CHAPTER 1

72K 764 17
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..



"Ang Simula..."


"HOOY BAKIT NIYO DINIDIKITAN NG PAPEL ANG KAIBIGAN KO!!! MGA GAGO KAYO HA!!" Bulyaw ko sa mga estudyanteng naghahagikhikan sa gilid. akala ng mga ito ay nakatakas na sila sa mala pusa kong mata.

"Si Jocel, takbo na tayo." Pero hindi na nagawa pang makatakbo ng kanilang leader dahil hinila ko na agad ang suot nitong uniporme.

"Aray aray.." Daing nito.

Napahinto rin ang ibang kasama ng bobong estudyanteng to at sunod sunod ang paglunok.

Nakita ko ang paghawak nila sa kanilang pang-upo na parang naiihi.

Sinubukan akong sipain ng kanilang leader pero nakailag ako, nasapok ko tuloy ng hawak kong baton.

"TANG INA MO JOCEL ISUSUMBONG KITA SA PRINCIPAL!!" Sigaw ng umiiyak na leader nang tinulak ko ito.

"Eh di magsumbong ka, samahan pa kita." Kinuyom ko sa kanila ang aking kamao.

"HOOY TATANDAAN KO MGA PAGMUMUKHA NINYO!! SA ORAS NA MAKITA KONG BINUBULLY NIYO SI ANNA AKO MAKAKALABAN NIYO!! BABALIAN KO KAYO NG MGA BUTO AT ITATALI KO KAYO SA SAKO!! BABALATAN KO PA KAYO NG BUHAY HABANG NAKALUHOD SA ASIN!!" Pagbabanta ko sa kanila na agad agad naman napatango na parang maamong tupa.

"Umalis na kayo, pag magsumbong kayo sa principal, aabangan ko kayo sa labas, tandaan niyo yan." 

Parang the flash ang mga lokong estudyante na nagsialisan sakin harapan.

Nagbuntong hininga ako at binababa ko ang manggas na tinaas ko para paghandaan ang pagbugbog sa mga batang nang-api sa kaibigan ko.

Aba't nilagyan ba naman nang "Anna luga" sa likod ng damit si Anna.

Wala naman luga ang kaibigan ko eh. Ang bango bango niya nga lagi na parang araw araw naliligo sa pabango, tapos ang linis linis. Makinis ang balat tapos maganda ang pagkakaayos ng buhok..

Pagtingin ko naman sa tenga nito ay wala kang makikita ni katiting na tutuli. Mahihiya nga siguro si kuya germs na dumikit sa kanya dahil sobrang linis ni Anna.

Pinagpag ko ang aking bag na nilapag ko lang kung san at pagkatapos ang aking palda.

Haay.. Para naman akong tanga nito sa suot na'to.

Nakasuot ako ng school uniform na abot tuhod. Kulay marron iyon samantalang nakaputing blouse naman ako. nakaneck tie rin na may nakasulat na Saint Claire Academy.

Mabuti na rin ito kesa dun ako sa Exclusive school ng mga maarteng babae.

Ayaw na ayaw ko pa naman don kahit kabilin bilinan sakin ni papa na don ako mag-aral.

Akala nila sakin, 

Kung si kuya napilit nilang pumasok sa school nang mga panlalaki, ako hindi.

Magkauwian na sa probinsya kung mangyari yun.

Yes, iyon ang naging panakot ko kay papa nung sinabi niyang sa Saint paul ako mag-aaral which is exclusive lang sa mga babae, pero the hell I go with that freaking school.

Bukod sa nakakasiwa ang arte ng mga babae, ay wala akong mabubully.

Mahirap na.

Mas mabuting bugbugin ang mga lalaki kesa babae.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon