CHAPTER 21

19.1K 327 7
                                    

 "Kiss me..." 

Kinulong ko ang aking mukha sa aking palad. Gusto kong maluha habang iniisip ang mga nangyari kanina pero wala ni isa ang lumalabas.

naguguilty ako para kay lake. Nagpaasa ako, umasa siya. pero hindi ko alam na ang pag-asang iyon ay mag-uugat ng malalim na damdamin para sakin. Gusto kong malaman kung san at pano nagsimula?

kung pano nag-ugat ang isang simpleng paghanga niya para sakin.

Mahal niya ako, pero may mahal akong iba. Hindi sapat na gusto ko siya dahil gusto niya rin ako para magwork ang ugnayan merun kami.

Wala naman talaga kami. kasunduan lang ang namamagitan samin na hindi ko na kayang pangatawanan.

Hindi kami nagkasama ng matagal., nasa Brunie siya para don mag-aral samantalang ako nama'y nandito sa pinas. tanging skype at tawag lang ang nagiging way of communication namin dalawa. kung uuwi man siya ay isang beses lang kami magkikita at bilang lang ang mga oras.

Wala akong firm na sinabi sa kanya noon, pero sa tuwing tinatanong niya ako tungkol sa kasunduan, hindi ko magawang umamin na ayaw ko sa ganun set up.

Lumipas ang ilang minuto. wala akong ibang mahimigan kundi ang boses na nanggagaling sa aircon.

Nawala ang antok ko sa mga oras na'to subalit nalulungkot ako sa mga nangyari. batid ko ang pagmamahal ni lake pero katulad ng sinabi ko, My heart belongs to someone else.

Hindi ko iyon pwedeng bawiin dahil lang sa hinilingan niya o dahil sa masasaktan siya.

Mahal ko si rafael at hindi ko alam kung ano ang mangyayari samin sakaling hindi man kami ang magkatuluyan.

Naalala ko bigla ang aking nobyo.

marahil ay tulog na ito dahil sa sobrang pagod sa byahe. Tinulugan ko kasi ito buong paglalakbay namin hanggang sa manila. 

 Kinuha ko ang aking cellphone at para magsend sa kanya ng text.

Babe..Thank you for this day. I love you and Will always love you.Good night.. Dream of me..

napangiti ako ng masent ang message na yun.

niyakap ko ang phone at pinikit ang aking mga mata. maya maya lang ay naramdaman ko ang pagvibrate nito sakin bisig.

Babe calling....

Napangiti ako at sa di ko malamang dahilan ay tumulo bigla ang luhang akala ko ay hindi lalabas.

"Hey, sleep na babe." bungad niya sakin. napangiti ako pero hindi ko maiwasan mapapiyok.

"Are you okay?" dama ko ang pag-aalala sa kanyang boses. umiling ako na parang nakikita niya ako.

"I'm okay, I'm just miss you." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan mapaluha. pero tuloy tuloy lang ito na hindi ko kayang mapigilan.

Wala akong narinig galing sa kanya sa kabilang linya. nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at hindi ko maiwasan mapahagulhol.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nangyari. lahat ng mga napag-usapan ng aking pamilya pero natatakot ako.

Nangangamba ako na dumating ang mga sandali na mamimili ako. at ayaw ko mamili sa pagitan ng dalawa.

Mahal ko si daddy at ang pamilyang ito. I will always be grateful for everything he did to us.  Mahal ko rin si rafael at wala na akong ibang mamahalin pang lalaki liban sa kanya.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon