CHAPTER 14

22.1K 392 16
                                    

"Without pain, How could we know joy."

Wala akong ginawa buong gabi kundi ang umiyak. hindi na ako lumabas ng kwarto pagdating ko ng bahay at wala rin akong ganang kumain.

Buong magdamag akong binabagabag ng reyalisasyon nasaksihan ko kahapon. 

pumapalit palit ang bawat eksena sa bawat paghaplos at paghalik ni Dana kay Rafael.

What if nalang kung hindi ako dumating. iyon lang ba ang gagawin nila? o di kaya nagawa na nilang parausin ang isa't isa bago ako dumating?

Ang sakit sakit.

parang pinipiga ang aking damdamin ng pison.

nag-aalala na ang mga katulong sa bahay dahil wala akong tigil sa paghagulhol. tinapon ko rin ng wala sa sarili ang aking cellphone dahil panay ang tawag at text ni rafael.

Ayaw ko siyang makausap.

ano pa ba ang paniniwalaan ko sa kanya.

Ni hindi niya man lang ginalang ang presensya ko at natulala lang. hinayaan niya lang halikan siya ng mukhang huklubang danang iyon.

Tulala akong napatingin sa kisame.

Umaga na at pumapasok na ang araw galing sa bintana. kinakamusta na rin ako ng mga ibon pinapakain ko sa veranda. hayun sila't nakapwesto sa bakal na harang sa terasa ng aking kwarto.

kumakaway na rin sakin ang sun flower na nilagay ko doon. 

Tuwing umaga ay sila lagi ang aking inaatupag. early bird ako kapag nagising., nasanay na ako dahil laging pang-umaga ang aking klase sa college. kaya kahit puyat ako ay nagigising pa rin ako ng maaga.

pero ngayon? bakit nawala ang interes ko na magpakain at mag-alaga ng mga nilalang na normal kong inaalagaan at pinamamalasakitan noon.

Nawala ang gana kong tumayo at maligo, pumasok sa trabaho at magtrabaho.

Nawala ang mga bagay na iniisip ko tuwing nagigising ako. ang musika, ang panlasa, ang mga magaganda kong nakikita ay tila di kayang magbigay ng motivation sakin.

Ano bang nangyari?

Ano nga ba ang nangyayari?

Nagkaron lang ako ng boyfriend nakalimutan ko na lahat.

Ano to..

kalokohan!!

Hindi maari.. kailangan bumalik ang dating Jocel na masigla at masaya.

Ang Jocel na matapang at hindi tanga,

Tanga!! naloko ka na nga eh, kaya tanga ka na!!

sigaw ng isang bahagi sakin utak.

napaupo ako at tumambad sakin harapan ang salamin at ang aking mukha.

parang nilagyan ng tubig ang eye bag ko dahil sa sobrang laki niyon. maga pa ang aking mata at gulo gulo ang aking buhok.

Not the usual look that I have when waking up every morning.

Napapout ako.

ito ba!!

ito ba ang nagagawa ng taong umiibig at nasasaktan!!

ito ba ang kapalit ng katangahan ginawa ko!!

kaya ayaw na ayaw kong mainlove eh. kasi napapabayaan ko ang aking sarili.

napapabayaan ko ang lahat ng mga bagay at tao na nakapaligid sakin.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon