"Si Brent Iverson Ibañez, siya ang bagong major stock holder ng DFAC. And what's worst is he pulled out all of his stocks.."
"What?" Oh, my, God! Bakit pati DFAC dinamay ni Anton? What the hell is he doing?
"Dad, I'm sorry.." salita ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry pero feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.
"No, Bree.. I'm sorry.. I'm sorry, Luther." panay ang iyak ni mommy. Kumunot ang noo ko. Si daddy ay malamig lang na tumingin kay mommy at umiling.
Naging tahimik kami. Para kaming nagluluksa at namatayan. How could the brothers do this to us? Hindi ko na talaga alam.
Tumunog ulit ang cellphone ko. Hindi ko na sana ito papansinin pero si Akira ito.
"Ma'am.." tono palang ng boses ni Akira ay alam kong problema na agad. Hindi muna ako sumagot. Hinanda ko muna ang sarili sa sasabihin niya.
"Spill." sagot ko. Dinig na dinig ko ang ingay sa likod at ilan umiiyak.
"Mr. Anton Isaac Ibañez is pulling out his shares right now, ma'am."
"Ano?!" napasigaw ako. Hindi ako nagulat na gagawin niya iyon. Nagulat ako dahil ganito ba siya kagalit para pagsabayin pabagsakin ang dalawang kumpanya ng pamilya ko?
"What happened, Bree?" sabay na tanong ni mommy at daddy. Napatingin pa ako kay Lucille na mabilis umiwas ng tingin.
"Anton's pulling out his shares." yung lang ang nasabi ko. Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan. Nadinig ko nalang ang pagsunod nila mommy at daddy.
"Sasama kami.." salita ni daddy. Hindi na ako umalma, hinayaan ko nalang sila na sumama. Nalito pa nga ako ng sumama si Lucille. It's fine. I don't have the strenght to notice other things now.
Panay ang iyak ni mommy at hingi ng sorry habang nasa byahe kami. I don't understand why she's so sorry. Ang iniintindi ko ngaun ay pagbagsak ng company.
"Payback time, Sasha.. Stop crying! You wanted this!" sarcastic at galit na salita ni daddy kay mommy. Lalong bumuhos ang luha ni mommy at hindi na nagsalita. What are they talking about?
Nang makadating kami ay madami nang tao sa labas ng company. Some of our employee's are crying. Some looks confused, and some looks angry.
"Ma'am.. Mawawalan po ako ng pangkabuhayan kapag nagsara ang company." salubong ng isang matandang babae. I know her! Nakikita ko na siya dati dito.
Hindi ako makasagot coz' even me, hindi ko alam kung maisasalba ko ito. Sinalubong kami ng natatarantang si Akira. Tahimik lang naglakad si daddy habang umiiyak na nakasunod si Lucille at mommy.
"Nasaan siya?" tanong ko kay Akira.
"Conference, ma'am." Sagot niya.
Pinaghalong sakit at dissapointment ang nararamdaman ko. Hindi para kay Anton kundi para sa sarili ko mismo. Sakit dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Anton. I really don't get his logic. Disappointment, para sa sarili ko dahil pinabayaan ko ito noon.
Nang makapasok kami ay nandoon si Brent, Anton, at isang lalaki na nakasuot ng suit. Madilim ang mga mata nila ang sumalubong sa amin. Walang expresyon at parehong nakahalukipkip.
"What the hell are you doing?" bungad ko. Hindi ko na ininda kung kasama ko sila mommy. Tahimik ang kambal sa pagsigaw ko. Tila ba wala silang pakialam kung ano man ang sasabihin ko.
"Bakit binili mo pa ang shares kung babawiin mo din? Hindi mo ba naisip ang mga taong mawawalan ng trabaho? Mga taong mawawalan ng ibubuhay sa pamilya? Ganyan kaba ka walang puso, Anton!?" sigaw ko.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika apatnapu't dalawa
Start from the beginning
