CHAPTER 26

18.5K 331 8
                                    

 "Till the End.."

Nasapo ko ang aking ulo ng maalala kong wala nga pala akong dalang charger.

"Paktay!!"sambit ko at bagsak ang aking balikat na nilapag ang aking hawak sa kama.

Sobrang drain ng cellphone ko at kailangan kong kontakin si kuya. Kinuha ko ang cellphone ni Rafael. naka samsung nga pala ang isang yun samantalang akin ay Iphone. talagang hindi compatible ang charger ng aming mga cellphone.

"Babe, halika na."naghihintay sa pinto si rafael. nagyaya kasi itong lumabas ng bahay at mamasyal sa White Beach. 

"Babe wala kabang kilala na may charger ng iphone?"hindi ako gumalaw sakin pagkakaupo at ganun pa rin. bagsak ang aking balikat.

"Itatanong ko kay ate kung anong cellphone ni kuya Danny."aniya at pumasok sa loob.

"kailangan ko kasing tawagan si kuya at sabihin kong nasan ako, baka kasi mag-alala din yun sakin."

"You can use my phone. memorize mo ba ang number nun?"umiling ako. palipat lipat kasi ang kuya ko ng numero at sa dami nun ay hindi ko kayang ememorya lahat,.

"How about your house phone number."umiling akong muli. maling ediya kung tatawag ako don dahil malamang sa alamang ay ang tatay ko ang makakasagot, kung nandon na ito sa bahay.

Maya maya lang ay pumasok sa kwarto si kurt na may dalang bagong luto na moron.

"Para sayo Fiance."inabot nito ang nakalagay sa platitong moron. Iyon ang tawag niya sakin simula ng mahalikan niya ako sa labi.

"Aww. thank you."nang magtatangka akong halikan ito sa ulo ay agad na pumagitna ang kamay ni rafael sakin nguso.

"Bawal ang halik, sakin lang yan binibigay."at yun nga, siya ang tumuloy ng halik, sakin labi.

"Hey, ako dapat ang humahalik sa lips niya pangit ka talaga!!"sinuntok nito ang hita ni rafael.

"Aba matinde ka rin bata ka ah, labas ka na don, naghihintay na sayo si Betty, bagay talaga kayo dun dahil pareho kayong bungal."

"Hindi ako Bungal!! sabi ni teacher kailangan daw na alisin yung ngipin kung kulay itim dahil baka uurin daw, diba Fiance." hindi ko maiwasan matuwa sa batang ito. napakaadorable. hindi mahirap gustuhin. I'm sure maraming papaiyakin itong bata.

"Tama yun, hayaan mo na si tito mo."ginulo ko ang buhok nito pero ang mga mata nito ay nangingislap na nakatingin sakin hita. 

Wrong move talaga ako lagi sa mga sinusuot. bakit kasi super short ang shorts na suot ko. yan tuloy, pati bata nagpapatansya ng kung ano.

"Alis na, may pupuntahan kami ni Jocel."

"Pwede pasama."nag puppy eyes si Kurt sakin.

tiningnan ko si rafael na agad umiling.

"malayo kasi ang pupuntahan namin eh, baka mapagod ka. tsaka maggagabi na." tinuro ko ang kulay kahel na langit tanda na papalubog na ang araw.

napanguso ito.

"Pero bukas, isasama kita sa pamamasyal. turuan mo ako magswimming ha."agad na napawi ang kaninag lungkot nito.

"Yes, wag mo siyang isasama ha."tinuro naman nito ang tito.

"Sure, I'm all yours bukas." masaya itong nagtatakbo at narinig ko pa ang pasigaw na pagbabalita nito sa kanyang mama.

"Tsk, dyan nagsisimula yan. hindi ko talaga pwedeng pagkatiwalaan ang batang yun."

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon