ika apatnapu't isa

Start from the beginning
                                        

"You know, lets the cut the crap." sagot ko. Naiinis ako dahil lumalambot ako sa mga mata niyang malamig. "Why did you buy the shares?"

Nagulat siya pero hindi niya pinahalata. "Because I can?" sagot niya. Ugh! He's so arrogant!

Unti unting nabubuhay ang inis at galit ko sa kanya. He doesn't not want a real talk. He's here to annoy me.

"I know you can.. Bakit dito? Bakit hindi sa iba? You sell it to me! I will buy it to you triple the price you bought it!"

Umalingawngaw ang tawa niya sa buong conference room. Pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko sa tawa niya. Hindi nakakatawa ang sinabi ko. But with his laugh? Parang nakakatawa at nakakahiya ito.

"Finders keepers." kibit balikat na sagot niya! He's being an asshole! Damn him!

"Damn you!" sagot ko. Nawawala ako sa katinuan sa inaarte ni Anton. Is this a game for him?

Nanliit ang mga mata niya at nag igting ang panga. "When did you learn to curse?" tila manghang mangha siya. 

"Ngaun lang!" sagot kong naiirita. You want an ass talk. I will it give it to you.

"Babawiin ko seyo ang stocks, Anton. This talk is going nowhere. Sayang ang oras ko seyo!" Tumayo ako. Natigilan lang ako maglakad ng hinampas ni Anton ang table kaya napasinghap din ako.

"Really? sayang? Kaya iniwan mo ako and gave in to other motherfucking guy? Umalis ka at nakipagrelasyon kay Raj?" Galit na galit siya at pulang pula ang mga mata. I was speechless. I never saw him this mad and emotional at same time.

Kumulo ang dugo ko sa pagpipilt niyang iniwan ko siya! "Hindi kita iniwan!Ikaw ang nang-iwan sa akin! Ang kapal mo! Yes. I chose Raj over you coz I don't deserve you! And its pretty obvious that Raj is the one who really deserves me. Ano pinaglalaban mo? It's done. Napatawad na nga kita eh. Bakit ikaw pa ang galit sa akin ngaun?" marahas kong pinusan ang mga taksil na luha ko na ayaw paawat sa pagpatak.

Nagulat ako ng tumayo siya. Unti uting lumalapit sa akin. There's no coldness in his eyes. His eyes are literally in pain and crying. His eyes is showing his broken soul. Nanghina ako sa bawat patak ng luha ni Anton na hinahayaan niya lang. Tila ba nawalan ako ng lakas na makita ko siyang umiyak.

"Why are you so mad at me? Sa atin dalawa, I should be the one who should be mad here. You left me. We promised to fight together but you left me. Ikaw ang  nang iwan!" he shouted. Napatulala ako sa kanya sa burst out niya. Kung galit ako ay mas galit siya.

Umiling ako ng umilng. "Hindi kita iniwan. And you are doing this for revenge?" tanong ko ng nakabawi. Malapit na malapit na si Anton sa akin. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

"Yes." sagot niya. Isang sampal ang binigay ko sa kanya na nagpapikit ng mariin sa mga mata niya.

"Hindi ka mananalo! I'm not the same weak and naive girl you've known."

Tumango siya habang pulang pula ang mga mata. "I can see that. And honestly, I'm so proud that you've grown and learned a lot." bumuhos ang luha ko. Tila kasi tumagos sa puso ko ang sinabi niya.

Huminga siya ng malalim at napuno ulit ng sakit ang mga mata."I'm not doing this for me. I'm fucking doing this for you!" sigaw niya. Hindi ko maintindihan kung bakit puno siya nang panunumbat at galit. Lalong tumulo ang luha ko sa mga sinasabi niya.

Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit. Wala na yung sakit, e. Diba tinanggal ko na iyon sa sarili ko? Bakit eto na naman sila?

Hindi ako makapagsalita. Tumingala si Anton ng bahagya at hinilamos ang mga palad sa mukha. He looks tired. "I don't understand what did they tell you years ago at sinasabi mo na ako ang nang iwan noon." huminahon siya ng bahagya.

"Kasi ikaw naman talaga!" salita ko.

Umiling si Anton. "I'm willing to catch a bullet for you. I'm willing to fight for you. I even waited for you to love me too. Coz' obviously, I'm totally smitten to you. You think kaya kitang iwan?"

Umiling ako at pinusan ulit ang luha ko na ayaw magpaawat! 

"Lets stop this, Anton, please. I have my life now and I'm contened with what I have. Pagod na ako." mahimahon kong sabi.

Umayos si Anton ng tayo.. Napatingin ako sa kanya. Nagbago na din siya. He's something unreachable. Na parang kahit malapit ako ay hindi ko maabot. Bumalik ang panlalamig ng mga mata niya. Halos tumayo ang balihibo ko sa libo libong emosyon doon na hindi ko na makayanan tignan.

"Is this what you want? Being contented but not really happy?" tanong niya.

"I'm happy." sagot ko.

Sakit ulit ang dumaan sa mga mata niya tsaka ako iniwasan ng tingin. "Remember what I've told years ago? The night when everyone accused and humiliated you?"

Kumunot ang noo ko. Inalala ang pangyayari,  that was Betina's birthday?

"Yung mundo nila, gagawin kong mundo mo. Lahat ng susubok na saktan ka, pababagsakin ko."

Tumikhim si Anton kaya naagaw niya ang atensyon ko. "This is not about revenge. Nung sinabi ko seyo na lahat ng mananakit seyo ay pababagsakin ko, I mean it. Kahit pamilya mo sila, hindi ako magdadalawang isip pabagsakin sila. They hurt you! You were shot by your mom and I fucking can't do anything or to see you at least. Kasi..." bumalik na naman ang galit ni Anton at hindi natuloy ang gustong sabihin.

Huminga siya ng malalim. " Lahat ng nanakit seyo four years ago.. Pababagsakin ko ngaun. Even you can't stop me, baby.. Even you.."

Umiling ako. "I will stop you." nanghihinang sagot ko.

"How?" he said arrogantly. Tila ba naghahamon. Napalunok ako. I don't know! Ugh! This is so frustrating!

"There's no way you can stop me, baby. Isang pirma ko lang ang kailangan para bumagsak ang VC aircrafts. Just. One. Sign. Pulling out my shares.. Wala na ang kumpanya ng Vera Cruz."

Nakatingin lang ako sa kanya. Wala akong masabi kasi totoo ang sinasabi niya! Naiinis ako kasi wala akong magawa. At nasasaktan ako kasi hindi ko na makilala ang Anton na minahal ko noon. He used to be my angel that always lift me up..  I can't imagine that he's now the devil that will pull me down.

Huminga siya ng malalim at marahan na pinunasan ang luha sa mukha ko. Lalo akong nanghina at hindi na nakaalma dahil sa pagod ng pakikipagsagutan sa kanya. I let him carefully wipe my tears. Sa bawat dampi niya sa balat ko ay kasabay ng pagbuo at pagwasak niya sa akin.

"Did I lose you?" nanginig ang boses niya habang patuloy na pinupunasan ang mga luha ko na ayaw paawat.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi nagsalita. Bukod sa nalilito ako at nasasaktan ay madaming tanong ang utak ko sa kung ano ang nagyari noon. Bakit niya pinipilit na ako ang nang iwan? Bakit mag kaiba kami ng pinaglalaban?

He sigh heavily again. " Go home and take a rest." Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palabas ng conference room. Pumikit ako ng mariin. The gentleness of his voice, once more, made me feel the nostalgic pain... I've forgotten... years ago....

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now