ika apatnapu't dalawa

Start from the beginning
                                        

"Wrong. You really don't know him then. Sa lahat, you should know that hurting you is the last thing he will ever do to you. Or baka nga wala iyon sa bucket list niya. " makahulugan salita niya sabay ngisi at saka ako tinalikuran.

Ugh! Hindi ko alam kung nakabuti ba na nakausap ko si Brent o sana ay hindi nalang. Ano ang ibig niyang sabihin? I know Anton's capability. And obviously, pabagsak na ako ngaun.

I don't believe that he wont hurt me. Bakit nasasaktan ako ngaun? Bakit pinapabagsak niya ang company? Diba sapat na rason na iyon para masaktan ako?

Tahimik kong nilapag ang bulaklak sa puntod ni lolo John. Sa panahon ngaun, alam kong si lolo John ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako at pinabayaan ko kung ano man ang ibinigay niya. He trusted me with all the things he gave me.

"Lolo," my voice croaked. Alam na alam kong iiyak ako pero binigay ko ang makakaya ko para hindi umiyak dito. Coz' I believe, he just here, watching me.

"I'm sorry.. I failed you.." marahan kong hinimas ang mga letra sa lapida niya.

"I'm sorry kasi nangyayari ito ngaun sa pamilya. I'm sorry that the family you tried to keep is still broken now. I'm sorry po.." Naalala ko pa noon ang mga sakit na dinala ni lolo para mapanatili ang pamilya. Pero bakit hanggang ngaun watak watak pa din ito?

We're living together pero meron pa din pader sa amin. Lalo na sa amin ni mommy.

"Please, lo. Kung naririnig mo po ako, give me strenght to surpass everything.. kasi malapit na din po akong sumuko." pinusan ko ang luha ko. Napapikit pa ako ng mariin ng malakas na humampas ang hangin. Kasabay ng hampas ng malakas na hangin ay ang panlalamig ko.

"Carry on.." tila ba bulong ng hangain. I smiled and wiped my tears. I know it's lolo John.

Ilan minuto akong nakatulala sa puntod ni lolo ng biglang tumunog ang cellphone ko. I hesitantly answered the call. Si daddy.

"Bree," bungad ni daddy. He sounds tired and problematic.

"Bakit po?" tanong ko. Kinakabahan.

"Go home.. I need you now." sagot niya. Hindi ko na alam kung binaba ba ni daddy ang tawag o ako pero ang alam ko ay nakasakay na ako ng sasakyan at mabilis na nagdrive.

Never akong tinawagan ni daddy kahit alam kong may problema siya. Ni hindi nga siya nagsalita sa akin nung iniwan niya si mommy noon. Well.. Hindi ko din alam kung okay ba sila ngaun. Naguusap naman na sila ngaun. Yung lang ang alam ko.

Mabilis lang akong nakarating sa mansyon. Kinuha ng driver ang susi para ipark ang sasakyan ko na hindi ko na naiparada ng maayos.

Nagmamadali akong pumasok sa bahay. Nadatnan ko agad si mommy at si Lucille na umiiyak. What the fucking fuck is happening?

Napatingin sa akin ang dating Bree, hindi ko siya binigyan ng pansin. Si daddy ang hinanap ko na naabutan kung umiinom ng alak.

"Dad, ano problema?" tanong ko, nag- aalala.

"I failed to save our company, Bree. Nakuha na din nang iba."

Umuwang ang labi ko sa pagtataka at gulat. Nang naabsorb ko ang sinabi ni dad ay napatakip ako ng bibig.

"The DFAC? What happened, dad? Sino ang nakakuha? Can you enlighten me?" sunod sunod na tanong ko. Bigong bigo si daddy habang ako ay nanghihina na din sa mga nangyayari.

"The company was abandoned when we live in US. Walang umasikaso. When we came back, no one noticed that there's one person secretly buying some stocks."

No! Don't tell me... "Dad," nanginig ang boses ko.

Hindi ko nakita na mahina si daddy. Kahit noong nag away sila ni mommy at naghiwalay ng landas ay hindi siya naging ganito. Ngaun lang.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now