CHAPTER 23

18.5K 320 7
                                    

"Substance nalang ang iba..."

Hinihiling ko na sana sa mga oras na'to, biglang umulan ng malakas. kumulog, kumidlat, lumindol, lipunin ng delubyo ang buong mundo at kainin ako ng lupa. 

O di kaya ay may isang kotse na nawalan ng preno at dumiretso sakin at bungguin ako. Iniisip ko rin ng mga sandaling ito na may ipo ipong dumating o di kaya ay umulan ng blokeng bloke na yelo at tamaan ako't ibaon nalang ng buhay sa lupa.

Hindi nawawala ang masamang tingin ni rafael samin at walang kaalam alam ang aking kasama sa bagyong sinimulan niyang gawin.

" Fiance huh?" umangat  ang labi ni rafael nung sinabi niya yun. Kalma lang please.. Hindi ko pinaghandaan ang mga sandaling to, at sa  milyong milyong tao sa buong pilipinas, hindi pa kasama ang mga foreighner at mga turista na nagbabakasyon rito, bakit si Rafael? Pano, saan, kelan? 

O kapalaran, ang sarap mong kunyutan. ang galing mong maglaro. nakakapang-init ka ng dugo. kumukulo lahat ng liquid sa buo kung katawan.

" Raffy ito pala yung calling card ko." Pinasada ng mestisang babae ang calling card nito sa dibdib ng BOYFRIEND ko!! shit! nakita ko ang paggalaw ng adams apple ni rafael sa babaeng nakasuot ng paldang sana ginawa nalang panty.

" Thank you Zyra, Ipapahanda ko nalang yung mga papers para sa releasing ng sasakyan, tatawagan kita pagkatapos." Iniwas nito ang mga mata sa babaeng tinawag nitong Zyra. ito siguro ang ligit na anak ni Zuma na daig pa ang Ahas kung kumuyapit sa braso ni Rafael.

" You can call me anytime you want. Pwede rin tayong lumabas." Hindi ito sumagot pero ako ay nanlalaki pa rin ang mga mata.

Hindi kayang panlabanan ng paninibugho sakin damdamin ang paglalandi ng babaeng ito sa harap namin. Mas nananaig ang pangamba sakin puso gayundin ang pag-aalala.

"Mag-iisang linggo na siyang umalis rito. Ang dahilan niya ay nakahanap na daw siya ng ibang trabaho, yung swak sa tinapos niya." nagrecall sakin isipan ang mga sinabi ni Dina.

So dito siya nagtatrabaho. kelan pa? Panu siya nakapasok dito? Pwede naman siyang magtrabaho sa mga kaibigan niya, o di kaya ay bumalik siya sa pagiging instructor. bakit dito pa?

Bakit hindi? Walang masama sa trabaho niya at mas lalong mas magandang trabaho ito? ani ng boses sakin utak.

Ano ba ang kinababahala mo? ang trabaho niya o ang katotohanan ang taong mahal mo ay siniserbisyuhan ang taong mang-aagaw sa kanya sayo? 

Natatakot ka ba na husgahan ang Boyfriend mo dahil sa trabaho niya? O ang katotohanan hindi ito katulad ni lake na may- ari ng kompanyang mayaman pa sa may-ari ng pinagtatrabahuan ng nobyo mo?

Hindi ko alam. ayaw kong mangumpara, pero ayaw ko siyang husgahan. Ayaw kong hatulan siya ng mga taong nakapaligid sakin sa mga bagay na kanyang ginagawa at kaya niyang gawin. Mahal ko siya, at wala siyang pwedeng patunayan sa lahat.

"Mr. Tizon, good to see you here." aniya ng babaeng umaalon ang laki ng tyan. nakasuot ito ng salamin at humalik sakin kasama.

"Wow, is this your Girlfriend." nadako ang mga mata ni lake sakin. Hindi ko alam kung bakit. ang atensyon ko ay nasa lalaking nasa harap namin at nakakahiwa ang mga matang nakatutok sakin.

Tumawa lang si lake at kahit wala itong sinasabing iba ay nag-assume nalang ang babae na girlfriend ako nito.

" Sobrang ganda ha, ang swerte mo." kinurot nito si lake na patuloy lang sa pagtawa.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon