CHAPTER 65

15.7K 564 84
                                    

Sorry Guy's.. nabusy kagabi sa work. 

Warning: Please don't forget to vote and comment..

Mabigat ang aking mga mata na minulat ito at agad akong nasilaw ng sinag ng araw na nangagaling sa bukas na bintana. Ang lagaslas ng alon sa dagat ang siyang nagbibigay ingay kasabay ng pag-ihip ng hangin rito.

Sinapo ko ang aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman. inistretch ko ang aking katawan as I make a big groaned. mukhang buong katawan ko ata ang nanakit ah.

Teka ano nga ba ang nangyari kagabi? natigilan ako para mag-isip. Lininga ko ang buong paligid. Nasa kwarto na ako ng bahay bakasyunan nila Anton.

Ang naalala ko ay nasa isang Bar ako. Mag-isa akong umiinom at gusto kong limutin ang mga nalaman at nakita ko kagabi. Umiyak lang ako ng umiyak habang nilalagok ko ang alak sakin harapan. ni Hindi ko nga maalala kong nakailan ako at kung nagbayad ba ako.

Sumandal ako sa headboard ng kama at pilit kong inalala ang mga nangyari. Pero wala talagang sumasagi sa isip ko sa kung sino ang magdadala sakin pabalik sa kwartong ito.

nakasuot pa rin ako ng damit na suot ko kagabi at nanlalagkit na ang make up sakin mukha. Tiningnan ko ang repleka ko sa katapat na salamin sa cabinet.

Infairness ha, hindi bag ang eyebag ng aking mga mata kundi kabinet na. Gulo ang aking buhok. 

Tumayo ako para pumunta ng banyo pero natigil ako sa paglalakad ng may kumatok sakin kwarto.

"Tuloy.." sabi ko at bumukas ang pinto.

Niluwa nun si Joy na may abot tengang ngiti. Mabuti pa ang isang ito, masayang masaya palagi. Parang walang problemang dinadala. Tuloy ang ngiti niya ay nakakahawa.

May bitbit itong tray at naamoy ko kaagad ang mabangong sabaw na laman nun.

" Good morning." sabi ko pa.

"Actually it's Good Afternoon." nilapag nito sa katabing mesa ang tray at ang aspirin na gamot.

"Thanks. Sorry akala ko umaga pa."  lihim kong sinilip ang aking relo, mag-aalas dos na nang tanghali.

Ngumiti lamang ito at may kinuhang kung ano sa Cabinet ng kwarto.

" Maganda maligo ngayon sa dagat, kaso nga lang medyo mainit pa." ani nito habang kinukuha ang kobre kama sa cabinet.

Pinagmasdan ko ang likod ni Joy. Matangkad ako sa kanya ng kunti. Morena ang balat at makinis. halos magkapareho ang pigura ng aming mga katawan. Straight na straight ang buhok at itim na itim ang kulay. 

At sa bawat pagngiti nito ay lumalabas ang malalim na dimple nito na hindi mo maiwasan di pansinin. iyon siguro ang isa sa mga best asset niya.

Pinilig ko ang aking ulo at lumapit sa pagkain nilagay niya sa mesa. bigla akong natakam sa mainit na sabaw na nag-iimbita sakin sa paghigop.

Nakikita ko rin ang malamang parte ng tyan ng isda at ang langis mula rito ay lumalabas. Umupo ako at pasimpleng humigop ng sabaw at hindi ko maiwasan hindi mapapikit dahil sa sobrang sarap nun.

"Sabi sakin ni Anton ay uuwi kana agad. hindi ka ba makikisabay samin?" tiningala ko siya at umupo ito sakin tabi.

" Naku hindi na. kailangan ko rin kasing asikasuhin rin ang mga planta namin sa Manila." ani ko habang kumakain. 

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon