CHAPTER 39

16.2K 321 13
                                    

Para akong pusang hindi mapakali na pabalik balik sa Comfort room. I can't believe this. What a small world. Andon siya sa labas, normal. buong buo, at mas lalo pa siyang gumwapo. 

Samantalang ako, nandito sa Comfort romm at naisipan magkulong ng walang dahilan. Shit!! 

I'm soo pathetic. Bakit ako tumakbo? bakit ako nagtatago? Yung puso ko, kanina, habang sinusulyapan ko siya, walang tigil sa pagdagundong. Nakakabingi, nakakapepe. Lahat ng parte ng katawan ko ay parang naparalisa na gusto ko nalang lamunin ako ng lupa at itago sa kanya.

Pero siya? ba't ganun.. Parang normal lang sa kanya ang lahat. parang wala  na sa kanya ang sakit? nakamove on na ba siya? nakalimutan na ba niya ang lahat samin?

kung Oo ang sagot sa mga tanong na yun, diba dapat maging masaya ako. dapat mawala na yung guilt na nararamdaman ko. Dapat okay na rin kasi alam ko na okay na siya.

Sunod sunod ang aking paghinga. kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. heto na naman ang mga demonyo sakin tyan. Unti unti silang nabubuhay. Itigil mo yan Jocel. 

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Medyo hindi na pula ang aking labi, pakiramdam ko rin ay nalulusaw na ang make up na nilagay ko sakin mukha. Naconcious ako bigla. Bakit ang pangit ko ngayon? hindi, hindi ito pwede. 

Kinuha ko ang aking purse. nanginginig ang aking kamay na hinalungkat iyon at hindi ko alam kung bakit ko kailangan mag-ayos.

Naglagay ako ng lipstick. Shit!! bakit ito ang kulay na nilagay ko. Hindi bagay sa damit ko. maputla pa rin. diniinan ko lalo ang paglalagay. Gulo na rin ang aking buhok. Hindi na maganda ang pagkakaayos.

Tinali ko iyon. Tingin sa salamin at hinga ng malalim. Anong nangyayari sakin. Naghuhuramentado ang lahat sakin sistema. Yung utak ko, walang tigil sa pagpitik. Yung puso, tuloy tuloy lang sa paglagabog. 

Shit!! mura ko ulit. Hindi ko napaghandaan ang sandaling ito. pero bakit ko paghahandaan ang aming pagkikita? walang sinuman samin ang may alam kung magkikita kami ngayon. 

Napansin kong tila nagtatagal na ako sa loob. Kailangan ko nang lumabas. Hinga ng malalim,tingin sa salamin. hawak sa ulo. hawak sa dibdib.

Bakit hindi ko magawang kumalma.

Sandali pa'y nagdesisyon na akong lumabas ng Comfort room pero natigilan nang muli ako ng makita ko si Rafael. nakatalikod ang tatlong lalaki sakin. 

Biglang tumigil ang aking mundo ng dilat kong makita ang mga kamay nitong nakayapos sa beywang nang babaeng kulay blonde ang buhok. Katulad ko ay brunette din ito at matangkad sakin ng kunti. 

Bawat paggalaw nila, yung pagdampi ng labi na dapat na labi ko ang hinahalikan. Yung matigas niyang braso na sana ako ang nakayapos, Yung ngiting sana ako ang nagbibigay. Ang maningning niyang mga mata na dapat ako lang ang tinitingnan na ngayon ay pag-aari na ng iba.

Rinig na rinig ko ang paghalakhak nila. Yung sayang alam kong tunay at buo. Yung mga damdamin nila na walang sakit na nararamdaman kundi puro pagmamahal. 

at ako, sa mga oras na'to. pakiramdam ko. muling gumuho ang aking mundo. Muli akong dinala ng aking kapighatian sa mundo ng aking nakaraan na matagal kong tinakasan at kinalimutan.

Yung sakit, yung hapdi bumabalik.

Yung kirot at panghihinayang, unti unting nagpaparamdam sakin.

humugot ako ng malalim na hininga at kasabay nun ay ang luhang pumatak sakin palad. 

Wasak..

Inimpit ko ang aking labi para mapigilan sa paghagulhol. Walang pwedeng makarinig ng sakit na nararamdaman ko. Walang pwedeng makakita ng pait na nadarama ko.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon