CHAPTER 38

16.4K 328 14
                                    

" Tita Dyosa!!" agad akong napalingon sa batang tumawag sakin. Sinalubong ko ang nagtatakbong si JD patungo sakin.

"JD Baby!!" pinugpog ko siya ng mga halik. Nasa likod nito sila Kuya at si Lyn Lyn. Wow, hindi ako makapaniwala na magiging dalawa na ang aking pamangkin.

"Kamusta ka dito Ocel? Hindi mo man lang kami naisipan sunduin ah." ramdam ko ang pagtatampo ni Kuya sa kanyang boses.

Truth is, hindi niya naalala na ngayon pala ang dating ng mga ito galing ng Pilipinas. Although matagal na namin napag-usapan na magpapalitan kami ng pwesto ni Kuya. Siya dito at sa Canada, samantalang ako nama'y babalik ng Pilipinas. May kailangan kasi akong asikasuhin sa STcomm.

"Kuya naman, alam mo naman na makakalimutin ako diba." pag-aamin ko.

"Hmp." umirap pa ito na parang bata.Linapitan ko siya at sinundot ang tagiliran.

"Ano ba, Ocel isa."

Sinundot ko ulit.

"Dalawa." hinawakan nito ang aking kamay ng magtatangka akong sundutin siya at nagulat ako ng bigla akong kunyutan.

"Aray ha, masakit yun."

"Kulang pa yan, baka nakakalimutan mong wala ka sa Birthday ni Dad, ano gusto mo dalhin namin dito sa Amerika ang Sementeryo tapos dito tayo magcelebrate." ramdam ko ang pagdaramdam niya sa kanyang mga sinasabi.

I know it's my fault. Ang totoo'y natatakot akong umuwi ng Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit, pero mas pinili kong ecelebrate ng mag-isa ang Birthday ni daddy dito.

"Sorry na kuya." umisod ito at lumayo sakin. nagpout ako. liningon ko si JD na kunot ang noo. wari'y hindi rin maintindihan ang nangyayari samin. Si lyn lyn naman ay tila nagpipigil na mapatawa.

" JD, Inaaway ako ng daddy mo oh."

"Hooy, wag mong idadamay ang anak ko dito ha." sigaw nito.

"JD sinisigawan ako ng daddy mo oh!!" sumbong ko at nag-act na parang iiyak.

"OCEL!!"

"Daddy stop fighting my Tita Dyosa, she's crying na." lumapit ito sakin at ngiting aso ako habang hinahaplos nito ang aking buhok. pero symepre nag-aact pa rin na umiiyak.

"Pambihira." rinig kong bulong ni kuya. Alam ko kung pano siya tumitiklop. Mas alam ko kasing ako ang kakampihan ng anak niya.

" Stop crying na Tita Dyosa, you'r not pretty anymore. Tito Gwapo will not like you na." hinawakan ako nito sa chin at pinahiran ang kunwari kong luha na wala naman.

Pero teka, Tito Gwapo? sinong Tito Gwapo ang sinasabi nito.

" Big Buddy!!" rinig kong boses ni lake.

" Tito Gwapo!!" Para itong nakakita ng pasalubong sa taong dumating at iniwan ako bigla.

So siya si Tito Gwapo niya.

Hinila ni JD si Lake palapit samin. As usual, nakasuot na naman ito ng Itim na suit at nakaneck tie 

Parang nakikita ko tuloy sa kanya ang mga korean star. singkit na singkit ang mga mata nito habang nakikipagbatian kala kuya.

"Ano pre, hindi ka pa rin sinasagot?" matik na nakunot ang aking noo kay kuya. SI lake ay patawa tawa lang.

"Jason tama na yan" Pigil ni ate kay kuya sa pagsasalita.

" Susunduin ko lang muna ang Tita Dyosa mo Big Buddy, may meeting kami eh."

"Agad agad, kararating lang namin dito ah. sino mag-aasikaso samin."

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon