"Bree.." binasag ni mommy ang katahimikan. Pinilit kong maging matatag.
"I'm sorry.." tumakbo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kitang kita ko ang pagpula ng mga mata ni daddy at Kaio na parehong nag iwas ng tingin.
"I'm sorry for being a bad mother to you... For being a hindrance for your happiness. Nabulag ako sa galit." she said. Parang nadudurog ang puso ko sa sincerity ng boses ni mommy. Mabilis kong pinalis ang luha sa mata ko.
Lumuhod siya sa harap ko. I was stunned. Ni hindi ako makagalaw sa ginawa niya.
"Hindi ako masamang tao anak. But then, I'm not also a saint. Nung nalaman ko na ikaw ang anak ko ay kasabay ng gulat ay sakit. I know I can't justify what I did to you pero gusto kong maintindihan mo ako." she cried. Unti unti akong lumuhod at inangat si mommy pero ayaw niya.
Hindi ako tumayo. Tila ba hirap akong huminga dahil sa pagpipigil ng luha.
"Why did you lie to me?" tanong ko. Inikot ko pa ang mata ko kay daddy na malungkot na nakatingin sa akin. But then.. Wala naman silang ginawa masama sa akin. I remember how daddy sacrificed everything for me.
"I didn't. You just don't want to listen to me." si Kaio. Nag iwas ulit siya ng tingin. He's right. Maybe he tried to tell me pero ako lang talaga ang may ayaw.
Nang napatingin ako kay mommy ay kitang kita ko ang sakit at pagsisi sa mga mata niya. "I did." sagot niya. Tumango ako at hindi na mapigilan at pagtulo ng luha.
"I was so angry when I've learned that Celine tricked us. Hindi ko matanggap na naghirap si papa na wala akong kaalam alam. I was guilty until now. Hindi ko iyon matanggap." huminahon ng bahagya si mommy pero hindi pa din siya tumatayo.
"Nang nalaman ko na mahal mo ang anak ng taong kinamumuhian ko ay lalo akong nagalit. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan at niloko ako. I never liked Anton because of his mother. Hindi na ako nakapag isip ng tama dahil sa galit. Maybe.. Your dad was right. I don't want justice. I want revenge." yumuko si mommy habang umiiyak. Tila ba nahihiya siyang aminin ang totoong nararamdaman niya.
"Nagalit ako seyo.. Nagalit ako sa sariling anak ko dahil pakiramdam ko ay mas pinipili mo sila kaysa sa amin. Pakiramdam ko ay pinipili mo sila dahil wala kang pakialam sa amim dahil hindi ka naman sa amin lumaki."
"No!" agap ko. Hindi iyon totoo!
Tumango si mommy. "I know. I'm sorry." pagod niyang sabi.
Tumulo ang luha ko. Unti unti, naiintindihan ko si mommy. Tinatanggpap lahat ng paliwanag niya.
Kinalma ko ang sarili ko. Gusto ko itong itanong noon pa man pero wala akong lakas ng loob.
"Do you prefer Lucille over me?" nabasag ang boses ko. Mabilis na nag angat ng tingin si mommy. Si daddy naman at Kaio ay sabay sumagot ng "no".
Umiling si mommy. "Kasi po.. Pakiramdam ko ay mas mahalaga pa si Lucille sa inyo mommy. Hindi niyo po nakita ang pagmamahal ko sa inyo coz you were never there for me. Palagi kayong pabor kay Lucille. Pati pagnanakaw niya sa company ay pinagtakpan niyo. Paano niyo po makikita ang pagmamahal ko sa inyo kung sa iba kayo nakatingin?" pumiyok ako. Hindi ko na nakaya na tuluyan umagos ang luha ko.
Umiling si mommy at tuluyan bumuhos ang luha. "Lucille was with us for so many years. Alam kong mali ako sa parte na ito sa pagiging ina seyo. Nanay ako anak, hindi na iba si Lucille sa akin. She's spoiled and brat. Nang nalaman ko na ikaw ang totoong anak ko ay masaya ako. Maniwala ka man o hindi. But then.. There's Lucille who needed more of me. Binigay seyo ang lahat. Pero siya... Walang natira. Alam kong mali ang ginawa ko pero sana maintindihan mo ako na minahal ko din ang bata na tumayong ikaw nung wala ka pa sa buhay namin." umiyak sa mommy tila ba ang sakit sakit ng parte na ito sa buhay niya. Kahit nasaktan ako. I perfectly understand mommy.
Si Lucille ang umasa sa lahat ng meron ako. But then.. Hindi ko pa din mapigilan hindi masaktan. Kung tuusin, pareho lang kaming biktima ng situation.
"Pinagtakpan ko siya kasi akala ko ay iyon ang tama. Ayokong maramdaman niya na walang natira sa kanya. But then..hindi ko naisip na habang kinakalinga ko siya.. Nawawala ka sa akin. I'm sorry sa lahat.. Patawarin mo ako kung naparamdam ko na mas mahal ko siya kaysa sa iyo. Mahal kita Astrid.. Mahal na mahal kita anak.." she cried hard this time.
Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak. I get her point of everything she did. Wala naman perpekto. Hindi ko man siya maintindihan ng lubos dahil hindi pa ako nagiging ina. But then.. Sino ako para magmalaki sa magulang ko? Magulang ko na nagkamali pero nagsisi? Ang importante ay natuto siya at tinanggap ang pagkakamali niya.
Pamilya ko sila.. Mahal ko sila.. I can love them without limits.
"Mommy," I held her hands. Dahan dahan akong tumayo at itinayo si mommy na puno ng luha sa mata.
"I forgive you po. Mahal ko po kayo kasi mommy ko kayo.. Mahal ko po kayo kasi pamilya ko kayo.." salita ko sabay yakap kay mommy na lalong bumuhos ang luha.
Kitang kita ko ang pagod na ngiti ni daddy at pamumula ng mata. Si Kaio din ay tahimik na at panay ang pahid sa mga mata. When I hug mommy. Tuluyan ng lumapit si daddy at Kaio sa amin para makiyakap.
"I'm sorry anak.. We're sorry for everything." si daddy sabay halik sa ulo ko. Ngumiti lang ako at yumakap sa kanya. Si Kaio ay nakayakap naman sa amin. Hindi ko akalain na sa lahat ng sakit na dinaanan ko mula sa pamilyang ito. Sila din pala ang gagamot lahat ng sakit na natamo ko.
At least, sa lahat ng desisyon ko. Ito na yata ang hinding hindi ko pagsisihan.. Ang magmahal ng walang katapusan.. At magpatawad ng pa ulit ulit..
"Lets start again... Haharapin natin ang mga problema bilang pamilya." sabi ni daddy. Tumango ako kasabay ng ngiti at luha ng kasiyahan.
Nang nakalma na kami ay tumahimik kaming apat.
"I'm so proud that you've grown so kind. I was wrong for putting my anger towards Enstrancia. I should thank her instead." marahan hinimas ni mommy ang buhok ko.
"Hindi pa naman po huli ang lahat mommy." sagot ko. Tumango siya sa akin.
"By the way.. Paano po kayo nakalabas?" tanong kong naguguluhan. Nagkatingin si mommy at daddy. Huminga ng malalim si daddy. "Anton dropped the case." sagot ni mommy.
Napauwang ang labi ko. He did? Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin. I know mommy's watching me closely.
"Bree..." nanginig ang boses ni mommy habang malungkot na nakatingin sa akin.
"We're done mom." nanginig ang boses ko hanggang tuluyan na akong umiyak. Akala ko hindi na ako maiiyak pero masakit pala talaga. Nagulat ako ng mabilis akong niyakap ni mommy. Something I was dreaming for a long time. Ang maramdaman ko si mommy.
Tahimik akong umiyak sa dibdib niya. Hindi ko akalain na pwede pala akong mabuo kasabay ng unti unting pagkakawasak.
"I'm sorry.." damang dama ko ang sakit at pagsisi ni mommy. Kahit ang sakit.. Hindi pa din maiwasan na may parte sa puso ko ang sumaya. I lost Anton but I have my mom.. My family with me. We can't hold two things at once right?
Huminga ng malalim si mommy at iniangat ang baba ko. "If you love him. I will let you... Susuportahan kita. I was so selfish back then. Hindi ko manlang inisip yung nararamdaman ng sariling anak ko. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko." sakit ang bumalot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. If she said this years ago... Siguro hindi na kami umabot sa ganito. But then, everything was done. Hindi na maibabalik ang tapos na.
"I'm in a realtionship with, Raj po." mahinang sagot ko. Natahimik si mommy at napayuko. Halatang halata na guilty sa situation. Though, I don't blame her at all. Being in a relationship with Raj is my choice.
"Bree.." namamaos na salita ni mommy.
"We don't have any strings now mom. Pinutol ko na po ang lahat. We're done." mapait kong sabi. Umiling si mommy at huminga ng malalim. She gently caressed my cheek.
"You still have strings with him, Bree." she said seriously. Nalilito akong tumingin sa kanya. For the first time... I saw so much sympathy, love and care in her eyes towards me.
"Po?" tanong kong naguguluhan.
"Here.." tinapat niya ang kamay niya sa dibdib ko kung saan mabilis na tumitibok ang puso ko. With that... I instanly hugged my mom and cry hard.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika-apatnapu't lima
Start from the beginning
