CHAPTER 77

17.3K 426 65
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....

Halos di ako dalawin ng antok ng mahiga ako sakin kwarto knowing na ang lalaking minsan nagpaguho ng aking mundo ay ilang sentemetro lang ang layo sakin. 

Nasa guest room siya pero nagpasya itong tabihan si joss para matulog. 

Mas inaalala ko rin si lake na nastranded sa Brunie Airport. Dapat ay mananatili siya don ng isang linggo dahil sa negosyo nito pero nang sinabi ko sa kanyang nandito si rafael ay hindi na ito nagdalawang isip na umuwi.

Tiningnan ko ang orasan sa katabing mesa. Mag-aalas tres na pero ni wala pang katok ng bisita kong antok sakin isipan. kasalukuyan pa rin nililipad ang aking diwa ng kung ano ang pwedeng mangyari pagsikat ng araw. 

I know I need to face him. pero hindi lang ako natatakot para kay joss. natatakot din ako para sakin puso. Ngayon wala na sa larawan namin si hillary, malamang ay posible din magbago ang aming mga desisyon in an instant. 

at ang mas ikinababahala ko sa lahat ay ang katotohanan magkamali ako sakin mga gagawin. Ayaw ko nang manakit lalong lalo na kay Lake. I gave him my word at gusto kong maging finale na iyon.

Sana man lang ay hindi na ako gambalain pa ni rafael at ipilit ang kanyang sarili sakin. Dahil alam ko, kahit hindi niya man sabihin sakin. The moment we see each other again, I know and I feel it, I'm still in his heart, at ang nakakatawa pa ay ganun din siya sakin.

Nawala ang lahat ng mga nailagay ko ron at nananahan muli ang damdamin ko sa kanya.

Nawala si lake na mas lalong kinakagalit ko sa kin sarili.

//~//

"Mom wake up!!wake up mom!!" naramdaman ko ang paglundag ni joss sakin kama at agad akong nagmulat ng mga mata. nasapo ko ang aking ulo dahil sa  bahagyang pagkirot nito. 

" Hey baby, Good morning." kumunot ang noo ni joss sakin at tumingin ito sa gawi kung san ang pinto. saglit lang din ay tumingin ito sakin.

" Mom it's already afternoon." bigla akong napaupo sa sinabi ng aking anak.

" Oh my god, sorry Anak." sinapo ko muli ang aking ulo at tiningnan ko ang orasan, mag-aala una na. hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip.

"Kumain ka na ba? naku sorry. Halika kakain nalang tayo sa labas." aalis na sana ako sa kama ng makita ko ang pamilyar na bulto ng lalaki sa pintuan ng aking kwarto. 

" Kakabalik lang namin ni joss para kumain. hindi ka na namin ginising dahil baka napagod ka." he smirked at namula ang aking pisngi ng maalala ko ang aking suot.

Shitness.

hindi nga pala ako nagsusuot ng bra kapag natutulog. nakasuot lang ako ng manipis na lingerie na tumatambad ang aking mga biyas.

kinuha ko ang aking kumot at tinakpan ang aking katawan. as if para nga akong nakahubad the way na tinitingnan ako ni rafael.

" Dad want's us to go to the mall. Can we go mom?"  bumaling ako kay joss with his puppy eyes look.

hindi na kami nakaalis ng bahay kahapon dahil sa biglaan pagdating ni rafael.

Dahan dahan akong tumango. " Yes!!" he punched his fist to the air. tumakbo ito patungo kay rafael.

" Nagdala kami ng pagkain. nasa mesa, hintayin ka nalang namin ni joss sa sala." hindi ko namalayan ang pag-alis ng dalawa. shitness to the highest power talaga. This is all wrong.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon