CHAPTER 8

24.2K 481 14
                                    

 "The Rise.."

I looked around at the bar kasama ng ibang member ng Avery Sorority Group. ito ang organisasyong pinamumunuan ko sa college.

Puro mga babae ang myembro at galing sa iba't ibang course ng BALICUATRO UNIVERSITY.. Ang School namin ay isa sa mga sikat na school sa Pilipinas lalong lalo na sa mga nagbabalak mag-abogado at kumuha ng business course, Sikat din ang aming eskwelahan dahil may sarili itong show sa isang TV station na mapapanood sa buong bansa. Ang mga myembro ay sikat din sa kani-kanilang mga course. I am not taking any girls kung hindi siya extra ordinary. Kailangan may guts. kailangan matalino, kailangan may ibubuga. di baleng hindi maganda basta may alam at hindi tanga. Galing din ang mga ito sa mga prominenteng pamilya.

Kasalukuyan kaming nasa "THE RISE" bar. Isa ito sa mga sikat na bar sa makati at hindi basta basta pwedeng makapasok sa loob. Kailangan may VIP access ka kung gusto mong magpakasaya sa loob.  Kilala ko ang may-ari ng bar. Si Anton, isa sa mga kaibigan ng asawa ni Anna.

Anna got married. Apparently..

at tinanggap niya yun alang alang sa batang dinadala niya.

Hindi ko alam kung tama nga ba iyon..

Yung pipilitin kang magpakasal kahit na labag iyon sa kalooban mo.

But again, that is for the sake of the child.

Sumalubong samin ang neon lights nanggagaling sa bawat sulok ng Bar.

nakikita ko rin ang anyo ng mga usok ng mga taong nagyoyosi sa loob.

mabuti nalang at centralized ang area at talagang high class ang bar na ito.

Walang basta bastang scavenger na makakapasok o sinumang communer na makikisalamuha sa loob.

yun nga lang, maraming mga social climber ang nagpapanggap na mayaman pero di naman.

" Oh my gad is that Kelvin Matematico!!" tinuro ng kasama kong babae ang sikat na basktebolista ng PBA sa team  "BOLTS".

Matic na nagngitngit ang aking kilay. Hindi kami nagpunta dito para sa paglalandi. nagpunta kami dito para magpakasaya, lumaklak ng alak at sumayaw. kung kasama para sa kanila ang paglalandi, pwes makakauwi na sila.

Kanina pa ako naiinis dahil parang mga kiti kiti ang mga kasama ko lalo na ang mga bagong myembro. 

Kunting tingin lang sa kanila ng mga kalalakihan, feeling mo para sa kanila ang mga tingin na yun.

Parang ngayon lang nakababa sa bundok at nakakita ng mga unggoy sa syudad.

Tsk..

Sa mundong ito, TANGANG matatawag ang inosente sa kahit na anong bagay.

Kung pipiliin mong maging INOSENTE, marami ang manlilinlang.. marami ang mananamantala.

pailing iling akong nagtuloy patungo sa nireserved namin room sa 2nd floor ng bar.

Ang iba'y gusto pang magpaiwan pero wala silang nagagawa dahil isa isa ko silang pinandidilatan.

"Girls Boy hunting tayu mamaya!!" sigaw ni Andy ng makapasok kaming lahat sa loob.

humalahaw ang sigaw ng buong Avery Sorority liban sakin. again, hindi kami nagpunta dito para lumandi...

"Let's enjoy the night everyone, walang uuwi ng di lasing!!" nagsigawan uli ang lahat ng myembro at umalingawngaw iyon sa buong kwarto.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon