CHAPTER 36

16.1K 317 10
                                    

Nadako ang tingin ng mga taong nasa chapel ng pumasok ako sa loob. Nilakasan ko ang aking sarili para harapin ang mapait a katotohanan ito.

"Daddy.." bulong ko nang makita ko ang maaliwalas na litrato nito sa tabi ng kanyang kabaong. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. 

Ang sabi ng mga doktor sakin, nagkaron ng nervous breakdown ito habang natutulog. at hindi na nagising kinaumagahan.

That night, masayang masaya pa kami habang nilalaro namin pareho si JD. ang lakas ng tawa niya ay nag-eecho sakin isipan. Gusto kong isipin na natutulog lang din siya ngayon, pero ang makita itong nakahimlay sa itim na kabaong ang siyang nagpapagising sakin sa masaklap na katotohanan.

I want to believe, but I couldn't.

Nilapitan ako ni Kuya at niyakap. Walang luha ang tumulo sakin mga mata kahit gustong gusto ko nang umiyak. Siguro ay naubos na ito simula pa nung malaman kong wala na ang aking ama.

"Tita Dyosa.." naramdaman ko ang paghila ng dulo ng aking damit na si JD. mapait akong nangiti.

" Ba't hindi pa po nagigising si Lolo? hindi pa po ba siya makakalaro sakin?" I tried to hide my sadness infront of him. Wala siyang alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Sana katulad nalang ako ni JD ngayon. Ang iisipin natutulog lang si Daddy. na bukas o sa makalawa ay magigising ito at makikipaglaro sakin.

Ang daming dumalaw sa Chapel nang mamatay si Daddy. Mga empleyado ng kompanya. Mga investors. may mga media pa ngang nagcocoverage at kinukuhanan ang ilang mga tao na dumadalaw sa burol ng mga salitang masasabi para sa kabutihan ni Daddy sa kanila.

Wala akong marinig kundi magagandang salita. Siguro hindi nga nila kilala ng lubusan ang tatay ko. pero kahit na nagkaron kami ng hindi magandang pagkakaunawaan noon, natuto naman kami magpatawad sa isa't isa.

Walang perpektong pamilya. aminado ako na hindi rin ako naging mabuting anak sa kanya. At hindi ko alam kung pagsisihan ko ba na hindi ako naging mabuti sa kanya sa lahat ng mga bagay. Ang isipin hindi na mababalik ang kanyang buhay at kamatayan nalang ang magiging dahilan ng aming pagsasama ang siyang pumipiga sakin puso.

But I have to be strong. for myself. for him. 

Isa pang kinakaharap nang aking pamilya ay ang will ni Daddy. Wala siyang pinag-iwanan ng lahat kundi kami ni Kuya. May hati rin si Mommy na agad nitong tinanggihan dahil wala naman daw siyang nagawa na maganda para kay daddy.Pero tinanggap din niya iyon kalaunan ng mabasa ang sulat na ginawa ni dad para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon, pero nakita ko kung ganu umiyak si mommy sa harapan namin lahat.

Siguro humihingi ng tawad ang aking ama sa kanya. Sa lahat ng mga maling nagawa nito para kay mommy. Dahil alam ko na naman, hindi man nito sabihin, mahal pa rin nito si mommy. Kahit ilang babae ang kanyang nakasama o naikama, still si mommy pa rin ang kanyang nasa puso.

I saw them fought before. iyon ang panahon gusto ko nalang tumakbo at isipin hindi ko naririnig at nasasaksihana ng kanilang pag-aaway.

I am child then, kaya mahirap intindihin sakin kung bakit hindi na umuuwi ng bahay si mommy. Palagi akong nagtatatanong kung sino ang mga babaeng naaabutan ko sa kwarto nila ni dadddy.

Hanggang sa unti unti ko na rin naabsorb ang lahat. Malaki ang pagkakaiba ng pag-iisip ng mga matatanda sa mga bata. Noon, inakala ko na kaya laging wala sa bahay si mommy ay dahil [a;agi itong umuuwi ng Cabacungan. Kung umiiyak man ito at kung sinasabi nito na okay lang siya, binabalewala ko nalang. What will I know? How do I undertsand her heartache kung hindi ko naiintindihan ang mga nasa paligid ko.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon