CHAPTER 73

16.9K 400 77
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..

3 years after

"Momma I've got 3 stars!!" magiliw na pinakita sakin ni joss ang kanyang braso na may nakatatak na mga stars. Hindi ko maiwasan hindi maging proud sa kanya.

"Wow, ang galing naman ng anak ko.. pakiss nga si momma." at hinalikan niya ito't pinangigilan.

Maglilimang taon na si jossafat at lumalaki siyang parehong pareho sa kanyang ama. Nandito kami ngayon naninirahan sa Colorado. Dito sa bahay kung san binuo namin ni rafael ang aming anak.

Ginilid ko ang aking laptop sa mesa at pinaupo ko sakin tabi ang aking anak na agad na pinulot ang mga nagkalat na papel at ang aking ballpen.

"Dito kalang ha, gagawa lang ako ng pagkain mo."

Tumango ito. sandali kong sinilip ang aking laptop. wala pa naman video call si shatea sakin. Ngayon araw kasi ang report nito sakin tungkol sa mga nangyayari sa SE sa Tampa.

Hindi pumayag si kuya na tuluyan kong bitawan ang aming kompanya, aniya wala daw siyang katuwang sa pagpapatakbo nun lalo na't busy rin daw si lake sa sarili nitong negosyo.

pumayag naman na ako dahil napagkasunduan namin na imomonitor ko nalang muna iyon at si shatea ang kasalukuyan CEO ng Salvador Enterprise.

"Huwag mong gagalawin gamit ni momma ha, may importante kasi akong gagawin anak eh." bilin ko pa kay Joss.

"Kapag tumawag si Tita Shatea, eclick mo lang ito ha, tapos kausapin mo muna, tell her na gumagawa lang ako ng pagkain." sunod sunod ang pagtango ni joss sakin at kampante akong iniwan siya para gawan ito ng meryenda. 

Kinuha ko ang chocolate cake sa may Fridge at nagtimpla ako ng juice para samin dalawa. maya maya lang at bumalik na ako sa isang kwarto ng aming bahay na ginawa kong office.

natigil ako sa paglalakad ng mapansin kong seryuso ang mga mata ni joss na nakatingin sa screen ng aking laptop. nagsasalita ito pero hindi ko masyadong maintindihan.

" I'm 4 years old po. Gumagawa po ng meryenda momma ko eh."tumingin si joss sakin gawi.

"Nandito na po si momma." tumili ito at parang excited nang nakita ako.

Ngumiti ako. siguro kinukwentuhan nito si shatea.

" Momma, Tita Anna is so pretty.. Kasama niya po si Tito Cyrus and baby Cerena." bigla akong naalarma sa sinabi ng aking anak. dali dali kong nilapag ang aking dala dala at hindi ko alam kung tatakpan ko ang laptop at papagalitan si joss.

Magiliw itong nagsasalita at nanlalaki ang aking mga mata ng makita ko si Anna at si Cyrus na may parehong expression ng mukha.

Shitness..

bakit nila naisipan magvideo call sakin at si joss pa ang nakasagot.

" Hi baby Cerena, I'm your kuya Joss, your so pretty just like your mommy." ani pa ni joss habang kinakausap ang anak nila Cyrus. maya maya lang ay tumunog ang aking cellphone.

nasapo ko ang aking ulo ng makilala ko ang numerong nakarehistro don.

hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o papatayin. huminga ako ng malalim and as I was expecting, isang malaking tanong ang binigay sakin ni Anna.

" Don't you ever dare to cancel this call jocel kung ayaw mong si rafael mismo ang pumunta dyan sayo para kunin ang anak mo." mariing akong pumikit at bahagyang lumayo kay joss. kausap pa rin nito si Cyrus, nandon na rin sila Carlo and Cristine.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon