CHAPTER 75

16.5K 422 36
                                    

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...

Binaba ko ang dala dala kong bagahi mula sa taxing naghatid sakin patungo sa pamilyar na bahay dito sa Colorado. Pinagmasdan ko ang mainit na kapaligiran. Pinagpag ko ang aking damit dahil sa mga alikabok sa daan. 

Mula nang malaman ko na buhay ang anak ko kay jocel ay hindi na ako nagdalang isip pa na lumipad patungo ng Colorado. Walang may alam na narito ako kahit sila Cyrus. Gusto kong masiguro na anak ko nga si joss bago pa ako umasa at makita ng matagal ito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na buhay si Joss. Jossafat Salvador. mapait akong napangiti. ni hindi man lang ako binigyan ng respeto ni jocel. Sa loob ng mahabang panahon, nabuhay akong kinokundena ng aking konsensya dahil sa nangyari sa kanya. Buong akala ko ay nakunan si Jocel base sa kwento ni Hillary sakin.

Siguro wala rin alam ang aking namayapang asawa sa tunay na nangyari pagkatapos ang insidente sa restaurant matagal na panahon na ang lumipas.

Pinagmasdan ko ng maigi ang pamilyar na bahay sakin harapan. malawak na ang hardin at maraming mga bulaklak. Mula sakin kinatatayuan ay naririnig ko ang paghalakhak ng bata mula sa loob ng bahay.

Kumatok ako, pero tila walang sumasagot at walang nakakarinig. walang doorbell ang kanilang gate at malayo layo ang pintuan ng bahay sa kinaroroonan ko ngayon. 

Tiningnan ko pa ang buong lugar. Parang gusto kong akyatin nalang ang bakod at pumasok na sa loob. gustong gusto ko nang makita ang aking anak. 

Damn it.. sa oras na makita ko siya ay hindi ko na siya bibitawan pa. Ayokong maging makasarili pero kinuha na sakin ni jocel ang mahigit limang taon buhay ng aking anak na hindi ako kasama.

nakakasama ng loob at nakakangalit dahil hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na makilala ito at gamitin ang aking pangalan.

Kumatok ako ng akong muli pero walang nagbukas. Nagdesisyon akong akyatin nalang ang bakod. bahala na kung meron makakita. Walang makakapigil sakin na makita ang aking anak.

Nakakita ako ng hagdan na siyang ginawa kung tulay. patungo ito a likod ng bahay. medyo nahirapan pa ako dahil marupok ang hagdan na ginamit ko. bitbit ang aking mga gamit ay walang kabaha bahalang tinawid ko ang bakod at nakapasok ako ng likod ng bahay.

Mas lalong lumakas ang tawanan sa loob ng bahay at mas lalo rin lumakas ang tibok ng aking puso. kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang larawan ng aking mga anak. gumawa ako ng collage at nilagay ko ang picture ni Hope at Joss. mabuti nalang at nakahingi ako ng litrato kay Cyrus dahil sa pagscreen shot nito ng kanilang pag-uusap.

There's no question. Anak ko nga ang batang ito. pareho sila ng mga mata ni Hope na kulay bue rin.

Pumunta ako ng pinto. inayos ko ang nagusot kong damit. kumatok ako at natigil sa tawanan ang mga tao sa loob ng bahay.

Maya maya lang ay narinig ko ang pagclick ng lock at pareho kaming gulat ng babaeng ina ng aking anak nang nagkita kami.

"Rafael?" Hell yes..

"Where's my son jocel."nakita ko ang takot sa mga mata nito at kinawit ko ang aking kamay sa pinto para pigilan ito sa pagsara.

//~//

Araw ng Sabado at walang klase si joss. mamayang hapon ay pupunta kami ng mall para mamili ng mga gamit. naisipan ko kasing palitan na ang mga gamit nito sa kwarto dahil lumalaki na ito. 

"Where are you baby?"naglalaro kami ng hide and seek. pagkatapos kung maglinis ng bahay ay wala kaming ginawa kundi maglaro.

Nakita ko ang nakausling paa ni joss. Nasa likod siya ng puting kurtina at natatawa ako dahil akala niya hindi ko siya nakikita.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon