CHAPTER 30

17.3K 335 10
                                    

" Beg."

Hindi ko alam kung pano ako nakapagdrive ng maayos papunta ng hospital. Samo’t saring pakiramdaman  ang aking nararamdaman. Pag-aalala, galit, pagkapuot, paninibugho.

Nagpatuloy ako sa paghikbi habang binabantayan ang nakaratay kong ama. Wala itong malay nang isugod sa hospital dahil sa atake sa puso. Iyon ang mga sandaling humahabol sakin ni lake para sabihin ang nangyari kay Daddy.

Naging makasarili ako. Akala ko, akala ko tama ang desisyon ko sa pagtalikod kay Daddy. Sa paglimot sa pamilya ko, pero hindi, hindi pala. Maling mali na pinaglaban ko ang lalaking tumalikod lang ako isang beses ay kinalimutan na ang mga nangyari samin.

Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko kayang bigyan ng tamang salita ang sakit na nararamdaman ko. Walang katapusan ang pagdaing sakin puso.

Bakit? Bakit ginawa sakin yun ni Rafael.

Naging tapat ako sa kanya. Minahal ko siya ng buong buo. Nang walang tinitingnan kapintasan sa kanya, pero anu itong ginawa niya sakin.

Mariing kung pinikit ang aking mga mata habang inaalis sakin isipan ang mga naganap kanina sa unit nito.

Flashback,

Napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sumigaw o di kaya ay alisin ang babaeng nasa ibabaw ni Rafael. Ni hindi ko magawang ibuka ang aking bibig ng mga sandaling ito. Gusto kong pumikit, pero ayaw  bumitaw ng aking mga mata habang gumagawa sila ng isang bagay na karimarimarim.

Wala silang kaalam alam na naroon ako, nanghihina akong lumabas ng kwarto at napahawak ako sa hagdan. Pakiramdam ko ay may kung anong humahalukay sakin sikmura. Bumabaliktad  ito sa kadahilanan hindi ko matanggap ang kababuyan ginawa ng lalaking pinagpalit ko sakin pamilya.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa, pagkarating ko sakin sasakyan ay siyang pagkawala ng laman sakin tyan. Nandederi ako. Sakin sarili, kay Rafael.

“AHHHHH!!” kumawala ang nakakabinging  sigaw sa basement ng building at kasabay ng paglabas ng lahat ng aking kinain ay siyang paghalahaw ng aking sigaw.

Nawalan ako ng lakas at naupo ako sa lupa. Halos hindi ko magawang maigalaw ang aking sarili para tumayo. Bakit niya sakin ginawa ito?

Anong kasalanan ko para pagtaksilan niya ako?

Wala akong ginagawang masama. In fact siya pa ang pinili ko kapalit ng aking pamilya.

Ito ba ang kabayaran ng lahat? Karma ko na ba ito dahil sinuway ko si Daddy.

“Jocel anong nangyari sayo?” napaangat ako ng Makita ko si Nilo, pinunasan ko ang aking luha. Ngayon lang ako natauhan. Maling mali na minahal ko ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang ilabas ang libog sa kanyang katawan.

At ako naman ito,

Nagpakatanga. Umasa sa lahat ng kanyang pangako na kahit kelan ay hinding hindi niya ako sasaktan.

Pero ano tong ginawa niya. Kinagat ko ang aking labi para mapigilan na naman mapahagulhol.

“Ayos kalang? Si Rafael?” niyugyog nito ang aking balikat. Hindi ako nagsalita.

Hangga’t maari ay ayaw kong marinig ang pangalan ng taong yun.

Bumabaliktad na naman ang aking sikmura.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon