CHAPTER 56

15.9K 307 8
                                    

<---- Hello Guy's sorry If I confused you with the story. As much as I want to make the story short, I can't.. Mas lalo kasing mawawala yung ibang details ng story kung papaikliin ko lang. But anyway, Ito na po ang start ng twist. Next update for the story will have other revelation on why Jocel and Rafael got separated.

Thank you Guy's.. Lovelots po..

" I can't sleep. I miss you." Tinakpan ko ang aking bibig para maiwasan mapatili sa mga naririnig ko galing kay Rafael.

" I miss you too. Pahinga kana." pero ang totoo, gusto ko nang magtatambling sa sobrang kilig.

He chuckled na mas lalong nagpapula ng aking pisngi. Meged, para na akong kamatis nito.

" See you then tomorrow." Tumango ako ng nakangiti." Yes." 

"Are you sure na hindi kana magpapasundo sakin."

" Hindi na. Hintayin mo nalang ako sa Airport." Bukas na ang balik namin sa Manila. Halo halo ang nararamdaman ko dahil sa wakas, alam namin pareho na wala nang makakapigil samin dalawa.

Bumuntong hininga siya at narinig ko ang kaluskos na gawa ng unan.

" I miss you so much babe. I can't wait for tomorrow." ani pa niya. halos kakahiwalay nga lang namin kanina dahil dito siya pinakain ni kuya sa bahay.

Mabuti nalang din at naayos na ang gusot nito kay kuya. maging kay Mr. Choi din na hindi na nagawa pang maglabas ng kahit na anong testemonya tungkol don.

Isa nalang ang hinihintay ko. Si lake. Bukas, bago ako umalis ay makikipagkita muna ako sa kanya upang kausapin ito ng masinsinan. 

Alam ko na masasaktan siya sa gagawin ko pero kung hindi ko ito sisimulan bukas, malamang ay maging mahirap pa ito.

I want to set him free for the love he have for me. He deserve someone that will not hurt him. Yung taong alam kong magiging masaya siya.

at hindi ako yun. kasi kahit na anong gawin namin, ang tadhana ang nagtutulak samin ni rafael na magsama. na kahit anong gawin ng mga taong nakapaligid samin, umaayon ang panahon samin dalawa.

Alam ko naman na alam na rin ni lake ang mga nangyayari sakin dito. kahit nasa UK siya ngayon, alam kong may mga nakabantay na tauhan ito sakin. 

Alam na alam nito ang mga nangyayari sakin buhay.

Wala eh. Yung puso ko na ang nagdesisyon sakin. at pipiliin ko kung ano ang magpapasaya samin ni rafael. Hindi na ako nag-iisa ngayon. kasama ko na siya, at ang magiging anak namin.

" I love you rafael.. words are not enough.. and I will do anything for you." 

" How sweet. I love you more.. more than my life." 

Ilang saglit pa kaming nagpalitan ng mga matatamis na salita bago namin napagdesisyunan na putulin ang tawag.

Napatingin ako sa orasan sa katabing mesa. Mag-aalas onse na nang gabi. Alas 3 ng hapon ang flight namin pamanila. Tama lang iyon para maiayos ko ang mga maiiwan ko dito.

Pumayag si kuya na magturn over nang posiion ko dito samantalang ako ang maghahandle ng branch namin sa Pilipinas. Alam ko na malaking adjustment yun sa kanilang magpamilya at laking pasasalamat ko dahil naiintindihan nila ang nagingg desisyon ko na umuwi ng sariling bansa.

Ilang taon na rin akong hindi nakauwi don. Simula ng mamatay si daddy ay di na ako bumalik pa. Wala rin naman kasing babalikan don liban sa mapapait na mga alaala. pero ngayon, wala akong mapaglagyan ng kaexciteran sakin puso. pakiramdam ko, hindi makakahintay ang buhay sakin nararamdaman.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon