CHAPTER 52

15.7K 362 19
                                    

Maigi akong umupo at naghintay sa pagdating ni rafael. Tumingin ako sa orasan at mag-aalas tres na nang hapon. 

"Mam mauna na ho ako." tiningnan ko si Dindo. nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. pinauna ko na siyang kumain dahil hihintayin ko si rafael sa kanyang pagbalik.

Bumuntong hininga ako at tumango. Hindi ko magawang gumalaw ng maayos dahil sa nararamdaman ko.

Babalik siya alam ko..

Iyon ang sabi niya at hindi niya ako iiwan.

Naramdaman ko ang pagkaluskos ni Betchay sakin paanan. Hinaplos ko ang kanyang ulo at nanatili itong nakaupo sakin tabi. Katulad ko, pareho kaming naghihintay sa kanyang pagdating.

Lumipas pa ang isa, dalawa, tatlo, apat na oras pero walang rafael na bumabalik. 

Ayokong isipin, pero kung sakali man mas pinili nito si Hillary kesa sakin ay kailangan ko iyong tanggapin. Well, sino nga ba naman ako para sa kanya.. Kung narealize nito na mas mahal niya ang kanyang bestfriend ay wala na akong magagawa.

Kailangan kong tanggapin iyon ng bukal sakin puso. Hindi ako maghahabol at lalaban na..

Kasi alam ko, kahit sa anong anggulo tingnan, samin tatlo, ako ang sabit lang. Ako ang hindi tama.. at kailanman ay hindi magiging tama.

Kung baga sa bangka, sa aming tatlong natitira, at binigyan ng option si rafael na maglistas ng isa samin, si hillary ang kanyang pinili.. Hinulog niya ako sa dagat at pinili ang babaeng alam niyang mahal na mahal siya at hindi siya sasaktan.

What I can only give him is pain.. 

This thing is apprehensive.. but I have to move on..

Madilim na sa buong paligid. but no sign of him..

Hindi na siya babalik Jocel.. kaya wag kanang umasa.

Siguro tama na ang oras na ginugol niya para samin dalawa. Well atleast hindi ako nagsisisi sa lahat. Naramdaman ko kahit papanu ang pagmamahal niyang muli. 

nakita ko ang dating rafael na minahal ko..

Kung ito ang paraan niya para maghiganti sakin. panalo na siya.

nakuha na niya ang aking loob at pagmamahal muli..

at ngayon iniwan niya ako.. ako naman ang nawasak.

katulad ng ginawa ko sa kanya noon. iniwan niya ako nang walang wala.

Walang karamay, walang kaibigan, walang kasama..

Sarili ko lang ang aking magiging sandalan.

Natagpuan ko ang aking sarili sakin kwarto.

Pinagmasdan ko ito ng maigi.

Sa loob ng ilang araw.. ang kwartong ito ay napuno ng mga alaalang mababaon ko hanggang sakin pag-alis.

The memories has been saturated in my head.. and I will keep his images in my heart. His smiles..

Nahiga ako at nawala ang lakas sa buo kong katawan..

The only thing that has left is myself. The question is how I will survive without him.

Sabagay, hindi naman iyon big deal sakin dahil kung nakaya kong mabuhay nang wala siya ng tatlong taon, alam ko na makakaya ko pa ngayon.

I will not alone.. I have my baby..

He will be my life..

My air..

My everything.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon