CHAPTER 27

17.6K 312 5
                                    

 "Chaos" 

“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you.” Sabay sabay kaming nagkantahan ng happy birthday song kay Kurt habang abot ang tenga nitong nakayukod at handa nang hipan ang Kandila sa Transformer niyang cake.

“Yehey!!” sabay sabay na naghiyawan ng mahipan na nang bata ang kandila at pumulupot ang leeg sa tatay.

“Happy birthday kurt.” Inabot ko sa kanya ang regalong binili ko  kagabi sa isang Baratilyo sa White Beach.

“Thank you fiancé.” Hinalikan niya ako sa pisngi. Wala si Rafael samin tabi at abala ito sa pag-iihaw ng isda. Ginulo ko ang kanyang buhok at naagaw ang atensyon nito ng mga kaklase sa Eskwelahan at nagtatakbo palapit sa mga ito.

“He really likes you Jocel.” Tiningala ko si Ramona na busy sa paglalagay ng pagkain sa mesa. Napangiti ako. Ramdam ko ang pagkagusto sakin ni Kurt, actually maging sila ng kanyang asawa. Welcome na welcome ako sa kanilang pamilya na animo’y parte na rin ako nito.

“Your son is really cute and adorable. Hindi siya mahirap magustuhan.” Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga pagkain.

“Dapat lang, walang pwedeng magreject sa anak ko, subukan lang nila.” Aniya habang hinihimas himas ang tyan.

Nasa kabuwanan na ito at ilang linggo nalang ay manganganak na ito. “Ninang ka nito ha.” Nginitian ko siya. Hinding hindi ko tatanggihan ang maging ninang ng kanyang anak. Alam ko na magiging mabuting bata at maganda iyon. Babae ang anak nito at pinangalanan nilang Dianna ang bata.

“You have a perfect Family Ramona, tahimik, kumpleto, masayang Masaya kayo. I envy you to have this kind of family.” Hindi ko maiwasan sabihin yun lalo pa’t nakikita ko kung gano nila pinahahagalahan ang isa’t isa. Lalo na si Rafael na alam ko ay kulang sa atensyon sa sariling pamilya.

“ Thank you, Hayan mo, pag nag-asawa na kayo ng kapatid ko, mag-anak kayo ng marami para Masaya.” Pagbibiro pa nito sakin. Nag-init na naman tuloy ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Hindi ko maimagine ang magiging buhay ni Rafael kapag mag-asawa na kami.

Sapat na sakin ang dalawa o tatlong anak. Ayaw ko magsolo dahil gusto kong may kasama ang magiging anak ko. Tsaka Masaya sa pamilya kung meron kang mga anak na mababait.

“Bayaw tara na!!” sigaw ni Kuya Danny sa may bakuran. Sumilip si Rafael mula sa likod ng bahay. Nakatopless ito habang abala sa pagpapaypay ng inihaw. Sumilip ako bahagya at napatanga ako sa dami ng bakla at kababaihan nakatambay sa likod ng bahay nila Ramona. Para silang mga aso na naglalaway sa malamang karne at gusto nilang sunggaban.

“Sandali lang kuya, patapos na’to.” Narinig ko pa na may kausap ito sa likod.

Kumunot ang aking noo at nagtungo na sa kinaroroonan ng aking boyfriend.

“ Parang masarap ka pa dyan sa iniihaw mo.” Nakita ko ang pagkagat labi ng babaeng may maiksing palda. Naka spaghetti pero naglalabasan ang lahat ng cholesterol sa katawan. Malabundok din ang laki ng tyan nito at pumapantay sa dibdib.

“Ikaw talaga Marites mapagbiro ka talaga.” Pinisil pa ni Rafael ang naglalakihan braso nito.

Pinamulahanan pa ito ng pisngi at impit ang dila sa pagtili.

“Babe andyan ka pala.” Lumapit sakin sa Rafael at yinakag ako patungo sa kanyang pinag-iihawan.

“Tiningnan lang kita, kanina ka pa hinahanap sa loob eh.” Nakita ko ang pag-irap ng tinawag nitong Maritess sakin.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon