CHAPTER 81

18.5K 460 30
                                    

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Hindi ko na naman maintindihan ang aking nararamdaman. may parte ng aking sarili na gusto nalang itapon sa basurahan ang kapirasong sulat na aking hawak subalit may malaking bahagi rin sakin sarili na gustong basahin ang nilalaman ng sulat na yun.

bahagya akong tumingin sa kulay blue na cross sa simbahan. Madilim sa parte na aking kinaroroonan at ang iilan lang ang mga nandon. nakakarinig ako ng mga pigil na paghikbi mula sa mga taong nangangailangan din ng tulong at nawawalan ng pag-asa.

Kelan nga ba ako huling nagpunta sa ganitong lugar. Nung nasa Colorado kami ay minsan na kaming umaattend sa simbahan dinadaluhan ni Shatea. Isa iyong Born again Christian at malaki ang simbahan iyon.

Pero hindi kami tuloy tuloy sa pag-attend dahil nababahala ako sa mga taong nagpupunta. Sa sobrang laki ng simbahan ay halos hindi na magkakakilanlan ang ilang mga kasapi sa simbahan. 

Iyon minsan ang disadvantage ng isang organisyon. Sa sobrang laki nito ay hindi mo na kilala ang mga taong nakakasama mo. Although magaling naman ang pastor at naiintindihan ko naman ang mga turo, pero minsan hindi sapat ang isang linggo para lang may matutunan ka. 

Hindi rin ako nagtangkang humingi ng payo o makiusap sa pastor dahil nga alam ko na pahirapan iyon gawin dahil may mga bagay din itong pinapriority.

Naisip ko tuloy bigla, habang pinagmamasdan ko ang mga taong taimtim na nagdadasal sa simbahan na'to, kung pano nagagawang  pakinggan ng Diyos ang kanilang mga hinaing. Kung pano nito gingamot ang bilyon bilyong sugat mula sa mga taong wala rin naman ginawa kundi sirain ang bigay na buhay. 

Siguro marami lang talagang anghel ang Diyos para maghatid ng mensahe sa kanya. Ano kaya ang format ng mga hiling na hinahatid ng anghel sa Langit?

In order din ba kaya ang pagtugon don. o di kaya ay first come first serve kagaya ng sa restaurant. Siguro may Special handling ang pagtugon sa kanilang mga prayer. Yung tipong kapag cretical na talaga ang isang problema, agad agad ang solusyon.

Wala naman sigurong favortism ang Diyos para dito.dahil sa pagkakaalam ko, pantay pantay ang tingin niya sa mga tao. Walang mayaman at mahirap, walang maganda at pangit, walang mabait at masama. Lahat equal.

Napakaamazing din talaga ng Diyos. Indescribable ang mga bagay na ginawa niya satin lahat at hindi mawari ang kanyang karunungan. 

Napaisip tuloy ako kung pano nagiging masaya ang Diyos dito. Kasi ang tao, nature na rin nila ang gumawa ng masama, mas marami pa nga ang gumagawa nun kesa sa mabuti eh. pero si Lord, nandyan pa rin.. hindi pa rin nang-iiwan.

Siguro, dahil nakakaranas ako ng matinding sakit non nung iwan ako ni rafael ay dahil kulang ang tiwala ko sa kanya. Kulang ang faith meron ako sa kanya kaya halos gusto ko nalang magpakamatay.

but then, he give me hope. I have my joss. don ko nalaman na hindi pa rin pala niya ako pinababayaan. na araw araw hinihiling ko na alisin na niya ang sakit sakin puso,kasi para akong bombang sumasabog.

Narealize ko na mali rin pala ako sakin ginawa. Ginawa kong buhay si rafael where in fact, nabuhay naman ako sa mundo ng ilang taon na hindi ko pa siya nakikilala. Mali na gawin ko siyang sentro ng aking buhay dahil lang sa mahal na mahal ko siya. na dapat ang Diyos ang gawin natin healer ng ating buhay. 

Iyon siguro ang nagiging sanhi kung bakit nauuwi sa kamatayan ang mga taong pakiramdam nila ay nawawalan ng pag-asa. Nandyan lang naman ang sagot sa kanilang problema. kung pagninilayan lang nila ng maigi ang kanilang mga dinaranas at nag-iisip ng tamang solusyon, hindi aabot sa ganun punto ang lahat.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon