His jaw immediately clenched. "It's not my problem anymore. Pera ko iyan at babawiin ko kung kailan ko gusto. " salita niya. Wala talagang bakas ng kahit anong emosyon. He's merciless!
"Bree, enough." si daddy. Napatingin ako sa kanya at umiling. "No, dad! Pinaghirapan ito ni lolo John, e." nanghihina akong napaiyak sa sobrang pagkabigo.
Gusto ko nalang matapos na ito. Pero kung hindi talaga mapipigilan si Anton. Maybe, I should accept the defeat.
"I'm sorry... I know it's my fault.. Patawarin niyo na ako. Patawarin mo na ako." sising sisi na salita ni mommy. Napatingin ako sa kanya na gulat pero kay Anton lang siya nakatingin. Galit at poot ang mga mata ni Anton na nakatingin din kay mommy.
"Took you long enough to accept your mistakes, ma'am." tila ba nanginig ang boses ni Anton pero nanatili pa din siyang malamig. What the hell is happening? Hindi ko sila maintindihan.
"Nirespeto ko kayo dahil kay, Astrid. Because you're her mom. Because you are her family. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kaya niyong saktan ang sariling niyong anak." Anton looks confused, hurt and angry. So many emotions he's holding all at once.
"I claimed your mistakes years ago. Hindi ko lang matanggap that you fed her with lies. Bakit sinasabi ni Astrid na ako ang nag iwan sa kanya?" napalitan ng sakit ang mga ni Anton na nawala din agad. Lalo akong nagulo sa pinag uusapan nila.
"I'm sorry.." bumuhos ang luha ni mommy at panay ang sorry. Wala na siyang masabi kaya lalong dumilim ang mata ni Anton. Kita mo din ang dissapointment sa mukha niya habang nakatingin kay mommy.
May kung anong tinawagan sa intercom si Brent kasabay ng pagpasok ng mga pulis sa conference room. Napaayos ng tayo si daddy habang umiyak na ng tuluyan si Lucille at mommy.
"Wait, bakit may pulis?" singit ko. Tumingin lang ang kambal sa akin sabay balik ng tingin kay mommy at Lucille.
"Hindi na kayo nakutento na binaril niyo si, Astrid. Pinagtakpan niyo pa ang ampon niyo para nakawan ang company ng sariling anak niyo." mahinahon at seryosong seryoso si Anton.
Wait, what? Alam kong ninakaw ni Lucille ang pera. I just don't have enough evidence. I can't believe na tinulungan siya ni mommy. Kahit alam kong posible, nagduda pa din ako. How.... Dismayado akong napatingin kay mommy.
Kumunot ang noo ni daddy habang dismayado din nakatingin kay mommy. I know how important Lucille para kay mommy. Pero sana naman, inisip niya muna ang mga ginawa niya!
"I'm sorry.. I never wanted to shoot, Bree. Hindi ko sinasadya. Hindi niyo din ako maiintindihan kasi hindi kayo naging ina." pinunsan ni mommy ang luha niya at tumingin sa akin. "I'm sorry, Bree. I'm sorry for everything. I'm sorry for taking you forgranted.." hindi na makasalita si mommy sa sobrang pag iyak. Lugmok na lugmok ang itsura ni niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero nasasaktan ako na alam ni mommy ang lahat ng ito.
"Get them." isang salita ni Anton at tuluyan ng kumilos ang mga pulis. Si daddy ay napalapit na kay mommy habang ako ay nawalan na yata ng lakas sa dami ng pumapasok sa utak at dami ng nangyari.
Buong puso na ibinigay ni mommy ang mga kamay niya sa pulis at ganoon din si Lucille. Hindi sila umalma. Tumulo ang luha ko ng makita ang pagsisi kay mommy habang pinoposasan ang mga kamay niya. Kahit ano pa man ang nagawa niya ay mahal ko pa din siya. Mahal ko siya dahil mommy ko siya. Mahal ko siya dahil pamilya ko siya.
I want to get mad her pero gusto ko pa din intindihin ang mga rason niya. Besides, pagod na ako magalit.
Tulala ako at hindi makagalaw ng makalabas na sila. Madaming tao ang nagkakagulo sa labas kaya sinarado ni Brent ang pinto ng conference room.
Pagod kong binalingan si Anton na nakatingin lang sa akin. "Masaya kana?" tanong ko habang pinapalis ang mga luha. Nagagalit ako kay mommy, oo! Pero pamilya ko siya at kaya ko siyang patawarin sa kabila ng pangbabaliwala at pananakit niya sa akin. That's what family do right?
"I'm sorry." pagod din niyang sabi. Umiling ako. "If you are really sorry.. Tigilan mo na ito. I never asked you to do this for me. Palayain mo nalang sila mommy. Kahit bumagsak na ang company ayos lang.. Palayain mo lang sila mommy..." halos magmakaawa ako.
"They need to learn, Astrid. She needs to learn. Someone need to teach them a lesson." malumanay na salita ni Anton.
"Hindi ako si, Astrid." sagot ko.
Huminga nang malalim si Anton "You still are. You may look like Bree, but your heart is still my, Astrid.."
Unti unting naglakad palapit sa akin si Anton. Marahan niyang ini-angat ang baba ko para magpantay ang mga mata namin. "You changed physically, a lot. But you're still the nicest, forgiving, and selfless person I've known." hinawi niya ang buhok kong puno ng luha na nakakalat sa mukha ko.
"Kaya mo bang magsakripisyo para sa kanila? Like you always do?" hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Anton. Of course I can! They are my family! I will sacrifice anything for them.
Hindi ko naman kailangan maging masama kung naging masama sila sa akin. They are still my parents, my mom, to look up too. They still deserve my respect. Kasi, wala din ako dito sa mundo kung hindi dahil sa kanila. People makes mistakes, wala naman perpekto. I even made mistakes. Sino ako para husgahan ang pagkakamali ng iba?
"Answer me, baby.." he said huskily. Kumalabog ang dibdib ko sa pagsusumamo sa boses ni Anton.
Hindi ko namalayan na tumatango ako sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Anton na tila gulat. Tumaas ang kilay niya at mapaglarong ngumisi."I'm giving you two choices, ibabalik ko lahat seyo. Your company. Your dad's company. Your mom's freedom. Everything." seryosong sagot niya.
Really? What are my choices then?
"Ano yung choices ko?" pagod kong sabi. Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Anton. I just want to finish this and move on.
Pumikit si Anton ng mariin. Pagdilat ng mga mata niya ay napuno ito ng pag asa at sakit. "Marry me or Marry me.." his voice is full of sincerity.
Isang tawa ni Brent ang umalingawngaw. Kasabay ng tawa ni Brent ang saya at sakit na naramdaman ko. Mas nangibabaw ang sakit sa akin. He's still clever! Ever since he's clever!
"Nasaan ang choices jan?" mahinahon kong sabi. "You think I'll marry you after everything? Pagkatapos mo ako iwan? Pagkatapos mo akong saktan? I don't want to go through that pain again, Anton." nanginginig na salita. And besides, may isang tao ako na ayaw kong saktan.
Huminga siya ng malalim tila ba may gustong sabihin but he's still holding it back. Pumikit siya ng mariin at napuno na naman ang sakit ang mga mata. Tumango siya, with his bloodshot eyes, then he turned his back on me.
Umiyak akong napasalampak sa sahig sa sobrang pagod, panghihina at sakit. How could mommy do this to me? Bakit mas lagi ang sympathy niya kay Lucille? Mahirap ba akong mahalin at tanggapin bilang anak? Mahirap ba na ako naman?
And Anton gave me a ridiculous choices! I admire his guts for asking me to marry him while everything is messed up. Pero iba na ngaun ang situation. He just can't ask me to marry him! Baliw ba siya? Kung tama lang ang situation. Maybe, I would say yes.
"You wanna know what happened four years ago?" napatingin ako ng lapitan ako ni Brent. His eyes were sad for me. Paano siyang magiging malungkot kung siya mismo ang isa sa nagpabagsak sa amin.
Nagdadalawang isip ako kung gusto ko bang malaman o hindi dahil tapos na ito. But then, gusto ko din maintindihan si Anton. Gusto kong maitindihan ang nagyari noon at ganito ang nangyayari ngaun. Tumango ako. Tumalungko si Brent at inabot ang kamay ko para tulungan akong makatayo.
"Come with me. I'll tell you everything." salita niya tsaka ako hinila palabas.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika apatnapu't dalawa
Start from the beginning
