CHAPTER 7

24.4K 457 7
                                    

 "Her Heartbreak.."

Hindi na ako nakatulog pagkauwi ko ng bahay. Halos hindi mawala sakin sistema ang mukha at anyo ni rafael.

umiikot ang larawan nito sakin isipan kapag pinipikit ko ang aking mga mata.

Diyos ko,

ano ba itong nangyayari sakin?

kahit kasama ko buong gabi si Lake at hawak nito ang aking kamay, nararamdaman ko pa rin ang simpleng pagkiliti ni rafael sakin mga daliri.

tumagilid ako ng higa at yinakap ang aking unan.

pumikit muli pero katulad ng kanina, si rafael ang aking nakikita.

pakiramdam ko rin ay nawawalan ako ng laman loob sakin tyan.

wala ang aking mga instestines, ang aking atay. parang kinain sila ng mga kulisap na namamahay don.

Umilaw ang aking cellphone at tamad kong kinuha iyon.

Unknown # ang nakaregister.

binuksan ko iyon at kusang tumalbog ang aking puso ng mabasa ko ang laman ng text message.

" I can't sleep. I'm thinking of you Jocel. What did you do to me?" 

natutop ko ang aking bibig dahil ayaw kong tumili ng madaling araw.

pero hindi ko kayang pigilan ang mga paro paro na nabulahaw sakin katauhan.

tumaob ako at diniin ko ang aking sarili sa unan.

"AHHHHH!!" kinakagat kagat ko pa ang aking labi.

Shemay!!

kahit hindi ko alam ang nagmamay-ari ng # na yun, I'm sure sa kanya yun.

kay Monteverde.

Kay Rafael Monteverde!!

tumunog muli ang Cellphone ko.

Dali dali akong nag-ayos ng upo at nilagay ko sakin hita ang unan.

" Wag kang tumili, kahit di kita nakikita, alam ko tumitili ka, nakikita ko rin na namumula ang pisngi mo habang binabasa ang text na'to. na halos kalampagin mo ang iyong kwarto dahil pinipigilan mo ang iyong sarili.. I think I like you jocel.. again, what did you do to me?" hinampas ko ang unan sakin ulo at nagtalon talon sa ibabaw ng aking kama.

Shemay ka jocel!!

nakikisabay ako sa bawat pagtalon at paglipad ng mga demonyo sakin tyan.

This is it!!

Gustong gusto ko nga siya....

Umupo akong muli at inabot ang aking cellphone.

Nagtype ako ng marereply sa kanya,

Kagat ko ang aking labi..

" Hindi rin ako makatulog, naiisip rin kita.." binura ko ang message na yun. masyadong obvious. hindi ba ako dapat mag-inarte muna...

nagtype uli ako..

"Matulog kana monteverde, good night.." binura ko ulit. wala man lang akong response sa sinabi nito, baka isipin ng damuhong ito na snob ako.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon