ika- apatnapu't anim

Magsimula sa umpisa
                                        

           
                                        ..Anton...

Nanginginig akong napaupo sa gitna ng walk in closet ko! How could you do this to me Anton! I hate you! lalo mo lang pinaparamdam sa akin na hindi ako nararapat seyo! You loved me too much kahit sakit lang ang sinukli ko sa lahat ng pagmamahal mo!

Mas lalo mo lang pinaramdam sa akin ang pagsisi na pinili ko yung tama. Mas lalo mo lang pina alala sa akin kung gaano kita kamahal! Mas lalo mo lang pinaramdam sa akin yung sakit na pinili ko si Raj! Damn you!

"Bree.." I got stiffened when I heard Raj voice outside. Shit! Mabilis kong pinalis ang luha ko at inayos ulit ang sabog sabog na itsura ko. Bakit kasi hindi ko binigyan ng panahon ang envelope na ito? Or I was just really scared to see what's inside, maybe.

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto. "Hey.." bati ko. Nag iwas agad ako ng tingin ng mapansin ko ang mapanuring mata ni Raj na titig na titig sa mukha ko.

"Uh, happy birthday.." he said, confused. Then he handed me a bouquet of flowers. Kahit nalilito siya ay hinalikan niya pa din ang noo ko. Ngumiti ako at tinanggap yung bulaklak sabay iwas ulit ng tingin. "Thanks, Raj." sagot ko.

Tahimik kaming bumaba ni Raj sa sala. Nagulat pa ako ng madami dami na ang tao sa baba. Napatingin pa ako sa wrist watch ko and sighed. It's  almost lunch.

"Happy birthday, Bree.." salubong ng mommy ni Raj. Ngumiti ako at bumeso. Hindi pa nakalagpas sa akin ang mata ni mommy na sinusuri ako. Mabilis akong ngumiti pero titig na titig pa din si mommy sa akin.

"Thanks, tita." sagot ko.

Panay ang greetings sa akin ng ibang friends nila mommy. Dumating pa sila tito Draco at tita Kristel na nasa sala ngaun para sa meeting nila sa DFAC. How will I tell them that there's no need to find investors? Kasi isinoli ni Anton lahat!

"Anak!" napatingin ako sa kitchen kung saan galing ang boses. Then I saw nanay Ester wearing apron while holding some veggies. Napauwang ang bibig ko. Napatingin ako kay mommy na nasa tabi niya at nakangiti sa akin.

"Nay!" halos takbuhin ko ang pagitan namin.. Lumawak ang ngiti ko ng makita ang pamumula ng mga mata niya.

"Happy birthday, Astrid.." nanginginig pa siya ng bigla ko siyang yakapin. Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung para saan ang luha ko pero parehong sakit at saya ang nararamdaman ko.

"Mommy," napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Alam kong magiging masaya ka.." sagot ni mommy Sasha.

"Pwede naman dalawa kaming nanay mo diba?" she said.. Her voice bit croaked. Sa sobrang saya ko ay pareho  ko silang niyakap. "Salamat mommy.. Salamat nay.." masayang masaya ang nararamdaman ko pero patuloy ang pagluha ko.

"Shhh... Stop crying.." sagot ni mommy habang pinapalis ang luha ko. "Are you okay?" tanong niyang nag- aalala. Ngumiti ako ng tipid at tumango pero alam kong alam ni mommy na hindi ako okay. By the way she looks at me? I know she knows.

Dumami ang bisita kaya abalang bala sila mommy. Minsan.. Natutulala pa ako kakaisip nang sulat na iniwan ni Anton. Damn.. I miss him..

"I'm leaving this afternoon. I guess you  can't join me to the airport?" salita ni Raj. Napatingin ako sa kanya habang gulat na gulat. "Mamaya na ba yun?" tanong ko. God! Bakit ba hindi ko na matandaan ang mga bagay na importante kay Raj! 

Kumunot ang noo ni Raj. I saw pain na mabilis din nawala. "Yes." tipid na sagot niya. Shit talaga! Nakakaguilty naman yung mga mata niya!

"Bree!" isang sigaw ni Rosie na engrandeng pumapasok sa main door. Nalaglag pa ang panga ko ng makita ko ang batang dala niya na nasa tyan palang niya noon.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon