CHAPTER 29

15.4K 310 5
                                    

 "MALING DESISYON"

Huminga ako ng malalim habang binaktas ang hotel para sa dinner sa pamilya nila lake. Sumalubong sakin ang malamig na hangin nanggagaling sa loob. 

"Good evening mam." hindi ko pinansin ang staff na bumati sakin. Ang totoo'y lutang ang utak ko sa mga nangyayari. Mas pinili kong puntahan ang aking ama kesa ang nobyo kong naghanda ng husto sa gabing ito at hayun ay nagtatampo.

This is it. Kelangan kong aminin na sa kanila ang lahat. Wala akong kasamang back up hindi katulad ni kuya. Alam kong mahirap itong gagawin ko pero kailangan kong mamili. at si Rafael, siya ang pipiliin ko.

Sa nangyaring pag-uusap namin ni lake kanina, nalaman ko na walang maidudulot ang pagpapanggap na ginawa namin sa harap ng aming mga magulang. Lalabas at lalabas ang isang maasilumuong katotohanan at hindi namin maiiwasan ang pagsang sang ng amoy nito.

at si daddy, umaasa ako na maiintindihan niya ako. kung hindi niya ako mauunawaan ay bibigyan ko siya ng panahon para mag-isip. Ama ko siya at abot hanggang langit ang respeto at paggalang ko sa kanya. Hindi masusukat ang pagpapasalamat ko sa lahat ng kanyang mga ginawa sakin. Ako ang nag-iisang anak niya na babae at handa ko siyang samahan maging sa kanyang pagtanda.

Pero may sarili akong buhay. may sarili akong desisyon kailangan panindigan. May sarili akong puso na titibok sa iisang tao at hindi sa taong gusto niya para sakin.

nahinto ako ng sabay sabay na napalingon sakin ang pamilya ni Lake at si Daddy. May ilang mga kasama pa ang mga ito na hindi ko kilala. 

" Anak." sinalubong ako ng yakap ni daddy pero hindi nakaligtas sakin ang kanyang bulong.

" Mag-uusap tayo mamaya." mariing bulong nito sakin tenga. Hindi ko pinansin yun at nagpayakag nalang sa paglalakad papalapit sa mga taong hindi ko alam kung totoo ang ngiti para sakin.

Tumayo si lake at lumapit sakin. Walang bakas ng anong pagluha at lungkot rito. He is a great pretender. Hindi ko alam kung san siya natuto. Siguro nasanay na siya na itago ang kanyang tunay na nararamdaman. magaling magaling.

Iniwan ako ni daddy sa tabi ni lake, nasamin pa rin ang mga mata ng mga tao. Inabot sakin ni lake ang bulaklak na dala nito kanina na hindi ko tinanggap. 

Napalunok ako. Sana pala pagpunta ko rito ay lumaklak ako ng dalawang dram ng tapang at paninindigan. O di kaya'y nagpaturok ako ng Anesthecia para maging manhid ang aking pakiramdam sakaling magkanda litse litse na ang lahat.

Ginaya ako ni Lake sa upuan katapat ang kanyang pamilya. nasa gitna ng mesa si daddy at sa dulo rin ng mesa ay isang Chinese na lalaki na hindi ko kilala.

May sinabi ito sa wikang mandarin na hindi ko naintindihan na sinagot naman ni lake ng mandarin rin. Nagtawanan ang mga ito maging si daddy sa sagot ni lake.

Dumating ang waiter para kunin ang order ko. Wala akong ganang kumain lalo pa't naiisip ko si Rafael. Hindi ko na iniisip kong mali o masama itong ginagawa ko. Kasama ko si lake, ang pamilya nito at ang kapartnership ng Salvador Enterprise na sila Mr. Yao. Kamag-anak ang mga ito nila Ate Cheena.

"So Miguel, pwede na ba natin planuhin ang kasal." Si Tita Sonia na uminom ng tubig. Hindi ko napansin na nakawhellchair ito.

" Ma, it can wait. Pakainin muna natin ang mga bata." Ani naman ni Tito Antonio.

" Excited lang ako pa for the wedding. Ang tagal ko rin hinintay na makasal ang ating lake." 

Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagngiti ng anak nito. Hanggang sa unti unti kong maramdaman ang kamay nito sakin daliri.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon