabi nito.

Shit... nakaramdam ako ng pagsabog ng mga confetti sa kalangitan. humaba ang aking buhok at feeling ko ang ganda ganda ko.

Kyeme akong ngumiti sa kanya. bumaling kay Anna na ngayon ay nakangisi sakin at naghihintay ng sagot.

Sinasabi ko na nga bang may alam ang isang to. may sa kung ano ang babaitang ito at kahit na hindi ko sabihin sa kanya ang isang bagay ay alam nito.

Am I too obvious?

Dahan dahan akong tumango. ngumiti si lake, hindi nga lang katulad ng pagngiti nito kay Anna pero nakaramdam ako ng saya.

atleast, ngumiti siya..

"Sige.." kinuha nito ang isang box na itim sa bag at inabot sakin. alam kong corsage ang laman nun. 

pigil ang aking sarili na mapatili nang mahawakan ko ang box. Shemay jocel, corsage palang ang nahahawakan mo, panu pa kaya kong kamay na niya.. baka hindi lang pagtili ang gawin mo kundi pagtumbling at kanderit.

"I'll go ahead.. Anna." nagnod ang aking kaibigan sa kanya. hindi ko namalayan ang kanyang pag-alis. parang naiwan ang aking diwa sa ginawa nitong pag-aya sakin.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon