CHAPTER 37

15.2K 314 7
                                    

 

"Ms. Jocel, nandito po sa labas ng opisina niyo si Mr. Buenaventura. I said wala po kayong appointments sa kanya pero gusto niya raw kayong makausap." ani ng aking secretary. Sandali akong natulala sa intercom at nag-iisip kong kakausapin.

Ang totoo'y hindi ito ang unang beses na magtangka itong makiharap sa kanya. pero siya na ang umiiwas. Nagbigay na siya ng kanyang mga salita kay Tina na kung ano man ang itanong nito tungkol sa kanya ay wala siyang sasabihin.n By then, alam niyang mapoprotektahan niya ito at ang anak.

" Send him in please." Hindi pa nagtatagal ay napaangat siya ng tingin ng nakikipagtulukan pumasok si Nilo dahil sa pagharang ng security sa kanya.

Napatayo ako pero natigilan rin ng makita ko ang berdeng mga mata nitong tila nag-aapoy sa galit.

"Where is she Jocel?" galit na tanong nito. nag-iwas ako ng mga mata. ito ang unang pagkakataon ko na hinarap ang galit na anyo ng isa sa mga pinakamayamang taong kilala ko.

Ramdam ko ang mainit na aura dala ng mga pagtitig nito. Somehow, nakakaramdam ako ng pagkapaso. para akong nasusunog sa mga titig niya.

"I told you I don't know Nilo." Iba rin ang pagiging persistent ng taong ito. lumipad pa ito galing ng pilipinas papunta ng Florida para lang hanapin ang babaeng yun.

"You're lying. stop pretending Jocel, wag mong ubusin ang pasensya ko." nag-angat akong muli. Isa iyong pagbabanta, This man infront of me, knows how to play dirty games. Alam ko ang mga istorya ng bawat mga negosyong napapabagsak nito. Including Tina's family.

"I have nothing to say to you Nilo, Hindi ko alam kung nasan si Tina, tsaka bakit ko naman siya itatago sayo?"

"You are the last person na nakasama niya sa Pilipinas, alam ko rin na sinamahan mo siya hanggang dito. Don't play like an innocent child Jocel, you also know how to play tricks." Matalim pa rin ang mga titig nito sakin. 

I can now sense the darkness in him. Yung dilim na unti unting lumalamon sa Nilong kilala ko at nagustuhan ko.

"I am not playing game here. Tsaka sa tingin mo ba gugustuhin kang makita ni Tina huh?"

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng pamilya mo? Sa tingin mo ba gugustuhin niyang sumama sayo kahit mahal ka niya? Isa kang Buenaventura Nilo at kahit na anong gawin mo, hindi mo maalis ang katotohanan ang kapatid ng babaeng hinahanap mo ang pumatay sa Anak mo."

Natigilan ito. Ang kaninang galit na anyo nito ay tila humupa at napalitan ng pagkabigo. 

I know it hurts, pero iyon ang reyalidad ng mga buhay nila ni Tina. hindi kayang palitan ng pagmamahal ang mga sakit na naidulot ng mga nangyari sa kanila.

Ang pamilya niya ang dahilan ng paghihirap ng pamilya nila Tina. at si Caulder ang naging kabayaran ng mga pasakit na pinaranas ng kanyang pamilya sa kanila. at ngayon, naghahabol siya sa kadahilanan gusto niyang maayos ang sigalot sa kanilang mga pamilya which is napakaimposible.

Hindi pwedeng magsama ang dalawang uri ng pamilyang magkaiba ang paniniwala at pinaglalaban. Hindi pwedeng magkaisa ang nang-aapi sa inaapi. at hindi kailan man mabubuo ang isang magandang estorya nila, kung sa kabilang banda, ay ang pamilya nila ang hahadlang.

Kailangan maging balanse ang lahat. kailangan maging patas. 

Sa mundong ito, walang taong hindi nakakaranas ng sakit at pait mabuhay. Lahat gustong makaahon at gustong lumaban. Pero hindi lahat nagkakaron ng hustisya. Hindi lahat nakakalimot. hindi lahat humihilom. 

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon